BACK

Mapanganib bang gumamit ng mga anesthetic pagkatapos mabakunahan para sa COVID-19?

This article was published on
June 23, 2021

This explainer is more than 90 days old. Some of the information might be out of date or no longer relevant. Browse our homepage for up to date content or request information about a specific topic from our team of scientists.

This article has been translated from its original language. Please reach out if you have any feedback on the translation.

Walang siyentipikong katibayan na nagpapahiwatig na nakakamatay o mapanganib sa anumang paraan ang paggamit ng anesthetic pagkatapos makatanggap ng anumang bakuna para sa COVID-19. Gayunpaman, may potensyal ang mga anesthetic na mabawasan ang bisa ng bakuna kung gagamit nito kaagad pagkatapos matanggap ang bakuna.

Publication

What our experts say

Ang anesthetic ay isang uri ng gamot na ginagamit para pansamantalang magdulot ng pagkamanhid o panandaliang patulugin ang isang tao. Karaniwan itong ginagamit sa mga pagsusuri at operasyon na masakit o may ipinapasok sa katawan. May dalawang pangunahing uri ng mga anesthetic: local anesthetic at general anesthetic. Gumagamit ng mga local anesthetic para pansamantalang mamanhid ang isang maliit na bahagi ng katawan habang gising pa rin ang tao. Gumagamit ng mga general anesthetic para mawalan ng malay ang tao o para pansamantala siyang “patulugin.” 

Walang katibayan na nagpapahiwatig na nakakamatay o mapanganib gamitin ang alinmang uri ng mga anesthetic pagkatapos makatanggap ng anumang bakuna para sa COVID-19. Hindi naglabas ang mga nagmamanupaktura ng bakuna ng anumang label ng babala tungkol sa anumang panganib ng paggamit ng anesthetic pagkatapos makatanggap ng bakuna para sa COVID-19. 

Puwedeng mabawasan ng mga anesthetic ang bisa ng bakuna para sa COVID-19. Ito ay dahil may interaksyon ang bakuna sa immune system, gayundin ang anesthesia, na puwedeng makasagabal sa pagtuturo ng bakuna sa katawan na labanan ang impeksyon. Inirerekomenda ng American Society of Anesthesiologists na maghintay nang kahit man lang dalawang linggo pagkatapos ng huling dosis mo bago sumailalim sa operasyon na gagamit ng mga anesthetic. Inirerekomenda ng US Centers for Disease Control and Prevention na makipag-usap ka sa iyong doktor.

Naiiba ang bawat kaso. Mainam na makipag-usap sa doktor bago magpasya tungkol sa operasyong gagamit ng mga anesthetic, o bago gumamit ng anumang gamot o karagdagang panggamot na nagpapahina sa immune system (kahit mga simpleng pampawi ng sakit gaya ng ibuprofen). May mga panganib din ang pagpapaliban sa operasyon o panggagamot nang hindi kinakailangan. Ginawa ang mga rekomendasyong ito para matiyak na maibibigay ng bakuna ang lahat ng proteksyong maibibigay nito, hindi dahil makakasama ito.

Context and background

May post na kumakalat sa social media na nagpapahayag na hindi puwedeng gumamit ng anesthetic ang sinumang nabakunahan laban sa COVID-19 dahil nakakamatay ito. Nagsama ang post ng kuwento ng isang bakunadong lalaki na namatay pagkatapos makatanggap ng local anesthesia sa dentista. May potensyal na mabawasan ang bisa ng bakuna kapag gumamit kaagad ng anesthesia pagkatapos mabakunahan, pero wala itong potensyal na magsanhi ng pinsala.

Resources

  1. Habambuhay nang Binago ng COVID-19 ang Pagsasagawa ng Operasyon (American Society of Anesthesiologists)
  2. Anesthesia (National Health Service)
  3. Pagbabakuna para sa COVID-19 at Iba Pang Prosesong Medikal(The U.S. Centers for Disease Control and Prevention)
  4. Mga Rekomendasyon at Alituntunin sa Bakuna ng Advisory Committee on Immunization Practices(The U.S. Centers for Disease Control and Prevention)
  5. Mga implikasyon ng anesthesia at pagbabakuna(Pediatric Anesthesia)

Media briefing

Media Release

Expert Comments: 

No items found.

Q&A

No items found.