BACK

Nagdudulot ba ang mga bakuna para sa COVID-19 ng antibody-dependent enhancement?

This article was published on
May 25, 2021

This explainer is more than 90 days old. Some of the information might be out of date or no longer relevant. Browse our homepage for up to date content or request information about a specific topic from our team of scientists.

This article has been translated from its original language. Please reach out if you have any feedback on the translation.

Hanggang Mayo 2021, walang katibayan na nagsasaad na nagreresulta ang mga bakuna para sa COVID-19 sa antibody-dependent enhancement.

Publication

What our experts say

Karaniwang inaasahan at magandang bagay ang pagkakaroon ng mga antibody pagkatapos mabakunahan. Mahalaga ang mga antibody (mula sa mga bakuna o sa paggaling sa impeksyon) para maayos na malabanan ng ating immune system ang virus.

Minsan, pagkatapos magkaroon ng mga antibody laban sa sakit, puwedeng maging labis ang reaksyon ng ating immune system sa susunod na ma-expose ito sa naturang sakit. Isa itong lubhang pambihirang pangyayari na tinatawag na antibody-dependent enhancement (ADE).

Hindi tumutulong ang mga antibody na sangkot sa ADE sa immune response ng katawan. Sa halip, puwede pa nitong mapalala ang bagay-bagay. Napapalaki ng ADE ang posibilidad na makaranas ang tao ng malalalang sintomas ng sakit kapag naimpeksyon siya.

Parang “Trojan horse” ang mga antibody na nagdudulot ng ADE dahil pinapapasok nito ang virus sa mga selula at ginagawa nitong labis-labis ang immune response. Hinahayaan ng mga ito na dumikit ang virus sa ating mga selula, na nagsasanhi ng pamamaga at mas matinding tugon ng immune system.

Sa ngayon, walang beripikadong ulat na may nangyaring ADE dahil sa mga bakuna para sa COVID-19.

May naitala nang ADE dati sa mga tugon sa virus at bakuna:

- Dengue fever at pagbabakuna para dito noong 2016 sa Pilipinas - Mga pagsubok para sa bakuna para sa respiratory syncytial virus (RSV) sa mga bata sa United States (US) noong 1967 - Hindi na pinapahintulutang bakuna na ginawa para sa tigdas sa US noong dekada 1960.

Sa proseso ng paggawa ng mga bakuna para sa COVID-19, bumuo ang mga siyentista ng mga diskarte sa bakuna para maiwasan ang ADE. Kasama sa mga ito ang:

- Partikular na pagpuntirya sa protina ng SARS-CoV-2 na may pinakamaliit na posibilidad na magdulot ng ADE sa mga unang disenyo ng bakuna - Pagbuo ng mga pag-aaral sa hayop para makita kung magkakaroon ng ADE pagkatapos mabakunahan - Pagsusuri sa mga pasyente at kalahok ng klinikal na pagsubok para matukoy kung may naturang kondisyon - Paghahanap ng datos ng bakuna para sa COVID-19 sa labas ng laboratoryo para malaman kung may mga kaso

Pinupuntirya ng karamihan ng bakuna para sa COVID-19 ang nakaumbok na protina sa virus sa malinaw na paraan na may mababang posibilidad ng panganib. Mas ligtas ang mga bagong teknolohiya ng bakuna tulad ng mRNA at idinisenyo ang mga ito nang may higit na siyentipikong batayan kumpara sa mga naunang bakuna. Nakikita sa mga taong bakunado na may proteksyon sila laban sa malulubhang kaso ng COVID-19 at pagkakaospital na dahil sa naturang sakit. Malamang na hindi ito mangyayari kung may ADE, dahil talamak at malubha ang nasabing kondisyon na kakailanganing tugunan kaagad.

Sa labas ng usapin ng mga bakuna, sa paggamot sa mga pasyenteng may COVID-19 sa pamamagitan ng plasma (na naglalaman ng mga antibody ng SARS-CoV-2), walang naidokumentong mas malubhang karamdamang dulot ng ADE at malamang na walang ganitong nangyari.

Kaunti lang ang impormasyon at may ilang alalahanin kaugnay ng mga “bakunang may hindi aktibong buong selula,” gaya ng mga bakunang gawa ng China bilang tugon sa COVID-19. Naglalaman ang ganitong uri ng bakuna ng sangkap na tinatawag na ‘alum’ na para sa pagpapahusay sa mga immune response. Gumamit din ng alum sa mga bakuna para sa tigdas at RSV noong dekada 1960, na nagdulot ng ADE. Walang anumang iniulat na pangyayari ng ADE sa datos ng klinikal na pagsubok mula sa mga bakunang Sinovac at Sinopharm na naidokumento sa pahayagang sinuri ng mga kapwa eksperto.

Context and background

Mahalagang tukuyin na hindi virus na nagdudulot ng COVID-19 ang sanhi ng paggawa natin ng mga antibody. Ginagawa iyon ng immune system ng tao bilang reaksyon sa pathogen na nagdudulot ng COVID-19. Nakakatulong ang mga antibody na ginagawa natin pagkatapos mabakunahan para sa COVID-19 sa pagpigil sa pagkalat at patuloy na pag-mutate ng virus. Hindi pinapalakas o ginagawang mas mapaminsala ng mga antibody ang mga variant ng virus.

Ayon sa datos, ang mga taong hindi bakunado ang mga pangunahing lumilikha ng mga variant ng virus. Nakakalusot ang ilan sa mga variant na ito sa mga antibody sa ating sistema na nagbibigay sa atin ng proteksyon laban sa COVID-19. Buti na lamang, may sapat na bisa ang karamihan ng bakuna para malabanan ang karamihan sa mga kumakalat na variant.

Maraming post sa social media ang iniuugnay sa mga paksang gaya ng ADE, bukod pa sa ibang paksang may kaugnayan sa bakuna. May isang post na naglalaman ng hindi tumpak na sipi mula sa French virologist na si Luc Montagnier sa isang kamakailang panayam para sa dokumentaryong tinatawag na “Hold-Up.” Sa clip na ito, sinabi ni Montagnier na hindi talaga napupuksa o nalulumpo ang virus pagkatapos mabakunahan ang isang tao. Sa halip, nakakahanap ang virus ng “ibang solusyon” sa anyo ng mga variant. Sinabi rin umano ng virologist na, “Makikita mo ito sa bawat bansa; pare-pareho lang: Sinusundan ang curve ng pagbabakuna ng curve ng kamatayan.”

Pinabulaanan ng maraming eksperto sa virology at epidemiology ang pahayag na ito. Ang pagmu-mutate ay bahagi ng natural na ebolusyon ng mga virus at nagsimulang mag-mutate ang COVID-19 bago pa magkaroon ng mga bakuna. Kaugnay nito, nagsimulang lumabas ang mga variant na kinakailangang bantayan ayon sa World Health Organization bago magsimula ang anumang kampanya para sa pagbabakuna.

Kung nagdulot ng higit na variant ang mga bakuna, makikita natin ang pagdami ng mga kaso at variant sa mga rehiyong may matataas na rate ng pagbabakuna. Salungat dito ang datos na inilathala mula sa mga populasyong may mataas na porsyento ng nabakunahan: bumaba ang bilang ng mga kaso at nabawasan ang mga taong puwedeng maimpeksyon ng virus, kaya hindi patuloy na nakapag-mutate ang virus. Nakakatulong din ang mga bakuna na malimitahan, at hindi mapalaki, ang bilang ng mga variant ng virus.

Nakabatay ang ilang hindi totoong impormasyon online sa lumang impormasyon na naghahambing sa mga dating virus at disenyo sa pagbabakuna at sa COVID-19. Mahalagang tandaan na idinisenyo ng mga siyentista ang kanilang bakuna para sa COVID-19 para maiwasang may mangyaring ADE. Ayon sa katibayan, matagumpay ang kanilang pagsisikap. Walang nakasaad sa pinakabagong nailathalang datos tungkol sa immune response sa COVID-19 pagkatapos mabakunahan na may nangyaring ADE sa mga nabakunahang populasyon.

Ayon sa available na datos, mga taong hindi bakunado ang mga pangunahing lumilikha ng mga variant ng virus, at kayang makalusot ng ilan sa mga variant na ito sa mga antibody. May sapat na bisa ang karamihan ng bakuna para malabanan ang karamihan sa mga variant ng virus na kasalukuyang kumakalat.

Resources

  1. Paghahambing sa kakayahang makapagdulot ng impeksyon at pinsala ng mga lumalabas na variant ng SARS-CoV-2 sa mga Syrian hamster (The Lancet)
  2. Antibody-dependent enhancement at mga bakuna at panggamot para sa SARS-CoV-2 (Nature)
  3. Antibody-Dependent Enhancement at mga Bakuna para sa Coronavirus (Science Translational Medicine)
  4. Mga Bakuna para sa COVID-19: Dapat Ba Nating Katakutan ang ADE? (The Journal of Infectious Diseases)
  5. Dalawang Magkaibang Posibilidad ng Antibody-Dependent Enhancement (ADE) para sa mga Antibody ng SARS-CoV-2 (Frontiers in Immunology)
  6. Ang epekto ng mga kampanya ng pagbabakuna para sa COVID-19 na paliwanag sa antibody-dependent enhancement (PLOS One)
  7. Nagdudulot ba ang mga bakunang may mRNA ng Antibody-Dependent Enhancement (ADE) sa COVID-19? (Immunize BC)
  8. Antibody-Dependent Enhancement (ADE) at mga Bakuna (Children's Hospital of Philadelphia)
  9. Antibody-Dependent Enhancement at SARS-CoV-2 (Global Virus Network)
  10. ADE at mga Bakuna para sa Coronavirus (Davidson Institute of Science Education)
  11. Bakit Hindi Problema ang ADE sa mga Bakuna para sa COVID-19 (MedPage Today)
  12. Hindi Sanhi ang mga Bakuna para sa COVID-19 ng mga Bagong Variant ng Coronavirus (healthline)

Media briefing

Media Release

Expert Comments: 

No items found.

Q&A

No items found.