This explainer is more than 90 days old. Some of the information might be out of date or no longer relevant. Browse our homepage for up to date content or request information about a specific topic from our team of scientists.
This article has been translated from its original language. Please reach out if you have any feedback on the translation.
Kumpara sa marami sa mga katulad nito, mas madali at mas murang gawin, itago, at ipadala ang bakuna ng AstraZeneca. Dahil dito, madalas itong itampok sa mga estratehiya sa pagbabakuna ng maraming umuunlad at maunlad na bansa.

Malaking bahagi rin ang bakuna ng pasilidad ng COVAX ng Global Alliance for Vaccines and Immunizations, na naglalayong makapagbigay ng bakuna sa maraming umuunlad na bansa. Maramihan ang pagkuha ng COVAX ng mga bakuna, kaya lalong nababawasan ang mga gastos ng mga pasyente at pamahalaan na gustong bumili ng mga dosis.
Nangako ang AstraZeneca na ibebenta nito ang bakuna “nang walang tubo” habang may pandemya, pero hindi pa ipinapaliwanag ng kompanya ang ibig sabihin ng “nang walang tubo” sa kontekstong ito.
Kadalasang mga virus na hindi nakakapinsala ang mga adenovirus. Karaniwang matatagpuan ang mga ito sa mga tao at hayop. Ginagamit ang mga ito sa ilang bakuna, kasama na ang bakuna ng AstraZeneca. Pinag-aaralan at ginagamit na ng mga siyentista ang mga adenovirus na ito mula pa noong dekada 1970 para gumawa ng mga gene therapy at mga bakuna para sa iba’t ibang sakit. Ibinigay ang mga karapatan sa bakunang ito sa pandaigdigang manufacturer ng gamot na AstraZeneca, na naglisensya sa paggawa nito sa iba pang kompanya sa iba’t ibang panig ng mundo, kasama ang Serum Institute of India. Dulot ng matagal nang kalagayan ng agham na ito ang bilis ng paggawa ng bakuna. Nakatulong din ito sa pagpapanatiling mas mababa sa presyo ng supply chain para sa bakuna ng AstraZeneca, kumpara sa mga mas bagong bakunang may mRNA.
Nangangailangan ang mga bakunang may mRNA na tulad ng Pfizer at Moderna ng malamig na imbakan, na nagpapataas sa halaga ng mga bakunang iyon, hindi katulad ng bakuna ng AstraZeneca. Ilan pa sa mga nakakapagpataas sa presyo ng mga bakunang may mRNA ang mga komplikadong kemikal, tuyong yelo, at iba pang gastusin sa transportasyon. Samantala, puwedeng gumamit ng mga refrigerated na truck na mas madaling mahanap para sa mga bakunang may adenovirus na tulad ng AstraZeneca at Johnson & Johnson.
Bukod pa rito, ngayon lang nagkaroon ng demand para sa mga bakunang may mRNA. Dahil dito, maaaring mahirapan ang mga supply chain sa pagkuha ng ilang sangkap para sa mga bakunang iyon. Mas matagal na at matatag ang supply chain para sa bakunang may adenovirus, kaya hindi gaanong mahihirapan sa pagkuha ng mga sangkap para sa mga ito.

Ang bakunang may viral vector ng AstraZeneca ay isang bakuna para sa COVID-19 na talagang mas mura at mas madaling makuha na ginagamit na sa United Kingdom at iba pang lugar mula pa noong Enero 2021. Kasalukuyan itong ginagawa sa tatlong bansa (United Kingdom, India, Netherlands), at ibinebenta ito nang may iba’t ibang pangalan (Vaxzevria, Covishield).
Bago magkaroon ng pandemyang COVID-19, ginagamit ang mga bakunang may viral vector sa paggawa ng bakuna para sa ebola, at napag-aralan na ito bilang posibleng opsyon para sa pagbabakuna ng mga tao laban sa Zika, HIV, Tuberculosis, at iba pa. May ilang bakunang may viral vector na kasalukuyang ginagamit para bakunahan ang mga tao laban sa SARS-CoV-2, kasama na ang AstraZeneca, Janssen (J&J), CanSino, at iba pa. Gumagamit ang mga ito ng iba’t ibang adenovirus, kasama ang mga mula sa mga tao, chimpanzee, at gorilya. Ibinibigay ang mga ito sa pamamagitan ng pagturok sa kalamnan, pagpapainom, o pagpaparaan sa ilong.
Nasa Jenner Institute sa University of Oxford ang unang grupong matagumpay na nakapaglunsad ng bakunang may viral vector para sa COVID-19. Sa tulong ng dati nilang karanasan sa paggawa ng bakuna para sa Middle-East Respiratory Syndrome gamit ang kanilang chimpanzee adenovirus platform, mabilis silang nakabuo ng bakuna na nagsasama ng spike protein ng SARS-CoV-2 na nagti-trigger ng immune response sa virus kapag nakarating sa tao (ChAdOx1). Nakatulong din sa pagpapababa ng presyo ang umiiral nang pananaliksik at agham kaugnay ng ganitong uri ng bakuna bago ito ilunsad para magamit.
Ginagamit na sa iba’t ibang panig ng mundo ang bakuna. Bagama’t kasama pa rin ito sa mga pinakamurang bakuna, sinabi ng mga kritiko na naging mas mura at mas madaling makuha pa sana ito kung available ang mga karapatan sa bakuna sa anumang manufacturer gaya ng unang plano ng Oxford team.