BACK

Ano ang una, ikalawa, at ikatlong wave ng impeksyon?

This article was published on
June 7, 2021

This explainer is more than 90 days old. Some of the information might be out of date or no longer relevant. Browse our homepage for up to date content or request information about a specific topic from our team of scientists.

This article has been translated from its original language. Please reach out if you have any feedback on the translation.

Nagkakaroon ng mga wave ng sakit kapag ang bilang ng impeksyon kada araw ay tumataas sa paglipas ng panahon, umaabot sa peak, saka bumababa sa paglipas ng panahon. Maraming salik na nagsasanhi sa pagkakaroon ng wave sa bawat rehiyon, pero may ilang partikular na aspektong hindi nagbabago.

Publication

What our experts say

Madalas banggitin ng World Health Organization at iba pang internasyonal na organisasyong pangkalusugan ang mga “wave” ng pandemya, pero walang pormal na kahulugan ang terminong ito. Tumutukoy ang wave sa tumataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19 na may partikular na peak at saka bumababa. Sa isang graph, nahahawig ito sa hugis ng alon na tumataas, umaabot sa peak, saka bumababa. Sa ilang sitwasyon, maaari ding tawagin ang wave bilang surge o outbreak.

Unang ginamit ng mga siyentista sa kalusugan ng publiko ang terminong ito para ilarawan ang iba’t ibang peak at pagtaas-baba ng bilang ng mga impeksyon sa paglaganap ng trangkaso noong huling bahagi ng ika-19 na siglo at noong lumaganap ang “Spanish flu” noong 1918–1929. Ginagamit natin ang naunang pandemya na ito para maunawaan at maikategorya ang paglaganap ng sakit at magamit ang mga matutuklasan bilang mga modelo na maaaring makatulong sa ating mahulaan kung paano ang magiging takbo ng COVID-19 sa modernong panahon.

Naiiba ang katangian ng bawat wave at maaaring makaapekto ang bawat wave sa iba’t ibang grupo ng mga tao, kahit nasa iisang bansa lang sila. Depende ito kung nakaayon sa panahon ang sakit o kung isa itong partikular na kakaibang sakit tulad ng H1N1 noong 2009–2010, na higit na nakaapekto sa mga nakatatandang matagal nang may mga karamdaman kumpara sa iba pang grupo ng mga tao. Kapag lumalabas ang mga tao sa tag-init, karaniwang bumababa ang mga wave ng mga sakit na may kaugnayan sa trangkaso dahil wala sa paaralan o hindi napipilitang manatili sa loob dahil sa panahon ang mga tao.

Maaaring lubhang mabawasan ang mga wave kapag may mga naabot na antas ng resistensya o immunity sa mga grupo ng mga tao. Kapag dumami ang mga taong nagkaroon ng resistensya laban sa COVID-19 at natigil ang paglaganap ng sakit na ito, mawawalan kalaunan ng taong maiimpeksyon ang virus.

Sa unang wave ng epidemya, nagsisimulang kumalat ang virus sa maraming tao, at parami nang parami kada araw, at may maaabot na peak o pinakamataas na bilang ng mga kaso kada araw. Sa loob ng panahong ito, dumarami rin ang mga positibong resulta ng pagsusuri para sa COVID-19 para sa mga taong mayroon at walang sintomas, bilang ng mga kaso, pagkakaospital, at kamatayan. Pagkalipas ng peak na iyon, nababawasan ang pagkalat ng virus dahil mas maraming tao na ang naimpeksyon o natutong protektahan ang kanilang sarili para hindi sila mahawahan o hindi nila maipasa ang virus, kaya bumabagal ang pagkakahawahan at nababawasan ang mga taong nagkakasakit sa loob ng panahong iyon.

Nagkakaroon ng ikalawang wave kapag nagsimulang tumaas muli ang bilang ng mga kaso kada araw. Kadalasang mas malala ang wave na ito kaysa sa nauna sa usapin ng mga impeksyon kada araw at malulubhang sakit. Ginagamit ang terminong “ikalawang wave” para maihiwalay ito ng publiko sa unang dagsa ng mga kaso. Panahon ito kung kailan nagsisimulang magtuloy-tuloy ang pagdami ng impeksyong dala ng virus. Kadalasan, nagsisimula nang sumubok ng mga panggamot at bakuna sa loob ng panahong ito dahil umaasang mas marami nang alam ang mga siyentista tungkol sa virus, genetics nito, kung paano ito kumakalat, at kung ano pa ang ibang epekto nito sa katawan. Sa ikalawang wave, karaniwang mas madali nang nada-diagnose ng mga doktor ang sakit.

Nagkakaroon ng ikatlong wave kapag may nakitang ikatlong peak sa isang grupo ng mga tao at kadalasang resulta ito ng mga salik sa lipunan na nakakaapekto sa kalusugan. Ibig sabihin nito, apektado ang mga taong may mabababang kita, People of Color, mga taong walang tirahan at pangangalagang pangkalusugan, at mga grupo ng mga tao na maaaring mas madaling magkasakit dahil hindi nila maiiwasan ang mga trabahong may malubhang pagkaka-expose tulad ng mga trabaho sa mga grocery store, paliparan, at restawran. Kadalasang napapalala ng wave na ito ang hindi pagkakapantay-pantay sa kabuhayan at pangangalagang pangkalusugan dahil hindi puwedeng lumiban sa trabaho ang mga tao kapag nagkasakit sila, na dahilan para mahawa ang iba at magpaulit-ulit ang sitwasyon. Maaaring magsimula nang maglabas ng mga bakuna sa loob ng panahong ito, na makakatulong sa mga grupo ng mga tao na makakamit ng herd immunity para maiwasang magkaroon ng mga karagdagan o kasinglubhang wave.

Siyempre, sanhi ang lahat ng wave na ito ng iba’t ibang gawi ng tao, kakulangan ng aksyon at patakaran ng pamahalaan, paglalakbay, mga gawain sa araw-araw, mga variant ng virus, at marami pang iba. Nangyayari ang mga wave sa iba’t ibang yugto ng panahon sa iba’t ibang rehiyon at iba ang lagay nito depende sa lugar. Kasama sa mga salik ang bilang ng mga taong naninirahan nang magkakalapit, kung may nagagamit na dumadaloy na tubig at nakakakuha ng pangangalagang medikal ang mga tao, at kung nakakagawa sila ng mga hakbang sa pag-iwas.

Context and background

Sa paglaganap ng COVID-19 sa buong mundo, naaabot ng mga bansa ang una, ikalawa, at ikatlong wave ng epidemya sa iba’t ibang yugto ng panahon. Karaniwan itong nakabatay sa mga partikular na aspekto ng bawat rehiyon at mga mamamayan nito, pero komplikadong paksa ito at hindi ito malinaw na matutukoy.

Resources

  1. Tatlong wave ng pandemyang dulot ng COVID-19 (BMJ)
  2. Mga Katangiang Medikal at Pagkakahawa ng COVID-19 sa mga Bata at Kabataan sa 3 Wave ng Outbreak sa Hong Kong (JAMA Network Open)
  3. Paghahambing sa ikalawa at ikatlong wave ng pandemyang dulot ng COVID-19 sa South Korea: Kahalagahan ng maagang pag-aksyon para sa kalusugan ng publiko (International Journal of Infectious Diseases)
  4. PDF [245 KB] Save Share Reprints Request First, second and third wave of COVID-19. What have we changed in the ICU management of these patients? (Journal of Infection)
  5. Ikalawang Wave ng Coronavirus? Kung Bakit Dumarami ang mga Kaso (Johns Hopkins Medicine)
  6. Ano ang pinagkaiba ng una at ikalawa/ikatlong wave ng COVID-19? – Pananaw sa Germany (Journal of Orthopaedics)
  7. COVID-19 – Mga ‘Wave’ ng Epidemya (The Centre for Evidence-Based Medicine)
  8. Ikalawang Wave? Ano ang Ibig Sabihin ng mga Tao Kapag Binabanggit Nila ang mga Wave ng COVID-19? – Kahulugan ng mga Wave ng Epidemya sa Sitwasyong Ito (medRxiv)
  9. Epidemyang dulot ng trangkaso noong 1889–1890 sa mga piling lungsod sa Europe – isang larawan batay sa mga ulat ng dalawang arawang pahayagan sa Poznań mula sa ikalawang bahagi ng ika-19 na siglo (Medical Science Monitor)
  10. Ano ang wave ng COVID-19? Paano natin ito matutukoy? (India Today)
  11. COVID-19: Ano ang Nagsasanhi ng mga ‘Wave’ sa Panahon ng Pandemya? (MedPage Today)
  12. Trangkaso Noong 1918: Pinagmulan ng Lahat ng Pandemya (Emerging Infectious Diseases)
  13. Ano ang nagsasanhi sa ‘wave’ ng sakit? Paliwanag ng isang epidemiologist (The Conversation)
  14. Paghahanda para sa ikalawang wave: mga aral mula sa mga kasalukuyang outbreak (World Health Organization)
  15. Mga Yugto ng Pandemya ayon sa WHO (World Health Organization)
  16. Ayon sa WHO, ‘isang malaking wave’ at hindi ayon sa panahon ang pandemyang dulot ng COVID-19 (Reuters)

Media briefing

Media Release

Expert Comments: 

No items found.

Q&A

No items found.