BACK

Naiisip ba ng mga eksperto na posibleng mahalo sa DNA ng tao ang mRNA ng mga bakuna para sa COVID-19?

This article was published on
June 21, 2021

This explainer is more than 90 days old. Some of the information might be out of date or no longer relevant. Browse our homepage for up to date content or request information about a specific topic from our team of scientists.

This article has been translated from its original language. Please reach out if you have any feedback on the translation.

Halos walang posibilidad na maimpluwensyahan ng mga bakuna para sa COVID-19 na gumagamit ng mRNA ang iyong DNA.

Publication

What our experts say

Hindi mo dapat ikabahala ang pagkakahalo sa DNA mo ng mga bakuna para sa COVID-19 na gumagamit ng mRNA. Naglalaman ang dalawang kasalukuyang bakuna para sa COVID-19 na gumagamit ng mRNA ng isang uri ng genetic material ng virus, pero malabong mahalo ang anumang bahagi nito sa mga genetic material mo.   Tumutukoy ang DNA sa deoxyribonucleic acid, ang hanay ng mga tagubilin sa mga gene sa lahat ng buhay na organismo. Parang recipe ang DNA para sa paggawa at pagpapanatili sa buhay na organismo.   Gumagamit ang mga bakuna para sa COVID-19 ng Pfizer/BioNTech at Moderna ng isa pang uri ng genetic material na tinatawag na messenger ribonucleic acid (RNA), na tinatawag ding mRNA.   Gumagamit ang mga naturang bakuna ng maliit na piraso ng mRNA para magamit ng katawan ang mga tagubiling iyon sa paggawa ng protina mula sa virus na nagdudulot ng COVID-19. Nakakatulong sa atin ang paggawa sa protinang ito na magkaroon ng depensa laban sa organismong mula sa labas ng katawan.   Gayunpaman, mahalaga ang pinagkaiba ng DNA at mRNA dahil magkaibang uri ng genetic material ang mga ito. Binubuo ang DNA ng dalawang magkapulupot na hibla na tinatawag na double helix. Ang mga hiblang ito ay mahigpit na magkapulupot, napakahaba, at matatagpuan sa nucleus ng selula. Binubuo lang ang mRNA ng iisang hibla at naglalaman ito ng kopya ng maliit na bahagi ng DNA. Mabilis masira ang mRNA—‘di hamak na mas mabilis kaysa sa DNA—at ito ang dahilan kung bakit kailangang ibiyahe at iimbak ang mga bakuna sa napakalamig na temperatura.    Kapag itinurok ang bakunang may mRNA sa kalamnan ng braso, tinuturuan ng bakuna ang katawan ng tao kung paano gumawa ng protina ng virus na nagdudulot ng COVID-19. Hindi nito tinuturuan ang ating katawan kung paano gawin ang buong virus. Mabilis na sinisira ng mga selula ng katawan ang synthetic na mRNA mula sa bakuna, kaya hindi ito nagtatagal sa katawan.   Ayon sa ilang mananaliksik, maaaring aksidenteng mahalo sa DNA ng tao ang genetic material mula sa virus na nagdudulot ng COVID-19 kapag naimpeksyon siya. Sinasabi ng ibang mananaliksik na puwedeng manatili ang virus na nagdudulot ng COVID-19 sa iyong katawan kahit lumipas ang mahabang panahon pagkatapos mong maimpeksyon nang hindi humahalo ang genetic material nito. Kasalukuyang ayon lang sa teorya ang posibilidad na mahalo ang mRNA sa DNA ng tao kapag nagkaroon siya ng COVID-19.

Mas maliit ang posibilidad na mangyari ito pagkatapos maturukan ng bakunang may mRNA, kung saan mabilis na nasisira ang mRNA ng virus mula sa bakuna hanggang sa mawala ito.

Context and background

Inilarawan sa mga kamakailang artikulo sa mga siyentipikong pahayagan kung paano puwedeng humalo sa DNA ng tao ang RNA mula sa mga bakuna. Nakuha ang pansin ng media ng dalawang kamakailang pag-aaral dahil sa pagtuon ng mga ito sa paksang ito, na nagsiwalat ng mga potensyal na bagong paraan kung paano maaaring humalo ang genetic material mula sa mga virus sa DNA ng tao habang may COVID-19 ang tao. Gayunpaman, isa itong pag-aaral sa laboratoryo at hindi ito nangyari sa mga tao na talagang may COVID-19. Walang kalahok na nabakunahan. Walang direktang ugnayan ang mga taong nakatanggap ng bakuna para sa COVID-19 na gumagamit ng mRNA at ang mga uri ng mga pagbabago sa mga gene na sinasabi sa mga naturang kamakailang pag-aaral.

Resources

  1. Nahahalo sa genome ng mga na-culture na selula ng tao ang reverse-transcribed na RNA ng SARS-CoV-2 at nae-express ito sa mga tissue na hango sa pasyente (Proceedings of the National Academy of Sciences of the United States of America)
  2. Sinusuportahan ng higit pang katibayan ang kontrobersyal na pahayag na puwedeng mahalo ang mga gene ng SARS-CoV-2 sa DNA ng tao (Science)
  3. Nire-reverse transcribe ng Polθ ang RNA at nagsusulong ito ng pag-aayos ng DNA ayon sa template ng RNA (Science Advances)
  4. Ayon sa bagong natuklasan, kayang gawing DNA ng mga selula ng tao ang mga sequence ng RNA (ScienceDaily)
  5. Mga Bakuna para sa COVID-19 na Gumagamit ng DNA ng Adenoviral Vector at mRNA ng SARS-CoV-2: Posibleng Paghalo sa Genome ng Tao—Nae-express Ba ang mga Gene ng Adenovirus sa mga Bakunang may Vector? (Virus Research)
  6. Mababago ba ng bakuna para sa COVID-19 ang aking DNA? (BioNews)
  7. Hindi Mababago ng mga Bakuna para sa COVID-19 ang Iyong DNA, Narito Kung Bakit (Forbes)
  8. Deoxyribonucleic Acid (DNA) (United States National Human Genome Research Institute)
  9. Messenger RNA (mRNA) (United States National Human Genome Research Institute)
  10. Pag-unawa sa mga Bakuna para sa COVID-19 na gumagamit ng mRNA (United States Centers for Disease Control and Prevention)

Media briefing

Media Release

Expert Comments: 

No items found.

Q&A

No items found.