This explainer is more than 90 days old. Some of the information might be out of date or no longer relevant. Browse our homepage for up to date content or request information about a specific topic from our team of scientists.
This article has been translated from its original language. Please reach out if you have any feedback on the translation.
Ang Midazolam ay isang gamot na pampakalma na karaniwang ibinibigay sa mga pasyente bago ang operasyon o medikal na proseso, para makatulong sa mga atake, at sa mga pasyenteng may malubhang karamdaman na nasa ospital. Hindi nauugnay ang gamot sa mga kamatayang wala sa oras ng mga pasyente na sadyang maling tinawag na kamatayang dahil sa COVID-19.

Kilala rin ang Midazolam sa tatak na Versed. Pinakamadalas itong gamitin bago ang mga operasyon o proseso para mabawasan ang pagkabalisa, makapagpaantok, at makatulong sa anesthesia sa mga pasyenteng nangangailangan ng mga tubo o makina para sa paghinga.
Ginagamit din ang naturang gamot, bagama’t mas madalang, para sa mga panahon ng atake ng mga pasyenteng may epilepsy. Ginagamit din ang Midazolam sa palliative care para sa mga pasyenteng nakakaranas ng hindi nawawalang pananakit o may mga nakamamatay na sakit para mabigyan sila ng kapanatagan at maibsan ang kanilang paghihirap. Nakakatulong din ang naturang gamot sa mga tao na makalimutan ang ilang alaalang nauugnay sa mga medikal na proseso tulad ng mga colonoscopy o pag-aayos ng mga nalinsad na kasukasuan.
Unang ginamit ang gamot sa panggagamot noong 1982. Nakalista na ito ngayon sa Listahan ng Mahahalagang Gamot ng World Health Organization. Ginagamit ang Midazolam sa panggagamot para sa COVID-19, sa mga taong binibigyan ng pampakalma habang naka-ventilator.
Gumagana ang gamot sa pamamagitan ng pagpapabagal sa aktibidad sa utak, na nakakatulong sa pagrerelaks at pagtulog. Isa itong benzodiazepine, isang uri ng mga gamot na nagpapabagal sa central nervous system. Pinakamadalas gamitin ang gamot sa mga ospital, dental office, o iba pang panggagamot. Kumpara sa ibang benzodiazepine, mas malakas pero mas panandalian ang epekto nito at hindi gaanong sumasakit ang bahaging tinuturukan. Hindi tulad ng ibang benzodiazepine, kailangan itong ibigay ng medikal na propesyonal.
May nakakahong babala mula sa Food and Drug Administration ng United States ang Midazolam na nagsasaad na nauugnay ang gamot sa pagbagal o pagbabaw at paghinto ng paghinga dahil puwede nitong mapabagal o mapahinto ang paghinga. Nagbibigay ng mga nakakahong babala para sa mga consumer kapag maaaring magdulot ang mga gamot o produkto ng mga malubha o puwedeng makamatay na side effect na maaaring mauwi sa malubhang karamdaman, pagkakaospital, at kamatayan. Ito ang dahilan kung bakit mahalagang ibigay ang gamot sa mga partikular na dosis ng mga medikal na propesyonal at bantayan nila ang mga pasyente pagkatapos maturukan.
Sa mga nagdaang taon, ginagamit ang Midazolam bilang isa sa tatlong gamot na kapag pinagsama-sama ay ibinibigay sa mga bilanggo bilang bahagi ng pagbitay ayon sa parusang kamatayan. Lubhang kontrobersyal ang paggamit na ito, at nasangkot na ito sa maraming demanda dahil sa mga naging problema bilang bahagi ng mga pagbitay, kabilang ang kamatayan ng isang tao na inabot nang mahigit dalawang oras.
Ang paggamit sa Midazolam bilang gamot sa pangangalaga sa malapit nang mamatay at bilang gamot sa pagbitay ay hindi dapat ipahiwatig na ginagamit ang naturang gamot para wakasan ang buhay ng mga pasyenteng may COVID-19 sa mga ospital. Walang datos na nagsasaad na may ganitong nangyari sa mga sitwasyong ito. Ibinibigay ang naturang gamot sa mga pasyenteng may nakamamatay na karamdaman para maibsan ang kanilang paghihirap, hindi para wakasan ang kanilang buhay.

Sa pitong estado sa United States, ginagamit ang Midazolam kasama ng dalawa pang gamot bilang gamot para sa lethal injection sa mga kasong nahatulan ng parusang kamatayan. Gayunpaman, napakabihira ng paggamit sa Midazolam sa ganitong sitwasyon. Karaniwan itong ginagamit bilang gamot na pampakalma bago ang mga medikal na proseso o para matulungan ang mga pasyente sa palliative care na maibsan ang pananakit at pagkabalisa, mapigilan ang mga atake, at panandaliang magamot ang insomnia.
Isinasaad sa mga kamakailang artikulo mula sa mga website na tulad ng The Daily Expose na ginamit ang Midazolam sa United Kingdom para "wakasan nang wala sa oras ang buhay ng libo-libong tao" na sinabi sa publiko na namatay nang dahil sa COVID-19. Walang katibayan na nagsasaad na ginamit ang gamot para wakasan ang buhay ng sinumang pasyente. Sa halip, malamang na ginamit ang Midazolam sa mga naka-ventilator na pasyenteng may COVID-19. Isa ito sa dalawang pinakakaraniwang ginagamit na benzodiazepine na gamot na pampakalma sa ICU. Madalas gamitin ang gamot na ito sa mga pasyenteng may malubhang karamdaman para mapanatili silang kalmado, makabawi ang kanilang katawan sa pamamagitan ng pamamahinga, at maibsan ang paghihirap at iba pang pisikal na sintomas.
Madalas gamitin ang gamot na ito dahil sa epekto ng virus sa mga pasyenteng nasa ospital, kaya kasalukuyan itong kabilang sa listahan ng mga gamot na kinakapos ng supply dahil sa COVID-19. Hindi ito dahil sa napakabihirang paggamit sa Midazolam sa mga pagbitay na iniaatas ng estado. Dahil ito sa paglaganap ng coronavirus at mga sintomas nito na nararanasan ng daan-daang milyong tao sa iba’t ibang panig ng mundo.