BACK

Ligtas bang paghaluin ang mga bakuna?

Ligtas bang paghaluin ang mga bakuna?

This article was published on
June 21, 2021

This explainer is more than 90 days old. Some of the information might be out of date or no longer relevant. Browse our homepage for up to date content or request information about a specific topic from our team of scientists.

This article has been translated from its original language. Please reach out if you have any feedback on the translation.

Agosto 11, 2021: Sa paglitaw ng lubhang nakakahawang delta variant ng COVID-19, parami nang parami ang naiulat na mga kombinasyon ng bakuna para sa COVID-19, lalo na’t maraming tao ang nagpapaturok ng booster dose ng bakunang may mRNA (Pfizer o Moderna) pagkatapos ng isahang dosis ng bakunang Janssen ng Johnson & Johnson. Sa ilang bansa sa Europe, sinusundan ang bakunang AstraZeneca ng bakuna ng Pfizer/BioNTech o Moderna. Mukhang malakas ang immune response ng mga pasyenteng nakatanggap ng magkahalong dosis, ayon sa available na datos.

Ayon sa mga kamakailang pag-aaral, lumalabas na ligtas at may malakas na immune response ang mga taong nakatanggap ng bakuna para sa COVID-19 ng AstraZeneca/Oxford para sa unang dosis at bakunang may mRNA (Pfizer/BioNTech o Moderna) para sa ikalawang dosis. Maaaring magdulot ang pamamaraang ito ng mas maraming panandaliang side effect. Hangga’t wala pang higit na pananaliksik tungkol sa paghahalo at pagtutugma ng ibang bakuna, hindi inirerekomenda ang pamamaraang ito maliban na lang kung pinapahintulutan ng mga pambansang ahensya ng kalusugan ang paggamit sa mga ito.

Publication

What our experts say

Lumalabas na ligtas, at nakakagawa ng malakas na immune response, ang paghahalo sa ilang bakuna para sa COVID-19. Gayunpaman, maaaring hindi ganito ang sitwasyon para sa lahat ng bakunang inaprubahan ng World Health Organization (WHO).

Ayon sa mga kamakailang pag-aaral mula sa ilang bansa, nakakagawa ng malakas na immune response ang pagbibigay ng bakunang AstraZeneca para sa unang dosis at bakunang Pfizer para sa ikalawang dosis. Gayunpaman, puwede ring magsanhi ang kombinasyong ito ng mas maraming panandaliang side effect pagkatapos ng ikalawang dosis.

Gumagana ang karamihan ng bakuna para sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagpuntirya sa parehong nakaumbok na protina, na nangangahulugang posibleng gumana sa biyolohikal na pananaw ang pagbabago-bago ng ginagamit na bakuna. Ayon sa WHO, wala pang sapat na datos para matukoy kung puwedeng gamitin ang ilang bakuna kapalit ng iba, na dahilan ng pagdami ng pananaliksik para masagot ang naturang tanong.

Sa United States, nagsasagawa ng mga klinikal na pagsubok para malaman kung magagamit ang pinaghalong mga bakuna bilang booster shot para sa matatandang ganap nang bakunado. Nagpayo ang France at Germany nang pabor sa pamamaraang naghahalo ng mga bakuna sa ilang sitwasyon, dahil hindi na inirerekomenda ng mga naturang pamahalaan ang bakunang AstraZeneca para sa ilang partikular na pangkat ng edad. Pinahintulutan din ng Canada, Finland, France, Norway, Sweden, Spain, at South Korea ang paggamit ng iba’t ibang bakuna para sa ikalawang dosis kung AstraZeneca ang unang dosis na ibinigay.

Ayon sa pag-aaral na Combivacs sa Spain, nagkaroon ng mas malakas na pagresponde ang mga taong nakatanggap ng bakunang AstraZeneca para sa unang dosis at bakunang Pfizer para sa ikalawang dosis kumpara sa mga pasyenteng nakatanggap ng dalawang dosis ng AstraZeneca. Samantala, sa isang pag-aaral na tinatawag na Pagsubok sa Com-Cov na isinagawa ng Oxford Vaccine Group, nakitang nakaranas ang mga taong nakatanggap ng magkahalong uri ng bakuna ng mas matitinding side effect. Hindi pa natukoy sa naturang pag-aaral ang epekto sa immune system ng paghahalo ng mga bakuna.

Nagsagawa kamakailan ang mga mananaliksik mula sa National Institutes for Food and Drug Control sa China ng pagsubok sa apat na magkakaibang uri ng bakuna para sa COVID-19 sa mga daga. Natuklasan na nagkaroon ng mas malakas na immune response ang mga dagang nakatanggap ng bakunang may adenovirus para sa unang dosis na sinundan ng ibang uri ng bakuna para sa ikalawang dosis. Hindi nakuha ang mga resultang ito noong ibinigay ang mga naturang uri ng mga bakuna nang baligtad ang pagkakasunod-sunod.

Kasalukuyang pinag-aaralan ng AstraZeneca kung maaaring mapalakas ang immune response kapag nagbigay ng bakuna nito para sa unang dosis at bakunang Sputnik V para sa ikalawang dosis. Inanunsyo kamakailan ng mga manufacturer ng bakunang Sinovac at Sinopharm na pinag-iisipan nilang magsagawa ng pananaliksik tungkol sa pagsasama ng mga bakunang ito sa mga dosis mula sa ibang kompanya.

Sa pamamagitan ng paghahalo ng mga nasubukan at naaprubahan nang bakuna, maaaring mapagaan ang dagok sa supply chain, mapalakas ang pagresponde ng immune system, mapalawak ang saklaw ng resistensya sa komunidad (herd immunity), mabawasan ang paglitaw ng mga bagong variant, at makagawa ng mas malakas at mas tumatagal na proteksyon. Muli, depende ito sa partikular na kombinasyon, at maaaring makasama sa kalusugan o mabawasan ang bisa kapag naghalo ng mga hindi aprubadong bakuna.

Ginawa na dati ang paghahalo ng mga bakuna mula sa iba’t ibang manufacturer para sa trangkaso, hepatitis A, at iba pang karamdaman, pero nagsimula ito sa pananaliksik para sa HIV. Minsan, dapat gawin ang pamamaraang ito dahil sa mga limitadong supply, pagkaantala sa paggawa, pangangailangang imbestigahan ang kamakailang datos tungkol sa mga side effect, at iba pang dahilan. Isang halimbawa ang bakuna para sa Ebola ng Johnson & Johnson na gumagamit ng pamamaraang may pinaghalong dosis sa pamamagitan ng pagbibigay ng bakunang may adenovirus sa unang dosis at bakunang may poxvirus vector sa ikalawang dosis.

Context and background

Inirekomenda kamakailan ng Canada ang pagtuturok ng bakunang AstraZeneca para sa unang dosis at pagtuturok ng bakunang Pfizer o Moderna para sa ikalawang dosis sa ilang partikular na sitwasyon. Ayon sa patnubay, dapat bigyan ang mga taong nakatanggap ng bakunang may mRNA sa unang dosis (Pfizer o Moderna) ng katulad na bakuna para sa ikalawang dosis. Dugtong ng naturang patnubay, kung wala ang unang bakunang ibinigay, dapat gamitin ang iba pang bakunang may mRNA.

Inilabas ang patnubay na ito pagkatapos isaalang-alang ng ahensya ng kalusugan ng publiko ng Canada ang maliit na posibilidad ng pagkakaroon ng matitinding pamumuo ng dugo at mabababang bilang ng platelet sa pagbabakuna ng AstraZeneca, at ang bagong datos tungkol sa nagagawang immune response kapag sinundan ang bakunang AstraZeneca ng dosis ng bakunang Pfizer.

Batay ang desisyon sa mga kamakailang pag-aaral mula sa United Kingdom, Germany, at Spain. Ayon sa ebidensya, may malakas na profile sa kaligtasan ang pagbabakuna ng AstraZeneca na sinundan ng dosis ng bakunang Pfizer sa kabila ng posibilidad ng pagkakaroon ng mas maraming agarang side effect. Ayon sa datos, sa pamamagitan ng pamamaraang ito, maaaring mapalakas ang immune response ng mga nababakunahan.

Sinuri ng ilang bansa at kompanya ang potensyal ng paghahalo ng mga bakuna pagkatapos lumabas ang mga ulat na nag-uugnay sa bakunang AstraZeneca sa napakaliit na posibilidad ng pagkakaroon ng pamumuo ng dugo.

May mahigit sampung bakuna para sa COVID-19 na ginagamit ngayon sa buong mundo at nakapagbigay na ng 1.2 milyong dosis, pero hindi lahat ay naaprubahan ng WHO at maaaring hindi ligtas paghaluin ang mga ito maliban na lang kung nagbigay ng patnubay ang mga pambansang ahensya ng kalusugan tungkol sa mga partikular na kombinasyon.

Resources

  1. Paghahalinhinan ng mga Awtorisadong Bakuna para sa COVID-19 (Public Health Agency of Canada)
  2. PDF [465 KB] Figures Save Share Reprints Request Heterologous prime-boost COVID-19 vaccination: initial reactogenicity data (The Lancet)
  3. Nakakagawa ng malakas na immune response ang paghahalo at pagtutugma ng mga bakuna para sa COVID-19 (Nature)
  4. Pagkukumpara sa mga Kombinasyon ng mga Dosis ng Bakuna para sa COVID-19 (University of Oxford)
  5. Magkaibang prime-boost: pagpapagaan sa dagok sa pamproteksyong immune response ng mga kandidatong bakuna para sa COVID-19 (Emerging Microbes & Infections)
  6. Nakakagawa ang pagbabakuna para sa prime-boost ng magkaibang ChAdOx1 nCoV-19 at BNT162b2 ng malalakas na kumokontrang tugon ng antibody at reaksyon ng T-cell (medRxiv)
  7. Inirerekomenda ng Canada ang paghahalo at pagtutugma ng mga bakuna para sa COVID-19 ng AstraZeneca, Pfizer, at Moderna (CBC)
  8. Kakayahang Makagawa ng BNT162b2 ng mga Reaksyon at Immune Response sa mga Kalahok na Nakatanggap ng ChAdOx1s para sa Unang Dosis: Mga Unang Resulta ng Naka-randomize at Iniaangkop na Ika-2 Yugto na Pagsubok (CombiVacS) (Preprints with The Lancet)
  9. Ligtas bang paghaluin at pagtugmain ang mga bakuna para sa COVID-19? (Gavi: The Vaccine Alliance)
  10. Factbox: Isinasaalang-alang ng mga bansa ang 'paghahalo at pagtutugma' ng mga bakuna para sa COVID-19 (Reuters)
  11. Ayon sa mga pag-aaral, mas maraming nagiging reaksyon sa paghahalo ng mga dosis ng bakuna para sa COVID-19, na maaaring 'unang palatandaan ng tagumpay' (CBC)
  12. Nag-aalok ang Bahrain ng booster ng Pfizer para sa ilang nakatanggap ng mga bakunang mula sa China (The Washington Post)
  13. Natuklasan sa pag-aaral sa Spain na ligtas at mabisa ang bakunang AstraZeneca na sinundan ng dosis ng Pfizer (Reuters)
  14. Limang bagay na dapat malaman: Pagtutugma at paghahalo ng mga bakuna para sa coronavirus (Horizon: The EU Research & Innovation Magazine)
  15. Mga Madalas Itanong: Ano ang Opinyon ng mga Bansa tungkol sa Paghahalo ng mga Bakuna? Ligtas Ba Ito? (The Quint)
  16. Pag-aaralan ng Pilipinas ang paghahalo ng Sinovac sa iba pang bakuna para sa COVID-19 (Nikkei Asia)
  17. COVID-19: Puwede ka na ngayong magpabakuna ng Pfizer pagkatapos makatanggap ng dalawang dosis ng Sinopharm sa Abu Dhabi (Zawya by Refinitiv)
  18. Bakit puwedeng makapagpalakas sa resistensya ang paghahalo ng mga bakuna (MIT Technology Review)

Media briefing

Media Release

Expert Comments: 

No items found.

Q&A

No items found.