This explainer is more than 90 days old. Some of the information might be out of date or no longer relevant. Browse our homepage for up to date content or request information about a specific topic from our team of scientists.
This article has been translated from its original language. Please reach out if you have any feedback on the translation.
Gayunpaman, dapat tandaan na maaaring makasama sa mga tao ang pagse-spray ng mga disinfectant sa mga pampublikong lugar dahil puwedeng magsanhi ng mga mapanganib na epekto sa respiratoryo kapag nalanghap ang mga pang-disinfect na spray. Iba pang potensyal na epekto ang pagkairita ng balat at mata, potensyal na pagkasira, at may ilang disinfectant na maaaring may kemikal (formaldehyde) na napatunayan nang nagsasanhi ng kanser. Panghuli, may ilang kemikal na pang-disinfect na puwedeng magliyab, sumabog, gumawa ng mga nakakalasong gas, at makasama sa kapaligiran, kaya dapat lubos na mag-ingat sa pagse-spray ng alinman sa mga disinfectant na ito sa malalaking bahagi o sa loob ng matagal na panahon.

Mula Hunyo 24, 2021, inaprubahan ng pamahalaan ng Zimbabwe ang paggamit sa apat na bakuna para sa COVID-19:
- Sinopharm (mula sa China) - CoronaVac (mula sa Sinovac sa China) - Covaxin (mula sa Bharat Biotech sa India) - Sputnik V (mula sa Gamaleya Research Institute sa Russia)
Karaniwang nagsisimula ang mga bakuna para sa COVID-19 na gumawa ng mga antibody sa mga tao kahit limang araw pa lang pagkatapos maiturok, pero kadalasang inaabot nang ilang linggo bago makabuo ang immune system ng sapat na proteksyon laban sa virus para maituring na mabisa.
Ibinibigay ang bawat uri ng bakuna na nakalista sa dalawang dosis, nang may pagitan na ilang linggo. Hindi magiging lubos na mabisa ang mga ito hanggang lumipas ang ilang linggo pagkatapos ng ikalawang dosis. Ibig sabihin, hindi malakas ang proteksyon at binubuo pa ito pagkatapos mismo ng unang dosis ng bakuna. Ibig sabihin, posibleng maimpeksyon ng virus ang tao sa loob ng panahong ito.
Gumagana ang iba’t ibang uri ng mga bakuna sa iba’t ibang paraan, kaya hindi natin alam kung gaano kalakas mismo ang proteksyong maaaring matanggap ng isang tao pagkatapos maturukan ng isa sa apat na uri ng bakuna sa Zimbabwe. Ang alam natin, lubhang lumiliit ang posibilidad na magkaroon ng malulubhang impeksyon, maospital, at mamatay ang mga taong nabakunahan na ilang linggo pagkatapos matanggap ang parehong dosis.
Karaniwang bumubuo ng mga immune response sa COVID-19 ang mga unang dosis, habang pinapatibay ng mga ikalawang dosis ang mga reaksyong iyon ng immune system. Pagkatapos ng dalawang turok ng bakuna para sa COVID-19, karaniwang lumalakas ang mga immune response.
Walang katibayan na sumusuporta sa mga pahayag na nilulumpo o binubuwag ng bakuna para sa COVID-19 ang immune system habang binubuhay muli ng ikalawang dosis ang immune system.

Patuloy na tumataas ang mga kaso ng COVID-19 sa Zimbabwe linggo-linggo. Humigit-kumulang 3.9% pa lang sa bansa ang nabakunahan na, dahil na rin sa kakulangan ng supply sa buong mundo. Umaasa ang pamahalaan na makakatulong na mapigilan ang pagkalat ng impeksyon sa pamamagitan ng mga utos na manatili sa bahay sa buong bansa, bukod pa sa patuloy na pagpapatupad ng mga patakaran sa lockdown sa ilang lugar ng trabaho at pagku-quarantine sa mga biyaherong mula sa mga partikular na rehiyon.
May ilang salik na mahalagang isaalang-alang para maiwasan ang mga impeksyon ng virus, kabilang ang mababang bilang ng mga magagamit na bakuna, ang yugto ng panahon na inaabot para maibigay ang parehong dosis ng bakuna bago lubos na maprotektahan ang katawan, kung aling mga grupo ang uunahin sa pamamahagi ng bakuna, kung ilang kwalipikadong tao ang magpapasyang tanggapin ito, kung papalawigin o hindi ng pamahalaan ang panahon sa pagitan ng una at ikalawang dosis, at kung mangangailangan at magbibigay ng mga booster shot o hindi para sa ilang uri ng bakuna.
Dahil dito, bahagi lang ang mga bakuna ng palaisipan kung paano mapahinto ang COVID-19. May higit pang gawain tulad ng madalas na paghuhugas ng kamay, pagdistansya sa kapwa, at pagsusuot ng mask na mahuhusay na paraan para maiwasang maapektuhan ng pandemya ang mas marami pang tao sa loob at labas ng bansa.