BACK

Lumalaki ba ang posibilidad na makaranas ng pamumuo ng dugo ang mga taong nabakunahan kapag bumiyahe sila sakay ng eroplano?

This article was published on
June 11, 2021

This explainer is more than 90 days old. Some of the information might be out of date or no longer relevant. Browse our homepage for up to date content or request information about a specific topic from our team of scientists.

This article has been translated from its original language. Please reach out if you have any feedback on the translation.

Hindi lumalaki ang posibilidad na makaranas ng pamumuo ng dugo ang mga taong nabakunahan kapag bumiyahe sila sakay sila ng eroplano. Bagama’t lumalaki ang posibilidad na makaranas ng pamumuo ng dugo ang mga taong bumibiyahe sakay ng eroplano, hindi ito nauugnay sa mga bakuna para sa COVID-19 at naiiba ang mga ganitong uri ng pamumuo ng dugo sa pamumuo ng dugo na nangyari sa iilang kaso ng mga taong nakatanggap sa bakuna ng AstraZeneca o Johnson & Johnson.

Publication

What our experts say

Walang katibayan na napapalaki ng pagbiyahe sakay ng eroplano ang posibilidad na makaranas ng pamumuo ng dugo ang mga taong nabakunahan para sa COVID-19.

Bagama’t puwedeng makaranas ng pamumuo ng dugo ang mga tao habang bumibiyahe sakay ng eroplano, na malamang na deep vein thrombosis (DVT), walang kaugnayan ang mga ito sa bakuna. Pinakamadalas mangyari ang mga ganitong pamumuo ng dugo sa binti kapag bumibiyahe sakay ng eroplano dahil hindi masyadong nakakagalaw, dahil sa matagal na pagkakaupo, dahil sa pinsala at mabagal na pagdaloy ng dugo sa mga ugat, at dahil sa presyon ng hangin, bukod sa iba pang bagay. Maaaring makawala sa binti at maligaw sa baga ang mga namuong dugo na ito, na puwedeng mauwi sa tinatawag na pulmonary embolism.

Kilalang dahilan ng paglaki ng posibilidad na makaranas ng pamumuo ng dugo ang pagbiyahe sakay ng eroplano. Gayundin ang pagbiyahe sakay ng kotse, bus, o tren. Para sa karamihan ng taong nagkakaroon ng DVT dahil sa pagbiyahe sakay ng eroplano, may ibang salik na nagpapalaki sa posibilidad nilang maranasan ito, gaya ng pagkakaroon na dati ng pamumuo ng dugo, kamakailang operasyon, pinsala, pamumuo ng dugo, hormone replacement, pagbubuntis, katandaan, labis na katabaan, at iba pa.

Kasalukuyang walang datos na nag-uugnay sa paglaki ng posibilidad na makaranas ng pamumuo ng dugo habang bumibiyahe sakay ng eroplano sa anumang bakuna para sa COVID-19. Nangyari ang pamumuo ng dugo sa napakaliit na bilang ng mga nabakunahan sa mga natatangi at hindi karaniwang bahagi ng katawan. Lubhang naiiba ito sa DVT.

Naugnay na ang mga bakuna para sa COVID-19 na ginawa ng AstraZeneca at Johnson & Johnson sa mga pamumuo ng dugo sa mga ugat, pati na rin sa utak, ayon sa isang kamakailang pag-aaral sa British Medical Journal. Cerebral venous sinus thrombosis (CSVT) ang tawag sa mga ganitong uri ng pamumuo ng dugo at napakabihirang mangyari ang mga ito.

Sa pagsusuri sa mga taong nakaranas ng pamumuo ng dugo (na tinatawag ding 'thrombosis') pagkatapos mabakunahan, natuklasan ng mga siyentista sa Germany na may siyam na taong nakatanggap sa bakunang AstraZeneca na nakaranas ng CSVT. Nakaranas ang tatlong iba pa ng pamumuo ng dugo sa mga ugat sa tiyan, at may tatlong tao na nakaranas ng mga pulmonary embolism, na mga namuong dugo na naligaw sa baga. May isang tao na nakaranas ng pagdurugo sa utak, at may apat na tao na nakaranas ng iba pang uri ng pamumuo ng dugo. Limang pasyente ang nakaranas ng pamumuo ng dugo sa iba’t ibang bahagi ng katawan na bumabara sa maliliit na daluyan ng dugo.

Ayon sa iba pang pag-aaral, may napakaliit na bilang ng mga tao na nabakunahan ng AstraZeneca na nakaranas ng pamumuo ng dugo sa mga artery na nagdadala ng dugo mula sa puso papunta sa iba pang organ sa katawan.

Sinasabi ng Centers for Disease Control and Prevention ng United States na CSVT rin ang uri ng pamumuo ng dugo na nangyari sa mga taong nakatanggap sa bakuna ng Johnson & Johnson. Naniniwala ang ahensya na lamang pa rin ang mga benepisyo ng bakuna kumpara sa mga panganib. Nangyari ang halos lahat ng kaso ng naturang pamumuo ng dugo sa mga babaeng wala pang 50 taong gulang. Humigit-kumulang 9 sa 10 milyon ang posibilidad na makaranas ng pamumuo ng dugo pagkatapos matanggap ang bakunang ito, at mas malaki pa ito sa pangkalahatang populasyon dahil mahigit 1 sa 1000 tao ang mas karaniwang nakakaranas ng pamumuo ng dugo.

Context and background

Iniugnay nang walang katotohanan ng mga post sa social media ang pambihirang side effect na pamumuo ng dugo nang dahil sa mga partikular na bakuna para sa COVID-19 sa mas malaking posibilidad na makaranas ng pamumuo ng dugo habang bumibiyahe sakay ng eroplano. Sa isang sikat na kuwento na kumakalat, sinasabi na nagpulong kamakailan ang mga opisyal ng mga airline para talakayin ang mga panganib ng pagpapasakay ng mga pasaherong nabakunahan dahil maaaring mas malaki ang posibilidad nilang makaranas ng pamumuo ng dugo habang bumibiyahe sakay ng eroplano.

Mariing itinanggi ng ilang media outlet pati na rin ng maraming kompanya ng airline na may nangyaring ganitong pagpupulong. Naglabas din ng pahayag ang International Air Transport Association kung saan pinapabulaanan nila ang kuwentong ito. Higit pa rito, walang katibayan na nag-uugnay sa lubhang pambihirang pamumuo ng dugo na may kinalaman sa mga bakuna para sa COVID-19 sa pamumuo ng dugo na nangyayari dahil sa pagbiyahe sa malalayong lugar.

Resources

  1. Thrombotic Thrombocytopenia Pagkatapos Mabakunahan ng ChAdOx1 nCov-19 (The New England Journal of Medicine)
  2. Thrombosis at Thrombocytopenia Pagkatapos Mabakunahan ng ChAdOx1 nCoV-19 (The New England Journal of Medicine)
  3. Mga pangyayari sa artery, thromboembolism sa vein, thrombocytopenia, at pagdurugo pagkatapos mabakunahan ng ChAdOx1-S ng Oxford-AstraZeneca sa Denmark at Norway: cohort study na batay sa populasyon (The BMJ)
  4. Bakuna ng Johnson & Johnson at Pamumuo ng Dugo: Ang Kailangan Mong Malaman (Yale Medicine)
  5. May natuklasan ang regulator ng gamot sa EU na kaugnayan ng bakunang AstraZeneca sa pamumuo ng dugo (Reuters)
  6. Inirerekomenda ng CDC ang Muling Paggamit sa Bakuna para sa COVID-19 na Janssen ng Johnson & Johnson (The United States Centers for Disease Control and Prevention)
  7. Mga bakuna para sa COVID-19 at bihirang pamumuo ng dugo—ang kailangan mong malaman (BBC News)
  8. Syndrome ng “Mga Sintomas na Parang COVID-19 dahil sa Bakuna”: Nagreresulta ang mga splice reaction sa open reading frame ng nakaumbok na protina ng SARS-CoV-2 sa mga variant ng nakaumbok na protina na maaaring magsanhi ng mga thromboembolic na pangyayari sa mga pasyenteng naturukan ng mga bakunang may vector (Research Square)
  9. Pahayag tungkol sa Pagbiyahe Sakay ng Eroplano + Pamumuo ng Dugo dahil sa Bakuna (Instagram)
  10. Pamumuo ng Dugo at Pagbiyahe: Ang Kailangan Mong Malaman (The United States Centers for Disease Control and Prevention)
  11. Pagbiyahe sakay ng eroplano at posibilidad ng thromboembolism (Internal and Emergency Medicine)
  12. Mas malaki ang posibilidad na makaranas ng pamumuo ng dugo sa pagbiyahe sakay ng eroplano, pagbubuntis, o pag-inom ng hormone pill kumpara sa pagbabakuna ng J&J (Quartz)
  13. May kaugnayan ang pamumuo ng dugo at bakuna para sa COVID-19 ng AstraZeneca ayon sa mga pag-aaral (Center for Infectious Disease Research and Policy)
  14. Walang rekord ng pagpupulong ng mga airline para talakayin ang mga saguting may kinalaman sa bakuna (The Associated Press)

Media briefing

Media Release

Expert Comments: 

No items found.

Q&A

No items found.