BACK

Paano ginagawa ang mga N95 mask?

Paano ginagawa ang mga N95 mask?

This article was published on
July 30, 2021

This explainer is more than 90 days old. Some of the information might be out of date or no longer relevant. Browse our homepage for up to date content or request information about a specific topic from our team of scientists.

This article has been translated from its original language. Please reach out if you have any feedback on the translation.

Walang makabuluhang banta sa kalusugan ng tao ang mga N95 mask na inaprubahan ng mga pambansang ahensya ng kalusugan at internasyonal na organisasyon, at mabisa ang mga ito sa pagpigil sa paglaganap ng sakit. Gayunpaman, maaaring kaduda-duda ang mga ginagamit sa mga pekeng mask na gawa sa materyal na hindi polypropylene.

Publication

What our experts say

Kilala rin ang mga N95 mask bilang mga filtering facepiece respirator o pangsala ng hangin na inilalagay sa mukha. Nasasala ng mga mask na ito ang hindi bababa sa 95% ng mga particle sa hangin. Itinuturing ang mga N95 mask bilang pinakamataas na pamantayan sa mga face mask sa ilang industriya at kadalasang ginagamit ang mga ito ng mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan para maiwasan ang pagpapasa ng mga nakakahawang sakit, pathogen, at iba pang mapanganib na particle.

Sakto ang lapat sa mukha ng mga N95 mask para maging selyado ito. Hinuhuli ng mga ito ang mga aerosol at droplet sa mga fiber ng mga ito para hindi makapasok ang mga particle sa ilong o bibig ng may suot ng mask. Kapag suot nang maayos ang mga N95 mask sa paraang lapat na lapat, walang hanging nakakapasok mula sa labas sa mga gilid ng mask, o nakakalabas mula sa taong may suot ng mask. Nakakatulong ito na maiwasan ang pagpapasa ng COVID-19 sa at mula sa mga taong nakasuot ng mga N95 mask nang maayos.

Gawa ang karamihan ng N95 mask sa materyal na tinatawag na polypropylene, isang synthetic na plastic fiber na gawa sa mga fossil fuel na gaya ng langis. Katulad ang fiber na ito ng mga fiber na matatagpuan sa damit na gaya ng mga rain jacket, yoga pants, at nababanat na tela. Ginagamit din ang polypropylene sa paggawa ng mas maluluwang na surgical mask, pero hindi kasinghusay ng mga N95 mask ang mga mask na ito sa pagsasala ng mga particle.

Para makagawa ng mga polypropylene na filter, libo-libong hindi hinabing fiber ang sama-samang tinutunaw sa prosesong tinatawag na 'melt blow extrusion.' Mas manipis ang bawat fiber kaysa sa isang hibla ng buhok. Dumaraan ang bawat hibla sa isang butas sa makina para gumawa ng layer ng mga fiber na parang cotton candy ang pagkakabuo. Pagkatapos, idaraan sa mainit na hangin ang mga mask, na magdidikit sa mga fiber hanggang sa hindi na makapasok ang 95% ng mga mikrobyo, pero makakadaan pa rin ang hangin. Nagreresulta ang prosesong ito sa malasapot na filter na kadalasang binibigyan ng electrostatic charge para maging mas mabisa ang mga ito. Sa isang kamakailang pag-aaral, nakatulong ang pagdaragdag ng electrostatic charge na ito sa mga mask sa pagsasala ng 10 beses na mas marami pang munting mikrobyo kumpara sa mga mask na walang electrostatic charge.

Bukod sa materyal ng filter, puwede ring may iba pang materyal ang mga N95 mask gaya ng aluminum, polyurethane, bakal, at, goma. Gumagamit ang kompanyang 3M ng tinatawag na polyisoprene sa paggawa ng mga telang tali para sa kanilang N95 mask. Kapag may rating na N95 ang mask, kaya nitong mahuli ang 95% ng mga particle. Hindi ito nangangahulugan na gawa dapat ang mga mask sa anumang partikular na materyal, hangga’t nakakapagsala ito sa antas na iyon. Ibig sabihin, batay rito, puwedeng gawin ang mga N95 mask gamit ang maraming materyal pero gumagamit ng polypropylene bilang pangunahing materyal at filter ang karamihan ng mask na inaprubahan ng mga pambansang ahensya ng kalusugan ng publiko o kinukuha/sinusuri ng World Health Organization.

Hindi lubhang naiinitan ang mga N95 mask kapag suot nang maayos ang mga ito at gawa ang mga ito ng mga mapagkakatiwalaang kompanya na may mga listahan ng sangkap na sinuri ng mga pambansa at internasyonal na samahang pangkalusugan. Dahil sa mga talagang dikit-dikit na polypropylene na fiber sa mask, malabong may malagas na fiber na puwedeng pumasok sa katawan. Sakaling mayroon mang pumasok sa katawan, malabong maraming fiber ito na sapat para humantong sa pagkairita ng mata o lalamunan, o pagkasira ng sikmura.

Itinuturing na ligtas para sa mga tao ang polypropylene at malawakan itong ginagamit sa mga produktong pagkain at inumin dahil sa kakayahan nitong magtagal sa init. Ibig sabihin, puwedeng madampian ng maligamgam o mainit na tubig ang materyal at hindi pa rin ito maglalabas ng anumang plastic.

Gayunpaman, hindi dapat painitan sa kalan, sunugin, ilagay sa microwave, o ilantad sa matinding init sa anumang dahilan, maging para sa pag-aalis ng mikrobyo, ang mga N95 mask. Puwedeng maging mapanganib ang pagtunaw ng anumang plastic o hinango sa plastic, pero hindi ginawa ang mga N95 mask para mapigilan ang o makapagbigay ng proteksyon laban sa matinding init at temperatura.

Ayon sa kamakailang pananaliksik, maaaring makaapekto sa mga androgen hormone o magsanhi ng toxic response ang polypropylene, pero walang makabuluhang banta sa kalusugan ang mga N95 mask. Hindi gumagalaw ang mga fiber sa loob o mula sa mask, at hindi rin lubhang naiinitan ang mga ito habang suot.

Para matiyak na ligtas at gawa sa mga produktong nasuri para sa kaligtasan ang mga N95 mask, ayon sa World Health Organization, dapat ay nakakapagbigay man lang ang mga N95 respirator ng proteksyon gaya ng "Sertipikadong N95 at N99 ng United States National Institute for Occupational Safety and Health, surgical N95 ng US Food and Drug Administration, pamantayang FFP2 o FFP3 ng European Union, o katumbas ng mga ito." Ayon sa Competition Bureau of Canada, dapat lagyan ang mga mask ng label na nagsasaad sa mga porsyento ng bumubuo sa fiber, mga pangalan at pangunahing lugar ng negosyo ng nagbebenta, at iba pang impormasyon na nagbibigay ng pagkakakilanlan o pambansang pag-apruba. Dahil sa COVID-19, dumami ang mga pekeng mask na ginagawa at maaaring hindi ipinapahayag ang listahan ng mga materyal nito. Hindi inirerekomenda ang pagbili ng mga N95 mask na hindi nagpapahayag sa nabanggit na impormasyon o walang naaangkop na nagbebenta o tatak na nagsasaad ng pag-apruba ng pambansang ahensya ng kalusugan.

Context and background

Noong 1995, naimbento ni Peter Tsai at ng kanyang team ang filter ng N95 mask. Mula noon, ginaya at pinaghanguan na ang respirator ng napakaraming kompanya, pero may iba’t ibang pamantayan para sa protective personal equipment ang bawat bansa.

Halimbawa, sa labas ng United States, gumagamit ng ibang pamantayan sa pagsusuri sa bisa, antas ng daloy, at pagbagsak ng pressure ng bawat mask. Sa European Union, kinakailangan ng mga FFP2 na respirator para makapagsala ng hindi bababa sa 94% ng mga particle. Dapat makatugon ang mga KN95 na respirator sa China sa hindi bababa sa 95% na pagsasala (bagama’t hindi nakakatugon sa pamantayang ito ang ilang mask na ibinebenta sa iba’t ibang panig ng mundo bilang KN95). Sa halip na pagtatalagang N95, gumagamit ang Australia ng mga P2 o P3 mask, gumagamit ang Japan ng DS/DL2 at DS/DL3, at gumagamit ang Mexico ng iba’t ibang mask, mula sa N95 hanggang R95 at P95 bilang mga alternatibo.

Inirerekomenda para sa mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan ang mga mask na may mga antas ng pagsasala na 95% pataas at inaprubahan ng mga pambansa at internasyonal na samahang pangkalusugan para maiwasan ang paghahawa-hawa ng COVID-19. Dahil sa kakulangan ng mga mask at supply na kinakailangan para gawin ang mga ito sa buong mundo, hindi iminumungkahi ang mga N95 para sa mga hindi manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan sa ngayon. Sa halip, inirerekomenda ang pagsusuot ng telang mask sa ibabaw ng surgical mask.

Resources

  1. Sakit na dulot ng coronavirus (COVID-19): Mga Mask (World Health Organization)
  2. Paggamit ng mask sa konteksto ng COVID-19 (World Health Organization)
  3. Pag-unawa sa Pagkakaiba (United States Centers for Disease Control and Prevention)
  4. Murang pagsukat sa bisa ng face mask para sa pagsasala ng mga tumatalsik habang nagsasalita (Science Advances)
  5. Pag-benchmark sa In Vitro Toxicity at Chemical Composition ng mga Plastic na Produkto para sa Consumer (Environmental Science & Technology)
  6. Gabay na Dokumento para sa Paggawa ng mga Mask at Respirator para sa proteksyon laban sa COVID-19 (Yale)
  7. Mga epekto sa kapaligiran dahil sa malawakang paggamit ng mga face mask sa panahon ng COVID-19: Isang pagsusuri at mga potensyal na solusyon (Environmental Challenges)
  8. Mga kinakailangan para sa pagkuha ng Personal Protective Equipment (PPE) sa konteksto ng emergency dahil sa COVID-19 (World Health Organization/PAHO)
  9. Ang pangunahing materyal na ito ang ugat ng kakulangan ng N95 mask: "Nagkaloko-loko na ang supply chain" (CBS News)
  10. Pagbabalik ng charge sa mga filter ng face mask (Nature)
  11. Saan Gawa ang mga N95 Mask? (Smart Air Filters)
  12. Ang hindi kilalang kuwento ng pinagmulan ng N95 mask (Fast Company)
  13. N95 vs. KN95 Mask: Ano ang Pinagkaiba? (Popular Mechanics)
  14. Paliwanag sa mga N95 Mask (Honeywell)
  15. Ligtas na Plastic ba ang Polypropylene para Gamitin sa Bahay? (Healthline)
  16. Inirerekomenda na ngayon ang polypropylene sa mga mask. Dapat ba akong mabahala? Sagot sa iyong mga tanong tungkol sa mask (CBC)
  17. Ang mga mask para sa COVID-19 ay ‘sanhi ng pagkakalanghap ng plastic fiber – pero dapat pa rin nating gamitin ang mga ito’ (South China Morning Post)
  18. Ano ang N95 Respirator? (N95 Decon)
  19. Mapanganib ba ang Polypropylene para sa mga Tao? (MedicineNet)
  20. Mga Katumbas ng N95 bilang Alternatibo sa mga N95 Respirator sa Pangangalagang Pangkalusugan: Karagdagang Impormasyon (Ontario Health Quality)

Media briefing

Media Release

Expert Comments: 

No items found.

Q&A

No items found.