BACK

Ano-anong bakuna para sa COVID-19 ang mayroon sa Pilipinas, at paano naiiba ang bawat isa?

This article was published on
August 12, 2021

This explainer is more than 90 days old. Some of the information might be out of date or no longer relevant. Browse our homepage for up to date content or request information about a specific topic from our team of scientists.

This article has been translated from its original language. Please reach out if you have any feedback on the translation.

Sa Pilipinas, may mga magagamit na bakuna para sa COVID-19 mula sa Sinovac Biotech, AstraZeneca, Pfizer-BioNTech, Moderna, Johnson & Johnson, at Sputnik V.

Publication

What our experts say

Sa Pilipinas, may mga magagamit na bakuna para sa COVID-19 mula sa Sinovac Biotech, AstraZeneca, Pfizer-BioNTech, Moderna, Johnson & Johnson, at Sputnik V.

Ikinakategorya ang mga bakunang ito ayon sa paraang ginagamit ng mga ito para maipasok sa ating katawan ang mahahalagang sangkap ng bakuna. Nabibilang ang mga ito sa tatlong uri: mga bakunang may messenger Ribonucleic Acid (mRNA), mga bakunang may viral vector, at mga bakunang may hindi aktibong virus. 

Nagpapasok sa ating katawan ang mga bakunang may mRNA, tulad ng Pfizer o Moderna, ng blueprint ng impormasyon—hindi kumpletong genetic na impormasyon mula sa virus na nagdudulot ng COVID-19—na nag-uutos sa katawan na gumawa ng mahahalagang immune-fighting cell. Tumutulong ang mga selulang iyon na protektahan tayo laban sa COVID-19. 

Gumagamit ang mga bakunang may viral vector, tulad ng AstraZeneca at Johnson & Johnson, ng hindi mapaminsalang virus bilang carrier o “vector” para magparating sa ating mga selula ng mga tagubilin para sa pagpapalakas ng immunity. Pinapatay sa laboratoryo ang virus na nagdadala sa mga tagubilin—isang adenovirus—bago ito ipasok sa tao. Pagkapasok nito sa katawan ng tao, mawawasak ang patay na adenovirus at maiiwan ang mahahalagang sangkap ng bakuna para makipag-ugnayan sa ating katawan at tumulong sa paggawa ng immune response. 

Gumagamit ang bakunang may hindi aktibong virus ng hindi aktibo (at hindi mapaminsala) na anyo ng virus na nagdudulot ng COVID-19. Kapag na-expose tayo rito, natututunan ng ating katawan na matukoy ang virus at labanan ito. Hindi makakapagsanhi ng sakit ang patay o hindi aktibong anyo ng virus na nagdudulot ng COVID-19 na ito dahil maingat itong inayos sa laboratoryo.  Gumagamit ng ganitong uri ng bakuna para magbigay ng proteksyon laban sa mga sakit na tulad ng hepatitis A, trangkaso, polio (IPV), at rabies.

Inirerekomendang ibigay ang lahat ng bakunang ginagamit sa Pilipinas sa dalawang dosis nang may 14 hanggang 28 araw na pagitan, maliban sa bakuna ng Johnson & Johnson na isang dosis lang. 

Iba-iba ang available na datos tungkol sa bisa ng mga bakuna depende sa panahon at lokasyon ng mga klinikal na pagsubok para sa bakuna, na mga pag-aaral na isinasagawa ng mga mananaliksik para makapangolekta ng datos. Narito ang hanay ng porsyento ng bisa sa pangkalahatan ng mga bakunang ito: 

- Johnson & Johnson (57%–72%) - AstraZeneca (70%) - Pfizer (95%) - Moderna (94%) - Sputnik (91%) - Sinovac (50%–91%)

Context and background

Iniulat ng Nakakababang Kalihim ng Kalusugan ng Pilipinas sa mga news outlet na pagsapit ng Agosto 3, 2021, 9.9% ng populasyon ang ganap nang nabakunahan. Nilalayon ng pamahalaan na mabakunahan ang 70 milyong tao mula sa 110 milyong tao bago matapos ang 2021.

Resources

  1. Mga Bakuna para sa SARS-CoV-2 (JAMA)
  2. Mga unang impeksyon ng COVID-19 sa Pilipinas: isang ulat sa kaso (BMC Tropical Medicine and Health)
  3. Data Repository para sa COVID-19 ng Center for Systems Science and Engineering (CSSE) sa Johns Hopkins University (Johns Hopkins)
  4. Bakunahan ang lahat ng gustong magpabakuna para sa COVID-19, sabi ni Duterte ng Pilipinas (Reuters)

Media briefing

Media Release

Expert Comments: 

No items found.

Q&A

No items found.