This explainer is more than 90 days old. Some of the information might be out of date or no longer relevant. Browse our homepage for up to date content or request information about a specific topic from our team of scientists.
This article has been translated from its original language. Please reach out if you have any feedback on the translation.
Gaya ng mga natural na impeksyon, gumagawa ang karamihan ng bakuna para sa COVID-19 ng maraming antibody sa mga taong nakatanggap sa mga ito. Tinutulungan ng mga antibody ang immune system na labanan ang mga impeksyon sa pamamagitan ng pagkapit sa mga antigen at paghuhudyat na dapat sirain ang mga ito.

Hukbong sandatahan ng katawan ang immune system. Nagbibigay ito ng likas na depensa laban sa anumang organismo at banta na mula sa labas ng katawan, na tinatawag nating mga ‘pathogen.’ Ang mga pathogen ay mga bagay na tulad ng mga virus, bakterya, at mikroorganismo na nagtatangkang gamitin ang katawan bilang host para magpakarami.
Kapag may natukoy na pathogen ang immune system, isa sa pinakamahahalagang tugon nito ang paglalabas ng tinatawag na mga antibody. Hinahanap ng mga antibody ang mahahalagang bahagi ng virus at minamarkahan iyon ng mga ito para malaman ng katawan na dapat iyong patayin.
Kapag naimpeksyon tayo, kadalasang naaalala ng ating immune system kung paano gumawa ng mga antibody na maaaring magbigay ng depensa laban sa pathogen. Hindi lang mga antibody ang sangkot sa ating immune response laban sa pathogen, pero kabilang ang mga ito sa pinakamahuhusay na tagapagtantiya kung gaano kalakas ang proteksyon ng isang tao laban sa organismong mula sa labas ng katawan.
Maaaring masabi kung gaano kaprotektado ang isang tao laban sa virus batay sa dami ng kanyang mga antibody para sa COVID-19. Ayon sa isang kamakailang pre-print na pag-aaral, na hindi pa nasuri o pormal na nasiyasat ng ibang siyentista sa isang siyentipikong pahayagan, maaaring makagawa ang mga bakuna para sa COVID-19 ng mga antibody na sampung beses na mas marami kaysa sa makukuha kapag nagkaroon ng COVID-19 at habang nagpapagaling sa naturang sakit.
Nakita nang nakakagawa ang mga bakuna para sa COVID-19 ng malaking bilang ng mga antibody sa mga taong nakatanggap sa mga ito. Salungat sa ilang pahayag online, hindi sinisira ng mga bakuna ang mga antibody para sa ibang sakit o virus.

Dumami ang mga teorya sa social media tungkol sa paggawa at pagkasira ng mga antibody na dahil sa impeksyong dulot ng COVID-19. Maaaring mainam na pagbatayan ang mga antibody para masabi kung gaano kalakas ang resistensya ng isang tao laban sa virus. Parehong gumagawa ng mga antibody ang mga bakuna at mga natural na impeksyon, bagama’t kailangan pa natin ng higit na pananaliksik para matukoy ang pinagkaiba ng antas ng produksyon ng mga antibody ng mga bakuna at ng mga natural na impeksyon.
Hindi palaging pantay sa bawat tao ang likas na resistensya at proteksyong mula sa bakuna. Ito ang dahilan kung bakit mariing hinihikayat ng mga propesyonal sa kalusugan at siyentista ang mga taong gumaling sa COVID-19 na magpabakuna. Mas marami tayong alam tungkol sa mataas na antas ng proteksyon na naibibigay sa atin ng mga bakuna kaysa sa nalalaman natin kung paano nakakaapekto ang mga natural na impeksyon sa malalaking grupo ng mga tao. Malaki ang posibilidad na makapagbigay ang mga bakuna ng mas makabuluhan at natatantiyang proteksyon kumpara sa mga natural na impeksyon.
Hindi natin alam ang lagay ng resistensya para sa mga tao, o kung gaano karaming antibody ang nagagawa ng bawat tao, pagkatapos ng impeksyon. Alam nating may ilang tao na walang antibody pagkatapos nilang gumaling sa COVID-19, habang napakababa ng tugon ng iba. Hindi natin alam kung gaano katagal ang resistensyang iyon sa bawat tao, kung gaano kalakas ang proteksyong iyon, at kung madali ba itong matatalo ng iba’t ibang variant.
Alam nating mabisa ang mga kasalukuyang bakuna para sa COVID-19 sa paggawa ng tugong antibody, at parehong gumagawa ang likas na resistensya at mga bakuna ng mga tugong T-cell, na isa pang mahalagang aspekto ng proteksyon ng immune system. Alam din nating ligtas ang mga kasalukuyang bakuna para sa COVID-19, mas maaasahan ang mga ito kaysa sa likas na resistensya, hindi gaanong mapanganib ang mga ito kung ikukumpara sa mga impeksyong dulot ng COVID-19, at malamang na makagawa ang mga ito ng mas marami pang antibody kaysa sa mga natural na impeksyon.
Ayon sa kasalukuyang datos, humigit-kumulang 10% ng mga taong naimpeksyon ang walang nabibilang na antibody kapag gumaling na sila sa COVID-19, 7% ang walang T-cell na nakakaalala sa virus isang buwan pagkatapos ng impeksyon, at hanggang 5% ang maaaring mawalan ng likas na resistensya sa loob ng ilang buwan. Ihambing iyon sa mga bakuna—natuklasan sa isang kamakailang pag-aaral na nakagawa ng mga antibody ang 100% ng mga kalahok apat na buwan pagkatapos makatanggap ng isang dosis ng bakunang Moderna. ‘Di hamak na mas mataas ang mga antas ng antibody na ito sa mga taong nabakunahan kaysa sa mga taong nagkaroon ng likas na resistensya sa virus. Puwedeng anim hanggang sampung beses na mas mataas ang pinagkaiba para sa mga naturukan.
Naiiba ang produksyon ng antibody sa mga taong nagkaroon ng impeksyong hindi malala o walang sintomas, lalo na kapag inihambing sa mga taong naospital o nagkaroon ng malalalang sintomas. Sa tulong ng bakuna, nakitang malakas ang naging tugon ng immune system, kabilang ang mas maraming antibody, ng halos lahat ng nabakunahan na sumailalim sa pagsusuri.
Gayunpaman, ayon sa ilang kamakailang pag-aaral, maaaring hindi gaanong makinabang, kung makikinabang man, ang mga taong naimpeksyon na kumpara sa mga taong hindi naimpeksyon. Sa kabila ng kawalan ng potensyal na benepisyo, mariin pa ring hinihikayat ng mga doktor ang mga taong naimpeksyon na magpabakuna para sa kanilang kalusugan at para sa kalusugan ng kanilang komunidad. Kailangan ng higit pang pananaliksik at patuloy na magsasagawa nito sa larangang ito sa hinaharap.