This explainer is more than 90 days old. Some of the information might be out of date or no longer relevant. Browse our homepage for up to date content or request information about a specific topic from our team of scientists.
This article has been translated from its original language. Please reach out if you have any feedback on the translation.
Walang bakuna para sa COVID-19 na naaprubahan para sa pang-emergency na paggamit ang naglalaman ng anumang metal o gumagamit ng anumang radiation technology na maglalabas ng matataas na antas ng mga electric at magnetic field (EMF).

Ang mga electric at magnetic field (EMF) ay mga area ng enerhiya na hindi natin nakikita. Halimbawa ng mga pinagmumulan ng EMF ang sikat ng araw, microwave, cell phone, linya ng kuryente, at wireless network.
May dalawang uri ng EMF. Tinatawag ang isa na non-ionizing EMF, na radiation na may mababang antas na itinuturing na karaniwang hindi mapaminsala para sa mga tao. Tinatawag ang isa pa na ionizing EMF, na radiation na may mataas na antas na may potensyal na makapinsala sa mga selula o DNA ng tao. Halimbawa ng pinagmumulan ng ionizing EMF ang sikat ng araw, habang pinagmumulan ng non-ionizing EMF ang iba pang nakasaad na halimbawa.
Ilang partikular na antas ng radiation lang ang puwedeng makapagsanhi ng matataas na antas ng EMF. Higit pa rito, walang bakunang naaprubahan para sa pang-emergency na paggamit ang naglalaman ng anumang metal o gumagamit ng radiation technology na magsasanhi ng ganoong antas.
Halimbawa, gawa ang bakuna ng Pfizer sa mRNA, mga lipid, potassium chloride, monobasic potassium phosphate, sodium chloride, dibasic sodium phosphate dihydrate, at sucrose. Ganito rin ang mga sangkap para sa bakuna ng Moderna. Gawa rin ang mga bakuna ng Johnson & Johnson at AstraZeneca sa mga karaniwang sangkap ng bakuna, pero gumagamit ang mga ito ng ibang bahagi ng virus para sabihan ang ating katawan na gumawa ng immune response. Walang sangkap ng alinman sa mga bakunang ito ang pinagmumulan ng ionizing o non-ionizing EMF.
Sa radiation therapy na ginagamit para gamutin ang ilang kanser, gumagamit ng mga high-energy beam gaya ng mga X-ray para makatulong na patayin ang masasamang selula. Batid na pinagmumulan ng EMF ang mga ganitong uri ng panggagamot, pero natukoy ng mga siyentista na mas lamang ang mga benepisyo ng panggagamot sa pamamagitan ng radiation kaysa sa mga panganib nito para sa maraming tao.
Naglalabas ang lahat ng tao at bagay ng (karaniwang mababang) antas ng EMF radiation. Sa mga tao, dahil ito sa mga munting electrical current sa ating katawan. Nagmumula ang mga current sa mga chemical reaction na bahagi ng mga karaniwang paggana ng katawan. Maraming bagay na puwedeng magpataas sa mga antas ng EMF ng isang tao, gaya ng radiation therapy, metallic implant, titanium implant, hearing implant, at higit pa. Kapag sinusukat ang mga EMF, puwedeng maging dahilan ng mataas na reading ang mga bagay na nasa malapit. Ganoon ang nangyayari kahit na medyo mas malapit lang ito sa taong may mataas na reading kaysa sa taong may mababang reading.

May mga video at kuwento na kumakalat online tungkol sa mga taong gumagamit ng mga EMF reader para magpakita ng mabababang reading ng EMF sa mga taong hindi bakunado, mas matataas na reading ng EMF sa mga bluetooth device at wireless network, at matataas na reading ng EMF sa mga taong bakunado sa tinurukang bahagi sa kanilang braso.
Ang anumang mataas na reading ng EMF ay malamang na dahil sa iba pang salik, gaya ng radiation therapy, implant, o iba pang device na nasa malapit. Bukod pa rito, walang siyentipikong batayan ang mga pahayag na ito. Hindi kontrolado sa paraang siyentipiko o isinagawa ayon sa siyentipikong proseso ang mga “eksperimentong” isinagawa sa mga naturang video at kuwento.
Itinuturok ang mga bakuna para sa COVID-19 nang malalim sa ating mga kalamnan at gumagalaw ang mga sangkap sa paglipas ng panahon para palakasin ang ating immune system. Maaaring makaranas ang ilang tao ng pamamaga sa apektadong bahagi at/o pananakit sa tinurukang braso, na nagtatagal nang ilang araw at inilista ng CDC bilang posibleng pansamantalang side effect. Hindi makakaranas ang mga tao ng EMF radiation sa tinurukang bahagi na lampas sa karaniwang antas, maliban na lang kung may iba pang salik gaya ng radiation para sa kanser, o implant.
Ang mga magnetized na protina, o “magnetoprotein,” ay hindi kasama sa mga sangkap ng anumang bakuna para sa COVID-19 na pinapahintulutan ng World Health Organization (WHO).
Tinalakay sa isang artikulo noong 2016 sa The Guardian ang mga genetically-engineered na magnetized ('Magneto') na protina na ipinapasok sa virus at pagkatapos ay inilalagay sa mga buhay na hayop. Sinubukan ng mga siyentista na i-activate ang mga nerve cell sa mga hayop na ito pagkatapos dumaan ng protina sa isang komplikadong proseso ng pagbuo na maraming hakbang sa laboratoryo. Hindi isinagawa ang mga eksperimentong ito sa mga tao at walang nangyaring pagtatangkang mag-activate ng mga nerve sa utak ng mga tao. Hindi matatagpuan ang mga magnetized na protina na ito sa mga bakuna para sa COVID-19 na pinapahintulutan ng WHO. Hindi naglalaman ang mga bakuna para sa COVID-19 ng mga sangkap na puwedeng maglabas ng electromagnetic field.