This explainer is more than 90 days old. Some of the information might be out of date or no longer relevant. Browse our homepage for up to date content or request information about a specific topic from our team of scientists.
This article has been translated from its original language. Please reach out if you have any feedback on the translation.
Sa ngayon, walang datos na nakakaapekto ang mga bakuna para sa COVID-19 sa kakayahang magkaanak. Nagsasagawa ng pananaliksik para patuloy na mapag-aralan ang kaugnayan ng mga bakuna para sa COVID-19 at ng kakayahang magkaanak katagalan, at para matiyak na walang panganib. Maraming eksperto ang nagsasabi na mas mapanganib para sa mga buntis, at posibleng pati rin sa mga taong nagnanais magbuntis, ang COVID-19 kaysa sa mga bakunang nagbibigay ng proteksyon laban dito.

Kasalukuyang walang datos na nagsasaad na nagsasanhi ng pagkabaog ng kalalakihan o kababaihan ang anumang bakuna para sa COVID-19.
Nangongolekta ng datos ang mga siyentista para patuloy na pag-aralan ang kaugnayan ng mga bakuna para sa COVID-19 at ng kakayahang magkaanak para matiyak na hindi makakaapekto o makakasama sa kakayahang magkaanak ang mga bakuna. Sa ngayon, walang datos na nagsasaad na nakakapagdulot ng pinsala o may dalang panganib ang mga ito.
Sa isang pag-aaral na isinagawa sa mga bakuna para sa COVID-19 at kakayahang magkaanak ng kalalakihan, pinaghambing ang sperm fertility bago at matapos ang dalawang dosis ng bakuna para sa COVID-19. Walang nakita sa pag-aaral na makabuluhang pagkakaiba. Gayunpaman, maliit ang sample na ginamit sa pag-aaral at mga panandaliang epekto lang ng bakuna ang sinuri. Kailangan ng higit pang pag-aaral at higit pang pangmatagalang pangongolekta ng datos para patuloy na masuri ang kaugnayan ng kakayahang magkaanak ng kalalakihan at ng mga bakuna para sa COVID-19.
Maganda ring tandaan na bagama’t pinakamahusay na pantukoy ng kakayahang magkaanak ng kalalakihan ang pagsusuri sa tamod, hindi ito perpektong pantukoy ng kakayahang magkaanak. Makakatulong ang higit pang pag-aaral na gumagamit ng iba pang pantukoy para maunawaan natin nang mas mabuti ang kaugnayan ng mga bakuna para sa COVID-19 at ng kakayahang magkaanak.
Wala ring datos na nagsasaad na nakakaapekto ang mga bakuna para sa COVID-19 sa kakayahang magkaanak ng kababaihan. Sa isang pag-aaral na isinagawa kamakailan, pinaghambing kung gaano kalaki ang posibilidad na makapagpunla ng embryo sa tatlong grupo ng kababaihan. Kapag may naipunla nang embryo, nagsisimula na ang pagbubuntis. Ang tatlong grupo ay:
1) mga babaeng nabakunahan 2) mga babaeng nagkaroon ng COVID-19 3) mga babaeng hindi nabakunahan at hindi rin nagkaroon ng COVID-19
Walang nakita sa pag-aaral na makabuluhang pagkakaiba sa kakayahang magbuntis (o “porsyento ng pagpunla ng embryo”) sa tatlong grupo, na nagsasaad na walang epekto sa kakayahang magkaanak ang mga bakuna.
Nabuntis din ang ilang tao sa panahon ng mga klinikal na pagsubok ng mga bakuna para sa COVID-19 na Pfizer at Moderna, na nagsasaad na hindi nakaapekto ang mga bakuna sa kakayahang magkaanak ng mga taong iyon. Sa mga pagbubuntis na iyon, walang naidokumentong pagdami ng mga nakunan o mga bagong silang na sanggol na may mga problema sa kalusugan sa kapanganakan.
Ayon sa pananaliksik, puwede pang makinabang ang mga bagong silang na sanggol sa pagpapabakuna laban sa COVID-19 ng mga ina. Sa isang pag-aaral na isinagawa sa Cornell University, napag-alaman sa pananaliksik na 99% ng mga bagong silang na sanggol ang nagkaroon ng mga antibody pagkatapos matanggap ng kanilang mga ina ang dalawang dosis ng bakuna, na nagbigay sa kanila ng proteksyon laban sa virus sa kapanganakan. 44% ng mga sanggol ang nagkaroon ng mga antibody pagkatapos ng isang dosis.
Sa iba pang pag-aaral na isinagawa sa kababaihan, tumuon sa virus na nagdudulot ng COVID-19 at mga antibody na nagpapalakas ng immunity sa pagbubuntis. Ayon sa pananaliksik, puwedeng maipasa ang mga antibody para sa COVID-19 sa inunan ng mga ina na nagkaroon ng COVID-19. Isinasaad nito na maaaring magkaroon ng kaunting proteksyon laban sa COVID-19 sa kapanganakan ang mga bagong silang na sanggol ng mga ina na nagpositibo sa mga antibody para sa virus, o nagpositibo sa virus na nagdudulot ng COVID-19.

Pinayuhan ng American College of Obstetrics and Gynecologists (ACOG) ang lahat ng babaeng lampas 18 taong gulang, mga nagpaplanong magbuntis, lahat ng nagbubuntis, at mga nagpapasusong ina na magpabakuna. Binalaan din ng ACOG ang mga buntis tungkol sa posibilidad na magkaroon ng COVID-19 habang buntis.
May ilang pahayag online na mapanlinlang na naggigiit sa mga pagkakatulad ng bahagi ng virus na nagdudulot ng COVID-19 (ang spike protein) at ng protina ng tao na may kinalaman sa pagbuo ng inunan. Ayon sa mga hindi totoong pahayag, dahil sa pagkakatulad na ito, aatakihin ng mga bakuna ang mga bahaging may kinalaman sa pag-aanak. Sinuri ng ilang geneticist, immunologist, at biochemist ang mga sequence ng parehong protina at napagpasyahan nilang walang makabuluhang pagkakatulad ang spike protein ng COVID-19 at ang protina ng tao na may kinalaman sa pagbuo ng inunan.