BACK

Ano ang sinasabi ng mga siyentista tungkol sa pagbabakuna sa mga bata laban sa COVID-19?

This article was published on
July 26, 2021

This explainer is more than 90 days old. Some of the information might be out of date or no longer relevant. Browse our homepage for up to date content or request information about a specific topic from our team of scientists.

This article has been translated from its original language. Please reach out if you have any feedback on the translation.

Inirerekomendang pabakunahan ang mga bata at teenager ng anumang bakuna para sa COVID-19 na may pahintulot para sa pang-emergency na paggamit kapag mayroon na nito. Itinuturing sa iba’t ibang panig ng mundo na ligtas ang bakunang Pfizer para sa mga batang 12 taong gulang pataas. Wala pang bakuna para sa COVID-19 para sa mga batang wala pang 12 taong gulang dahil isinasagawa pa ang mga pangkaligtasang pagsubok para sa grupong ito.

Publication

What our experts say

Inirerekomenda ng maraming awtoridad sa kalusugan, kabilang ang World Health Organization, American Academy of Pediatrics, at Centers for Disease Control and Prevention (CDC), na pabakunahan ang mga bata at teenager ng anumang bakuna para sa COVID-19 na may pahintulot para sa pang-emergency na paggamit kapag mayroon na nito para sa kanilang pangkat ng edad. 

Itinuturing sa iba’t ibang panig ng mundo na ligtas ang bakunang Pfizer para sa mga batang 12 taong gulang pataas. Ibinibigay ang bakunang ito sa dalawang dosis, nang may pagitan na 3 linggo. Itinuturing ang mga bata na ganap nang nabakunahan pagkalipas ng dalawang linggo mula noong matanggap nila ang ikalawang dosis. Ligtas ding maibibigay ang bakunang Pfizer kasama ng iba pang pambatang bakuna. Noong Hulyo 23, 2021, inawtorisahan ng komite sa mga gamot na pantao ng European Medicine Agency (EMA) ang pang-emergency na paggamit sa bakunang Moderna, na tinatawag ding Spikevax, sa mga batang 12–17 taong gulang. 

Karaniwang nakakaranas ang mga bata ng hindi malulubhang side effect na katulad ng mga nararanasan ng mga adult pagkatapos matanggap ang bakunang Pfizer. Kasama sa mga ito ang pagkahapo, sinat, pananakit ng kalamnan, at pananakit sa bahaging tinurukan.

May iniulat na mga pambihirang kaso ng myocarditis, o pamamaga ng puso, sa CDC mula noong Abril 2021. Nangyari ang karamihan ng kaso sa mga lalaking 16 na taong gulang pataas sa loob ng tatlong araw pagkatapos ng ikalawang dosis ng bakunang may mRNA para sa COVID-19 (Pfizer o Moderna). Para sa mga lalaking 12–29 na taong gulang, 40.6 na kaso kada isang milyong ikalawang dosis ang bilang nito. Para sa mga babae sa parehong pangkat ng edad, 4.2 na kaso kada isang milyong ikalawang dosis ang bilang nito.

Kasama sa mga sintomas ng myocarditis ang pananakit ng dibdib, mabilis na tibok ng puso, at pangangapos ng hininga. Hindi malubha at mabilis na nawala ang karamihan ng kaso. Walang naitalang namatay sa mga naapektuhan nito. Simula Hulyo 2021, ipinapayo ng Advisory Committee on Immunization Practices ng CDC na lamang ang mga benepisyo ng bakuna kumpara sa posibilidad na magkaroon ng mga problema sa puso. Naaayon ang mga rekomendasyon ng EMA sa mga inirerekomenda ng CDC.

Context and background

Noong Mayo 2021, Canada ang unang bansa na nagbigay ng pahintulot na gamitin ang bakunang Pfizer para sa emergency sa mga batang 12–15 taong gulang. Inaprubahan para sa grupong ito ang bakunang Pfizer ng Food and Drug Administration ng United States, EMA, Chilean Institute of Public Health, Japan Health Ministry, at Food and Drug Administration ng Pilipinas sa huling bahagi ng buwan na iyon. Noong Hunyo 2021, sinimulan ng Singapore, China, Israel, Dubai, at Brazil na bigyan ng bakunang Pfizer ang mga batang 12–15 taong gulang. 

Mahalagang tandaan na magkaiba ang pagpapahintulot at pagbabakuna sa European Union. Nakaayon sa pagpapasya ng mga miyembrong estado ng EU ang iskedyul para sa pagbibigay ng bakuna para sa COVID-19 para sa grupong ito. Halimbawa, sinimulan nang bakunahan ng France ang mga batang 12 taong gulang pataas, pero pinaplano ng Spain na simulang mag-alok ng bakuna sa kalagitnaan ng Agosto. 

Wala pang bakuna para sa COVID-19 para sa mga batang wala pang 12 taong gulang dahil isinasagawa pa ang mga pangkaligtasang pagsubok para sa grupong ito. Sinusuri ng mga mananaliksik ang pinakamababang dosis na kinakailangan para makagawa ng immune response. Dumaraan ang mas maliliit na bata sa mahahalagang yugto ng paglaki kaya higit na nag-iingat ang mga siyentista sa pagsusuri sa mga pangmatagalang epekto ng mga bakuna para sa COVID-19 sa paglaki. Inaasahan ng mga mananaliksik na magkakaroon ng mga bakuna para sa mga batang 6 na buwang gulang pataas sa huling bahagi ng 2021 o unang bahagi ng 2022. Para sa mga batang hindi bakunado o masyado pang bata para mabakunahan, ipinapayong patuloy silang sumunod sa mga hakbang para makaiwas sa sakit, gaya ng pagdistansya sa kapwa, pagsusuot ng mask, at paghuhugas ng kamay.

Resources

  1. Payo sa publiko kaugnay ng COVID-19: Magpabakuna (World Health Organization)
  2. Mga Bakuna para sa COVID-19 sa mga Bata at Kabataan (Pediatrics)
  3. Patnubay ng American Academy of Pediatrics: Ligtas, Mabisa, at Dapat Ibigay sa Lahat ng Kwalipikado ang Bakuna para sa COVID-19 (American Academy of Pediatrics)
  4. Mga Bata at Teenager (Centers for Disease Control and Prevention)
  5. Inaprubahan ang bakuna para sa COVID-19 na Spikevax para sa mga batang 12 hanggang 17 taong gulang sa EU (European Medicines Agency)
  6. Mga Bata at mga Bakuna para sa COVID-19 (JAMA Pediatrics)
  7. Puwede bang magpabakuna para sa COVID-19 ang aking anak? (Johns Hopkins Medicine)
  8. Myocarditis at Pericarditis (Centers for Disease Control and Prevention)
  9. Paggamit sa Bakunang May mRNA para sa COVID-19 Pagkatapos ng mga Ulat tungkol sa Pagkakaroon ng Myocarditis ng mga Nakatanggap ng Bakuna: Update mula sa Advisory Committee on Immunization Practices — United States, Hunyo 2021 (Centers for Disease Control and Prevention)
  10. Mga bakuna para sa COVID-19 para sa mga batang wala pang 12 taong gulang: handa na ba tayo? (The Lancet Infectious Diseases)
  11. Factbox: Mga bansang nagbibigay ng bakuna sa mga bata laban sa COVID-19 (Reuters)
  12. Mga bata, COVID-19, at mga bakuna (Association of American Medical Colleges)
  13. Mga bakuna para sa COVID-19 para sa mga bata: Ang kailangan munang mangyari (Boston Children’s Hospital)

Media briefing

Media Release

Expert Comments: 

No items found.

Q&A

No items found.