This explainer is more than 90 days old. Some of the information might be out of date or no longer relevant. Browse our homepage for up to date content or request information about a specific topic from our team of scientists.
This article has been translated from its original language. Please reach out if you have any feedback on the translation.
Seychelles ang may pinakamataas na porsyento ng mga taong nabakunahan sa bansa sa average ayon sa bilang ng mga mamamayan nito. Bagama’t kasalukuyang nakakaranas ang bansa ng pagdami ng mga kaso, hindi ito ang pinakamalaking surge sa buong mundo sa usapin ng kabuuang bilang ng kaso o bilang porsyento ng populasyon nito.

Seychelles ang may pinakamataas na porsyento ng mga taong nabakunahan sa average ayon sa bilang ng mga mamamayan nito. Sa kabila nito, kasalukuyang nakakaranas ang bansa ng pagdami ng mga kaso ng COVID-19. Hindi ito ang pinakamalaking surge sa buong mundo sa usapin ng kabuuang bilang ng mga kaso o bilang porsyento ng populasyon nito.
Pagsapit ng Mayo 18, 2021, mahigit 60% ng populasyon ng Seychelles na ang ganap nang nabakunahan, at mahigit sa 70% ng populasyon ang naturukan na ng unang dosis. Mas malaki ang porsyento ng kabuuang populasyon ng bansang isla ang nabakunahan na laban sa coronavirus, kumpara sa porsyentong nabakunahan na sa kabuuang populasyon ng iba pang bansa. Sa kabila nito, mahigit 10% ng kabuuang populasyon ng Seychelles ang dinapuan ng virus, na nagresulta sa 38 kamatayan at kamakailang pagdami ng mga kaso.
Mahigit kalahati ng pagbabakuna sa Seychelles ang gumamit ng bakunang Sinopharm (57%) at 43% ang gumamit ng Covishield (bakuna ng AstraZeneca-Oxford). Hindi alam kung aling mga bakuna ang ibinigay sa mga nagpositibo pagkatapos sa COVID-19.
Nakita nang 79% mabisa ang bakunang Sinopharm sa pagpigil sa mga kaso ng COVID-19 na may mga sintomas at nangangailangan ng pagkakaospital. Nakita nang 76% mabisa ang Covishield sa pagpigil sa mga sintomas at 100% mabisa sa pagpigil sa pagkakaospital.
Dahil sa malaking bilang ng mga bagong kaso sa mga taong ganap nang nabakunahan sa Seychelles, nagkaroon ng mga tanong kung gaano kabisa ang mga bakuna sa labas ng laboratoryo. Mayroon ding mga tanong kaugnay ng posibilidad ng pagkasira ng mga bakuna habang nasa biyahe.
Mahalagang tandaan na bagama’t mga taong nabakunahan na ang sangkatlo (37%) ng mga bagong aktibong impeksyon sa Seychelles, wala sa mga nabakunahang pasyente ang namatay. Malaking bilang ng mga pasyenteng naospital — 80%— ang hindi bakunado. Marami ang may matagal nang mga karamdaman. Malaking bahagi ng mga bakunadong nagpositibo sa virus ang nagkaroon ng mga sintomas na magaan lang o hindi malala, o walang naranasang sintomas.
Dahil may 115 isla at populasyon na 100,000 tao ang bansa, lubhang nabahala ang mga nangangasiwa sa kalusugan ng bansa sa pag-abot sa 400 ng mga kaso kada araw kamakailan. Ilan sa mga posibleng dahilan ng pagdami ng kaso sa mga taong nabakunahan na ang:
- Mas maluwag na mga hakbang para sa pag-iwas sa buong bansa - Pagdami ng mga turistang hindi bakunado - Pagkakaroon ng impeksyon pagkatapos ng una o ikalawang dosis pero bago maging tuluyang mabisa ang bakuna - Hindi pa nakamit ang herd immunity dahil mahigit 70% pa lang ng populasyon ang nabakunahan (ibig sabihin, hindi sapat ang bisa ng mga bakuna para magkaroon ng herd immunity sa ganoon kababang antas) - Mga isyu sa pag-iimbak, transportasyon, lohistika, at distribusyon sa cold chain na nagpahina sa bisa ng mga bakuna - Maaaring kailangan ng mga bakunang may mas mataas na rate ng husay - Kumakalat sa bansa ang mga variant na maaaring mas nakakahawa kumpara sa ibang laganap sa iba pang panig ng mundo at mas kayang makalusot sa proteksyon ng bakuna - Wala masyadong datos ang bakunang Sinopharm tungkol sa mga taong mahigit 60 taong gulang kumpara sa iba pang bakuna, kaya maaaring hindi ito gaanong epektibo para sa grupong ito ng mga tao
Kinakailangan ng higit pang partikular na pananaliksik tungkol sa mga taong bakunado na nagpositibo sa COVID-19 para matukoy ang sanhi ng pagdami ng mga kaso.

Nakakaranas ang maliit na bansang isla na matatagpuan malapit sa baybayin ng East Africa ng matinding dagsa ng mga kaso, bagama’t daan-daang libong mas mababa ang kabuuang bilang ng mga kaso sa bansa kumpara sa bilang ng mga kaso sa ibang bansa.