This explainer is more than 90 days old. Some of the information might be out of date or no longer relevant. Browse our homepage for up to date content or request information about a specific topic from our team of scientists.
This article has been translated from its original language. Please reach out if you have any feedback on the translation.
Hindi dapat isipin ng taong nabakunahan na na ganap siyang may resistensya, dahil puwede pa rin siyang magkaroon ng tinatawag na "breakthrough infection" (impeksyong nangyayari sa taong ganap nang nabakunahan). Bihira ang mga breakthrough infection at ayon sa gabay ng CDC, karaniwang nagkakaroon ang katawan ~2 linggo pagkatapos ganap na mabakunahan para sa COVID-19 ng proteksyon (immunity) na puwedeng magtagal nang ilang buwan. Talagang epektibo ang proteksyong ito sa pagpigil sa malubhang pagkakasakit, pagkakaospital, at kamatayan.

Ayon sa pananaliksik, nagbibigay ng proteksyon laban sa malubhang pagkakasakit, pagkakaospital, at kamatayan ang mga naaprubahang bakuna sa malaking porsyento ng mga tao. Iminumungkahi rin ng datos na epektibo pa rin ang ilang bakuna laban sa mga ikinababahalang variant gaya ng Alpha, Beta, at Delta.
Gayunpaman, hindi 100% epektibo ang mga bakuna sa pagpigil sa pagkakasakit. Hindi dapat isipin ng taong nabakunahan na na ganap siyang may resistensya, dahil puwede pa rin siyang magkaroon ng tinatawag na "breakthrough infection" (impeksyong nangyayari sa taong ganap nang nabakunahan). Bihira ang mga breakthrough infection at ayon sa gabay ng CDC, karaniwang nagkakaroon ang katawan ~2 linggo pagkatapos ganap na mabakunahan para sa COVID-19 ng proteksyon (immunity) na puwedeng magtagal nang ilang buwan. Talagang epektibo ang proteksyong ito sa pagpigil sa malubhang pagkakasakit, pagkakaospital, at kamatayan.
Halimbawa, nagsumite ang Johnson & Johnson ng mga preprint na pag-aaral noong Hulyo 2021 at iniulat nila sa mga ito na ang bakuna nila ay "nagkaroon ng malakas at patuloy na aktibidad laban sa mabilis na kumakalat na Delta variant at iba pang laganap na variant ng SARS-CoV-2. Bukod pa rito, ayon sa datos, nagtagal ang malakas na immune response nang hanggang hindi iikli sa walong buwan, ang haba ng panahon na nasuri sa ngayon." Noong Abril 2021, iniulat ng Moderna at Pfizer na puwedeng magtagal nang hindi iikli sa anim na buwan ang proteksyon ng kanilang bakuna para sa COVID-19.
Napag-alaman sa pananaliksik tungkol sa immune response ng katawan na sinuri ng mga kapwa eksperto, na inilathala sa siyentipikong pahayagan na Nature, na may tuloy-tuloy na resistensya sa loob ng apat na buwan pagkatapos mabakunahan para sa COVID-19. Inaalam ng ilang siyentista kung makakatulong ang ilang bahagi ng ating resistensya sa pagtukoy kung panghabambuhay o nangangailangan ng mga booster ang mga bakuna.
Nagsasagawa pa ng pananaliksik tungkol sa pangmatagalang resistensya na mula sa bakuna para sa COVID-19.
Maraming paraan ng pag-iwas na ginagamit natin sa araw-araw, mula sa mga bakuna hanggang sa mga condom, ang hindi 100% epektibo. Pero malawakang ginagamit ang mga bakuna dahil nakakapagbigay ang mga ito ng proteksyon sa mga tao laban sa malulubhang sakit. Inirerekomenda ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ang pagpapabakuna para sa COVID-19 para sa lahat ng kwalipikado, at pinapaalalahanan nila ang mga tao na "karaniwang inaabot nang 2 linggo pagkatapos ng pagpapabakuna bago magkaroon ng proteksyon (immunity) ang katawan laban sa virus na nagdudulot ng COVID-19."

May kumakalat na hindi totoong impormasyon tungkol sa ibig sabihin kapag nahawahan ng COVID-19 ang taong nabakunahan na, at sinasabi pa ng ilang tao na ipinapahiwatig nito na hindi mabisa ang mga bakuna. Sinuri nang mabuti ang mga naaprubahang bakuna para sa COVID-19 para sa bisa at nagbibigay ng proteksyon ang mga ito sa karamihan ng mga nabakunahan laban sa malulubhang sintomas, pagkakaospital, at kamatayan. Kahit mahawahan ang taong nabakunahan na, pinapaliit ng pagpapabakuna ang posibilidad ng paglala at pagiging nakakamatay ng impeksyon.