BACK

Paano nagkakaiba ang mga bakuna at mask kaugnay ng pagbibigay ng proteksyon laban sa COVID-19?

This article was published on
June 1, 2021

This explainer is more than 90 days old. Some of the information might be out of date or no longer relevant. Browse our homepage for up to date content or request information about a specific topic from our team of scientists.

This article has been translated from its original language. Please reach out if you have any feedback on the translation.

Nagbibigay ng proteksyon ang mga mask at iba pang personal protective equipment (PPE) na tulad ng mga guwantes, gown, at face shield sa pamamagitan ng pagpigil na madikit sa atin at makapasok sa ating katawan ang coronavirus.  Sinasanay naman ng mga bakuna ang ating immune system na labanan ang virus sakaling makapasok ito sa ating katawan. Sa pamamagitan ng proteksyon sa labas at loob ng katawan, mapapalaki natin ang posibilidad nating makaiwas sa epekto ng coronavirus.

Publication

What our experts say

Inirerekomenda ng WHO, US CDC, at mga Kagawaran ng Kalusugan sa iba’t ibang panig ng mundo na magsuot ang mga tao ng mga mask o takip sa mukha kapag nasa mga pampublikong lugar. Nagbibigay ng proteksyon sa mga tao ang mga mask at iba pang personal protective equipment (PPE) na tulad ng mga guwantes, gown, at face shield para hindi sila direktang madikitan ng virus na nagdudulot ng COVID-19. Kadalasang kumakalat ang virus sa pamamagitan ng ilong at bibig. Mapapaliit ang posibilidad ng pagpapasahan ng mga tao ng virus sa pamamagitan ng pag-ubo, pagbahing, o mga talsik kapag nagsasalita nang malakas kapag tinakpan ang ilong at bibig.

Gayunpaman, hindi ito sapat para mapigilan ang pagkakahawahan. Sobrang liit ng virus at puwede pa rin itong makalusot sa pisikal na proteksyon ng mga PPE at makapasok sa katawan. Dahil dito, kinakailangan ang mga bakuna. Inihahanda ng mga bakuna para sa COVID-19 ang ating immune system na labanan ang virus, at talagang napapaliit ng mga ito ang posibilidad nating magkasakit. Nagsasagawa na ng pananaliksik para mapag-aralan kung gaano kabisa ang mga bakuna para sa COVID-19 sa pagpigil sa paglaganap ng virus. Iyon ang dahilan kung bakit kailangan pa rin nating magsuot ng mga mask sa matataong lugar.

Dalawang magkaibang uri ng proteksyon ang mga mask at bakuna. Maihahalintulad ang mga ito sa paglalagay ng sistemang panseguridad sa labas ng bahay, habang mayroon ding mga vault sa loob para maprotektahan ang mahahalagang gamit natin. Mahalaga ang mga ito para mapangalagaan natin ang ating katawan. Sa pamamagitan ng pagpapabakuna, paggamit ng mga mask, at pagdistansya sa kapwa kapag nasa pampublikong lugar, lubha nating napapaliit ang posibilidad na kumalat at makaimpeksyon ang virus, na pumipigil sa malawakang pagkakahawahan.

Sa pagdami ng mga taong nagkakaroon ng proteksyon laban sa virus, maaaring maubusan ang virus ng paraan ng pagkalat, at maaaring magwakas na ang pandemya.

Context and background

Noong simula ng pandemya, hiniling sa publiko na magsuot ng mga mask at takip sa mukha para maprotektahan ang kanilang sarili at ang iba mula sa paglaganap ng COVID-19. Sa pagdami ng mga taong nababakunahan, lumabas ang mga tanong kung alin sa mga mask o bakuna ang mas epektibo sa pagbibigay ng proteksyon para sa atin. Ang totoo, lubhang magkaibang paraan ng pagpapanatili sa ating kaligtasan ang mga ito. Magkaiba ang mga papel ng mga ito. Ginagamit ang isa para mapigilan ang pisikal na pagpapasahan ng virus, habang ginagamit naman ang isa pa para ihanda ang katawan na pigilan ang pagkakaroon ng malubhang sakit na dulot ng virus. 

Resources

  1. Katibayan para sa Bisa ng mga Mask (U.S. CDC)
  2. Gaano kahusay ang proteksyon ng mga face mask laban sa coronavirus? (Mayo Clinic)
  3. Pagsusuri sa katibayan ng mga face mask laban sa COVID-19 (National Academy of Sciences - PNAS)
  4. Mga face mask: ang isinasaad ng datos (Nature)
  5. Mga Pangunahing Bagay na Dapat Malaman tungkol sa mga Bakuna para sa COVID-19 (U.S. CDC)
  6. Epekto at bisa ng bakunang may mRNA na BNT162b2 laban sa mga impeksyong dulot ng SARS-CoV-2 at mga kaso, pagkakaospital, at kamatayang dulot ng COVID-19 pagkatapos ng pambansang kampanya para sa pagbabakuna sa Israel: isang pag-aaral na pag-obserba gamit ang datos sa pagsubaybay sa buong bansa (The Lancet)
  7. Bisa ng Bakuna para sa COVID-19 na BNT162b2 laban sa mga Variant na B.1.1.7 at B.1.351 (The New England Journal of Medicine)

Media briefing

Media Release

Expert Comments: 

No items found.

Q&A

No items found.