BACK

Walang katibayan na nauugnay sa pamumuo ng dugo ang mga bakunang may mRNA.

This article was published on
August 10, 2021

This explainer is more than 90 days old. Some of the information might be out of date or no longer relevant. Browse our homepage for up to date content or request information about a specific topic from our team of scientists.

This article has been translated from its original language. Please reach out if you have any feedback on the translation.

Walang natuklasan sa kasalukuyang pananaliksik na may kaugnayan ang mga bakuna para sa COVID-19 na may mRNA at ang pamumuo ng dugo. Patuloy na hinihikayat ng mga awtoridad sa kalusugan sa iba’t ibang panig ng mundo ang lahat na magpabakuna laban sa COVID-19 kapag posible.

Publication

What our experts say

Walang natuklasan sa kasalukuyang pananaliksik na may kaugnayan ang mga bakuna para sa COVID-19 na may mRNA at ang pamumuo ng dugo. Patuloy na hinihikayat ng mga awtoridad sa kalusugan sa iba’t ibang panig ng mundo ang lahat na magpabakuna laban sa COVID-19 kapag posible.

Ayon sa pinakamahahalagang tinalakay sa pagpupulong noong Mayo 3–6, 2021 ng European Medicines Agency, walang safety signal para sa mga bakunang may mRNA. Tumutukoy ang safety signal sa bago o nalalaman nang problema na posibleng dulot ng gamot. Kapag may safety signal, kailangang higit pang pag-aralan ang problema. Isinulat nila na walang nakasaad sa kasalukuyang katibayan na may kaugnayang pagsasanhi ang bakuna para sa COVID-19 ng Moderna at ang pamumuo ng dugo. Isinaad nila na mas mababa ang bilang ng pamumuo ng dugo na nakita sa mga pasyenteng nakatanggap ng bakuna kumpara sa mga hindi nabakunahan. 

Patuloy ring sinasabi ng US Centers for Disease Control and Prevention na hindi nauugnay ang pamumuo ng dugo sa mga bakunang may mRNA, kahit lampas 210 milyong dosis na ang naibigay.

Panghuli, sinuri sa isang pag-aaral na inilathala noong Hunyo 2021 mula sa Scotland ang datos na nagmula sa 0.82 milyong katao na nakatanggap ng unang dosis ng bakunang may mRNA ng Moderna. Napag-alamang hindi nauugnay ang bakuna sa pamumuo ng dugo sa unang 28 araw pagkatapos maturukan. 

Context and background

Hindi lahat ng pamumuo ng dugo ay masama. Kapag nasasaktan ang katawan, nagsasama-sama ang mga selula ng dugo at iba pang molecule para gumawa ng matibay na namuong dugo. Nakakatulong ang namuong dugo sa pagpigil sa pagdanak ng dugo at pagpasok ng mga mikrobyo sa katawan.

Kapag nangyari ang pamumuo ng dugo sa loob ng daluyan ng dugo sa utak, puso, baga, o iba pang bahagi ng katawan, maaari ito maging mapanganib. Puwedeng maging sanhi ng pamumuo ng dugo ang mga problema sa kalusugan tulad ng mga impeksyon, operasyon, o pamamaga. Nauugnay rin ito sa edad (mahigit 65 taong gulang), mga gawi sa pamumuhay tulad ng paninigarilyo o hindi paggalaw sa loob ng mahabang panahon, pagbubuntis, at ilang gamot (tulad ng mga birth control pill). Nauugnay rin ang pamumuo ng dugo sa impeksyong COVID-19.

Puwedeng mauwi sa stroke ang mga namuong dugo na nakakahadlang sa pagdaloy ng dugo sa utak. Puwedeng maging sanhi ng atake sa puso ang mga namuong dugo na nakakahadlang sa pagdaloy ng dugo sa puso. Maaaring magsanhi ang mga namuong dugo sa baga ng mga problema sa paghinga, samantalang puwedeng makaranas ng pamamaga at pananakit kapag may namuong dugo sa binti. Kung may namuong dugo ang isang tao na bumabara sa daluyan ng dugo, kinakailangan ng pang-emergency na pangangalagang medikal.

Para ma-diagnose ang pamumuo ng dugo, sinusuri ng mga tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan ang mga sintomas ng pasyente at nagsasagawa sila ng mga klinikal na pagsusuri. Maaaring kasama sa mga pagsusuri ng dugo ang mga clotting factor, mga platelet, fibrinogen, at iba pa. Maaari ding gumamit ng iba pang pagsusuri tulad ng computerized tomography scan (CT scan) o ultrasound.

Isang paraan para masuri ang pamumuo ng dugo ang pagsusuri sa dugo na tinatawag na D-dimer. Isang protina sa dugo ang D-dimer na inilalabas ng katawan kapag nagsimula nang mabuwag ang namuong dugo. Kapag mataas ang bilang ng D-dimer, puwedeng dahil ito sa pamumuo ng dugo, pero maraming iba pang posibleng dahilan. 

Maaari ding tumaas ang bilang dahil sa mga sumusunod:

- Pagbubuntis;  - Paninigarilyo; - Impeksyon o sepsis; - Pamamaga; - Mga autoimmune na sakit; - Katandaan; - Kanser; - Iba pang dahilan.

Dapat suriin ng tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan ang mga pagsusuri sa dugo at mga sintomas nang sabay para mapagpasyahan kung anong uri ng panggagamot ang maaaring kailanganin.

May natuklasan ang mga siyentista na posibleng kaugnayan ng mga bakuna para sa COVID-19 ng AstraZeneca at Johnson & Johnson at ng pamumuo ng dugo sa ilang tao. Para sa karamihan ng tao, maliit ang posibilidad na makaranas ng pamumuo ng dugo na dahil sa mga bakunang ito. Bagama’t bihira, napansin ang karamihan ng kaso ng pamumuo ng dugo sa mga babaeng wala pang 60 taong gulang sa loob ng dalawa (AstraZeneca) o tatlong (Johnson & Johnson) linggo pagkatapos mabakunahan. Hindi bakunang may mRNA ang mga bakuna ng AstraZeneca at Johnson & Johnson.

Resources

  1. Paliwanag sa Pamumuo ng Dugo (National Institutes of Health)
  2. Pamumuo ng Dugo (Cleveland Clinic)
  3. Pinakamahahalagang tinalakay sa pagpupulong ng Pharmacovigilance Risk Assessment Committee (PRAC) noong Mayo 3–6, 2021(European Medicines Agency)
  4. Unang dosis ng bakuna para sa COVID-19 na ChAdOx1 at BNT162b2 at mga thrombocytopenic, thromboembolic, at hemorrhagic na pangyayari sa Scotland (Nature Medicine)
  5. Bakuna para sa COVID-19 ng AstraZeneca: May natuklasan ang EMA na posibleng kaugnayan sa mga lubhang pambihirang kaso ng hindi pangkaraniwang pamumuo ng dugo na may mababang bilang ng platelet sa dugo (European Medicines Agency)
  6. Mga Bakuna para sa COVID-19 at Pamumuo ng Dugo: Limang Pangunahing Tanong (Nature)
  7. May namatay na ba dahil sa mga bakuna? (Utah Department of Health)
  8. Bakuna para sa COVID-19 na Janssen: May natuklasan ang EMA na posibleng kaugnayan sa mga lubhang pambihirang kaso ng hindi pangkaraniwang pamumuo ng dugo na may mababang bilang ng platelet sa dugo (European Medicines Agency)
  9. Inirerekomenda ng CDC ang Paggamit ng Bakuna para sa COVID-19 na Janssen ng Johnson & Johnson (U.S. Centers for Disease Control and Prevention)
  10. D-Dimer (StatPearls)

Media briefing

Media Release

Expert Comments: 

No items found.

Q&A

No items found.