BACK

Bakit ang mga taong kumpleto na ang bakuna ay nakukuha pa din ng COVID-19?

This article was published on
July 27, 2021

This explainer is more than 90 days old. Some of the information might be out of date or no longer relevant. Browse our homepage for up to date content or request information about a specific topic from our team of scientists.

This article has been translated from its original language. Please reach out if you have any feedback on the translation.

Habang lumalala ang Delta variant sa buong mundo, may mga ulat mula sa Australya at pati na rin mga ulat na pandaigdig tungkol sa mga taong ganap na bakunado na nagkakaimpeksyon pa rin ng COVID-19. Ang tinaguriang “pagkakahawa pagkatapos magpabakuna” o “breakthrough infection” sa Ingles ay naging sanhi ng mga tanong tungkol sa pagiging epektibo ng mga bakuna. Ipinapakita ngayon ng mga datos mula sa ilang mga bansang matataas ang antas ng pagbabakuna na mas marami ang lingguhang kaso ng COVID-19 sa mga taong bakunado kaysa sa mga hindi pa nababakunahan - ang ibig bang sabihin nito ay hindi gumagana ang mga bakuna? Sumagot ang mga eksperto sa Australya sa ibaba.

Publication

What our experts say

Context and background

Resources

Propesor Ian Marschner

Propesor ng Biostatistics mula sa NHMRC Clinical Trials Sentro ng University ng Sydney

,

Unibersidad ng Sydney

Salungatan ng interes: Wala

Sipi kinuha ng Australian Science Media Center

Ang pagbakuna ay hindi nagtatanggal ng impeksyon ngunit lubhang nagbababa ng matinding impeksyon at kamatayan. Ang mga bansang may mataas na porsyento ng pagbabakuna, tulad ng Israel, ay lohikal na magkakaroon ng mas maraming impeksyon sa mga taong nabakunahan dahil ang karamihan sa mga tao doon ay nabakunahan na. Sa katunayan, kung ang isang bansa ay mayroong 100 porsyento ng pagbabakuna, 100 porsyento ng mga impeksyon ay magmumula sa mga nabakunahan na. Hindi ito nangangahulugan na ang bakuna ay hindi gumagana. Sa kabaligtaran, nangangahulugan ito na maraming pagpapa-ospital at kamatayan ay nai-iwasan.

Associate na Propesor Paul Griffin

Direktor ng mga Nakakahawang Sakit sa Mater Health Services at Associate na Propesor ng Medisina

,

Unibersidad ng Queensland

Salungatan ng interes: Nagpapatakbo si Paul ng mga pag-aaral ukol sa bakuna sa COVID-19. Kasapi rin siya sa mga lupon ng nagpapayo sa mga industriya kabilang ng AstraZeneca.

Sipi kinuha ng Australian Science Media Centre

Ang mga impeksyon mula sa mga nabakunahan ay hindi dapat ituring na nag-aalis ng benepisyo ng mga napaka-mabisang bakunang ito. Habang alam natin na sa pangkalahatan, ang proteksyon mula sa kamatayan ay malapit sa 100 porsyento, at mula sa impekyson na may sintomas ay nasa 70 hanggang 90 porsyento, binabawasan din nila ang pagkakataong mahawahan.

Gayunpaman, dahil hindi ito 100 porsyento, nangangahulugan ito na ang mga taong nabakunahan ay maaari pa ring mahawahan. Ang impeksyon mula sa mga nabakunahan ay malamang na mas mahina kumpara sa impeksyon mula sa mga indibidwal na hindi nabakunahan. At saka mas madalang nilang maipasa ito sa iba.

Maaaring nakalilito kapag ang bilang ng mga taong nabakunahan ay tumataas at pati ang bilang ng mga kaso sa mga taong ganap na nabakunahan ay tumataas rin, kahit na mas mababa ito kumpara sa bilang ng mga kaso kung ang porsyento ng pagbabakuna ay mas mababa.

Ang mga taong ganap na nabakunahan sa ilang mga bansa ay mas may posibilidad na mahawahan dahil mas marami silang mga kalayaan kaysa sa kanilang mga hindi nabakunahan na katapat. Maaari din silang magkaroon ng mas mababang pinaghihinalaang peligro. At dahil dito, maaaring mas madalang silang gumamit ng mga ibang diskarte upang maprotektahan ang kanilang mga sarili tulad ng paglayo sa lipunan, kalinisan ng kamay at pagsusuot ng mga maskara, bilang halimbawa.

Bagaman mainam syempre na magkaroon ng bakuna na pipigilan and kalahatan ng impeksyon, malamang na hindi ito posible (kahit na may mga nagpapatuloy na pagsisikap na gumawa ng mga bakuna na mas mahusay pang makapigil ng impeksyon). Dahil dito, karagdangan sa pagbakuna, kailangan natin ng iba pang mga diskarte tulad ng pagsusuot ng maskara, paglilinis ng kamay, pagpapalayo sa lipunan, at mataas na porsyento ng pagsubok, upang matiyak natin na kaya nating mabuhay kasama ng “virus” na ito, at mabawasan ang epekto nito sa ang ating pang-araw-araw na buhay at mga kabuhayan.

·         Ano ang “breakthrough infections”?

Maliban kung pipigilan ng bakuna ang paghawa ng impeksyon nang 100 porsiyento ng panahon (ito ay imposible - ang bakuna sa polio ay marahil ang pinakamalapit), mananatiling posible para sa mga indibidwal na nabakunahan na mahawahan pa rin. Ito ay tinatawag na “breakthrough infections”. Mahalagang maunawaan na dahil sa maraming kadahilanan, hindi ito nangangahulugang ang bakuna ay nagbigo. At kahit na nagkaroon ng “breakthrough infection”, ang posibilidad na mahawa mga taong nabakunahan mas mababa pa rin kumpara sa mga hindi.

Habang nagaganap ang “breakthrough infections”, ang mga indibidwal na ganap na nabakunahan;

Ay mas malamang na hindi makakuha ng sakit na may sintomas

Ay mas malamang na hindi magkaroon ng matinding karamdaman

Ay halos ganap na protektado mula sa kamatayan

Ay mas malamang na maipasa ito sa iba

Ang isang kabalintunaan na mahalagang maunawaan ay na habang nananatiling malinaw na ang ganap na nabakunahan ng mga indibidwal ay mas malamang na mahuli ang impeksyon, sa sandaling ang proporsyon ng mga nabakunahan ay tumaas, malamang na maraming mga kaso ang magaganap sa mga nabakunahan na indibidwal kaysa sa hindi nabakunahan. Ang porsyento ng impeksyon sa mga nabakunahan ay mananatiling mas mababa kaysa sa mga hindi, ngunit dahil mas maraming tao ay nabakunahan, kahit na tumaas ang bilang ng impeksyon sa mga nabakunahan, mananatiling mas mababang ang porsyento nito kumpara sa porsyento ng impeksyon sa mga hindi nabakunahan. Hindi ito katibayan na hindi gumana ang bakuna, bagkos nararapat lamang ito dahil binago ang bilang ng populasyon na kinukumpara.

Kapag inihahambing ang mga porsyento ng impeksyon ng mga indibidwal na nabakunahan at hindi nabakunahan, kailangan din nating alamin ang mga pagbabago sa pag-uugali ng dalawang grupo. Kapag nabakunahan ang mga tao, tama lang na ang kanilang pang-unawa sa peligro mula sa sakit ay mababawasan din, at malamang na hindi nila mapanatili ang lahat ng ibang mga diskarte upang maprotektahan ang kanilang sarili. Nakakakita rin kami ng maraming mga bansa na tamang pinahihintulutan ang karagdagang mga kalayaan sa mga taong nabakunahan upang mas malaki ang posibilidad na makagalaw sila at makihalubilo sa mas maraming tao. Nangangahulugan ito na nadagdagan nila ang kanilang peligro na makuha ang impeksiyon kumpara sa kanilang hindi nabakunahang mga katapat. Nangangahulugan din ito na kung hindi sila protektado ng bakuna, magkakaroon sila ng mas mataas na porsyento ng impeksyon at mga komplikasyon na sumusunod dito.

·         Ano ang ipinapakita sa atin ng totoong data ng mula sa mga bansang may mataas na porsyento ng pagbakuna tungkol sa mga kakayahan ng bakuna na maiwasan ang lahat ng impeksyon kumpara sa matinding impeksyon / kamatayan?

Ang pagiging mabisa na madalas tinatalakay ay nauugnay sa sintomas na napatunayan na sakit. Hindi ito dahil sa ito lamang ang epekto ng bakuna ngunit dahil ito ang mga unang kinalabasan na nasukat ng mga klinikal na pagsubok. Ang pagbawas sa mga impeksyon galing sa bakuna ay mas mahirap sukatin kaya't kahit na mahusay ang mga resulta ng mga clinical trials ng bakuna, kinailangan naming sabihin na hindi pa namin alam kung gaano nababawasan ng bakuna ang impeksyon. Sa kasamaang palad, ilan sa mga tao ay itinuring itong mga bakuna bilang hindi kaya mag-alis ng impeksyon, gayunman hindi ito ang kaso. Ang paraan kung paano natin malalaman kung ang mga bakuna na ito ay nakakabawas ng impeksyon ay;

Ayon sa pag-aaral ng mga hayop na nagpakita ng bawas na mga rate ng impeksyon at ang pagbawas ng virus sa ilang mga hayop na nahawahan, iba sa kanila ay malapit sila sa 100%.

Ayon sa pag-aaral ng paghahatid ng sambayanan kung saan ang mga rate ng pagkahawa ay kinokompara sa pagitan ng mga tao na nabakunahan at mga hindi nabakunahan, ito ang mga karaniwang nagpapakita ng pagbabawas ng mga 40% hanggang 60%

Ang pagsukat ng mga impeksyon na asymptomatic, ito ang mga nababawasan ng mga 60% hanggang 90%

Ang pagsusukat ng dami ng virus para matukoy ang mga nahawahan na tao, ang mga pagbabawas ng virus ay isang nakakatulong na surrogate (walang ebidensya) na reduced transmission, ang daming pag-aaral ay nagpakita na ganito ang ginawa ng mga 50 hanggang 67%.

May katuturan din na kapag nakakita tayo ng konting tagal ng mga sintomas sa mga taong nakabakuna, at iba sa mga taong na nagpakalat ng sakit, tulad ng ubo, tapos ang mga nakabakuna na tao ay hindi makakakalat ng sakit

·           Ang ibig sabihin ng pagkalat ng impeksyon ay kailangan ng Australia maghigpit pa? 

Samantalang ang mga bakuna ay hindi nakakatanggal ng impeksyon ng 100% pagkakataon, maaring itutuloy natin ang ibang mga estratehiya ng pagpapagaan sa nakikitang kinabukasan. Ang ibig sabihin ay pwede natin itaas ang epekto ng pagpapabakuna upang protektahan ang mga tao na madaling mahawa ng sakit sa komunidad, sa pamamagitan ng mga pangunahin batayan na mga estratehiya ng pagpapagaan na nakita natin na gumana bago tayo nakapag-access sa mga bakuna. Kasama ang social distancing, paglilinis ng kamay, pagpapatest at ang isolating hanggang sa gumaling ka kapag may mga sintomas ng respiratoryo pati ang pagsuot ng mga masks sa mga mapanganib na tagpo na partikular tulad ng pagsakay sa eroplano o sa mga tao na hindi pa pwedeng magpabakuna kahit anong dahilan. Kaya habang wala pa tayo sa pagwawasak, ang mga simpleng estratehiya ng pagpapagaan na dapat may maliit na epekto sa mga tao araw-araw ang inaasahan ay dapat na sa mataas na antas ng kontrol. Kapag sapat ng mga ilang tao na nagpabakuna, mas matindi na hakbang tulad ng paghihigpit ng domestic border at mga lock down ay hindi na dapat kailanganin.

·         Ang pagkakalat ba ng mga impeksyon ay pwede maging daan sa mga bagong variant ng kinakatakutan?

Para sa mga mutation na nagreresulta sa mga bagong variant na magkakaroon, ang virus na kailangan magparami sa isang host, halimbawa mga taong nahawahan. Kapag mas kaunti ang mga host na madaling matablan sa isang populasyon, mas hindi malamang magkakaroon ng mga ganitong mga mutation. Sigurado, na ang pagkakalat ng mga impeksyon ay ibig sabihin na ang posibilidad ng pagdami ng mga bagong variant ay hindi bababa sa zero, pero kapag marami pang mga taong nagpabakuna, mas  kaunti ang pagkakaroon ng mga bagong variant.

·          Ano ang ibig sabihin ng pagkalat ng impeksyon para mabuhay na may COVID sa Australia sa kinabukasan?

Para sa aking opinyon ibig sabihin nito ay hindi natin kailangan matutong mabuhay kasama itong virus. Dapat natin hangarin na makontrol yun hangga’t maari kaya ang epekto ng virus mismo, at ang mga stratehiya ng pagpapagaan para kontrolin, ay may pinakamaliit na epekto sa ating pang-araw-araw na buhay. Sa tingin ko ang pinakamagandang paraan gawin ito para magkaroon ng pinakamataas na vaccination rate hangga’t maari at payagan ang mga tao mag-enjoy ng mga karagdagan kalayaan na karapat-dapat sila at sila ay protektado. Tapos gagawin natin yung ibang mga pangunahing stratehiya para bawasan pa ng transmission tulad ng paglilinis ng kamay, pagdistansya, mga mask at mga high rate ng testing para masubaybayan natin kung saan ang mga kaso at bawasan ang pagkakataon para kumalat pa ang virus. Ito, kasama ang mga mas magaling na mga gamot na sana ay hindi malayo, ay dapat mangahulugang dapat lagi tayong maging maingat, maaari nating makamit at mabawasan ang epekto ng virus na ito sa pagsulong.

Dr Roger Lord

Senior lecturer (Syensya Medikal) kasama ng guro ng mga agham pangkalusugan sa The Australian Catholic University at Visiting Research Fellow kasama ang The Prince Charles Hospital (Brisbane)

Ang mga impeksyon ng COVID-19 ay tumataas ulit sa maraming ibang bahagi ng mundo. Ito ang mga pagkalat ng impeksyon ay hindi pagkabigo kung hindi isang pagkukulang ng mga magagamit na bakuna ng COVID-19, wala sa kanila ay may 100 porsyentong na mabisa.

Bilang karagdagan, walang magkaugnay ng proteksyon (antas ng antibody concentration at/o T cell activation ay kinakailanganin para sa proteksyon) ay kasalakuyang mayroon para ipahiwatig ang kailangang concentration para sa pangmatagalan na proteksyon, kung ito ay nakamit sa isang indibidwal o kung gaanong katagal ito. Ang pagpapabakuna ay hindi katumbas ng immunisation.

Hindi nakakagulat na nasa mga bansa kung saan mas mataas na rate ng bakuna na mas maraming nagpabakuna kaysa sa mga hindi nagpabakuna na mga tao ang nahawahan ng COVID-19. Kapag halimbawa, 80 porsyento ng isang populasyon ay nagpabakuna at 20 porsyento na hindi nagpabakuna tapos sa estatistika ay marami pang mga tao na nagpabakuna ang maaaring mahawahan ng COVID-19.

Ang mahalagang mensahe ay habang ang isang tao ay nahahawa ng COVID-19 pagkatapos ng pagbabakuna, ang mga sintomas ay hindi magiging kasing lubha at di malamang maging sanhi ng pagpapa-ospital.

Ito nga kaso sa United Kingdom (UK) kung saan ang mga rate ng pagbakuna ay naging mataas.

Ilang mga kaso ng COVID-19 sa UK ay tumataas dahil sa mas nakakahawa na delta variant gayunman ang bilang ng mga indibidwal na nangangailangan ng pagpapa-ospital ay mababa kabilang sa tao na nabakunahan.

Sa Australia kung saan ang mga rate ng bakuna ay medyo mababa pa rin, mataas pa rin ang pagpasa ng COVID-19 at hindi bababa hanggang sa mas mataas na porsyento ng populasyon ay nabakunahan.

Kapag ang isang makabuluhang porsyento ng isang populasyon ay nabakunahan ang madalas na lockdown ay magiging isang bagay ng nakaraan. Hanggang sa mangyayari yun ang mga tao ay kailangan magpatuloy ng pagsuot ng mga mask upang matulungan mapigilan ang paghahawa-hawa ng virus sa buong komunidad.

Media briefing

Media Release

Expert Comments: 

No items found.

Q&A

No items found.