BACK

Ano ang nalalaman natin tungkol sa pagkuha at distribusyon ng bakuna sa East Africa?

This article was published on
July 20, 2021

This explainer is more than 90 days old. Some of the information might be out of date or no longer relevant. Browse our homepage for up to date content or request information about a specific topic from our team of scientists.

This article has been translated from its original language. Please reach out if you have any feedback on the translation.

Pagsapit ng Hulyo 16, 2021, ang mga bansang bumubuo sa East Africa ang nakapagbigay ng pinakamaraming dosis ng bakuna para sa COVID-19 kumpara sa buong kontinente. Ang karamihan ng bakunang naibigay na sa East Africa ay mga dosis ng AstraZeneca na nakuha sa pamamagitan ng alyansa sa pagbabahagi ng bakuna na COVAX. Inuuna sa diskarte sa pagbibigay ng bakuna sa East Africa ang mga grupong nanganganib, at mga manggagawang pangkalusugan sa komunidad ang inaasahan sa pagbabakuna.

Publication

What our experts say

Pagsapit ng Hulyo 16, 2021, ang mga bansang bumubuo sa East Africa ang nakapagbigay ng pinakamaraming dosis ng bakuna para sa COVID-19 kumpara sa buong kontinente. Ang karamihan ng bakunang ibinibigay sa East Africa ay mga dosis ng AstraZeneca na nakuha sa pamamagitan ng alyansa sa pagbabahagi ng bakuna na COVAX. Inuuna sa diskarte sa pagbibigay ng bakuna sa East Africa ang mga grupong nanganganib, at mga manggagawang pangkalusugan sa komunidad ang pinakainaasahan sa pagbabakuna.

Sa 3.4 na bilyong bakuna para sa COVID-19 na naibigay na sa buong mundo (mula Hulyo 16, 2021), 0.21 porsyento nito ang ibinigay sa East Africa. Nagsimulang makatanggap ang mga bansa sa East Africa ng mga bakuna sa ilalim ng programang COVAX noong Pebrero 2021 at limitado lang ang bilang ng mga ito. Sa rehiyon, nangunguna ang Ethiopia na nakapagbigay na ng 2.5 milyong dosis, na sinusundan ng Kenya na nakapagbigay na ng 1.73 milyong dosis. Nakatakdang matanggap ng Tanzania ang mga unang bakuna nito sa mga susunod na linggo. Sa ngayon, wala pang plano para sa publiko ang Burundi at Eritrea kaugnay ng pagkuha ng mga bakuna para sa COVID-19.

COVID-19 ang sanhi ng pinakamalawak na pagbabakuna sa buong mundo. Dahil dito, talagang komplikado ang supply chain at paglulunsad. Lalo pang nagpapakomplika sa lohistika ang iba’t ibang kondisyon sa pag-iimbak at pagbibigay ng dosis ng iba’t ibang bakuna para sa COVID-19. Para sa mga bansa sa East Africa, lalong mas mahirap ang kabuuang lohistika dahil sa limitadong imprastraktura at sistema sa pamamahala ng lohistika na mahalaga sa pagbibigay ng bakuna. Kasama rito ang mga sumusunod, pero hindi ang mga ito ang limitasyon:

- Mga kinakailangan para mapanatiling malamig ang mga bakuna. Iba-iba ang mga kinakailangan, mula sa karaniwang pagpapalamig na 2C hanggang -80C hanggang sa napakatinding pagpapalamig na -80C hanggang 600C. Nakakadagdag din sa mga problema sa distribusyon ng mga bakuna ang pangangailangan para sa pagpapalamig na ito. - Mga hindi maayos na sistema sa pangongolekta ng datos. Maraming bansa ang walang tumpak na datos para matantiya ang mga kinakailangang mapagkukunan ng tao at pananalapi, matukoy ang mga grupong nanganganib, at mataya ang kapasidad ng sistemang pangkalusugan para sa pagbibigay ng mga bakuna. - Limitadong lakas-paggawa na sumailalim sa pagsasanay. Ang mga manggagawang pangkalusugan sa komunidad ang pangunahing inaasahan para maabot ang mga taong nasa malalayong lugar. - Hindi maayos na komunikasyong pangkalusugan para maisulong ang pagtanggap at matugunan ang pag-aalangan sa pagpapabakuna. - Hindi maayos na pamamahala at pangangasiwa sa paghahatid ng bakuna.

Nakabatay ang paglalaan ng mga dosis ng bakuna ng COVAX sa “kahandaan” ng bawat bansa na kinabibilangan ng mga pagsusuri sa lohistika at legalidad kung gaano kahanda ang bansa sa pagbabakuna. Inuna ng mga bansa sa East Africa ang mga target na grupo batay sa edad, mga dati nang kondisyon, at trabaho. Nakasalalay ang paghahatid ng bakuna sa mga pasilidad na pangkalusugan, lugar para sa pagtulong sa komunidad, at lalo na sa mga manggagawang pangkalusugan sa komunidad.

May ilang salik na nakakaapekto sa pagkakaiba ng kondisyon sa iba’t ibang panig ng mundo kaugnay ng pagkakaroon ng mga bakuna para sa COVID-19 at pagtanggap sa mga ito, kabilang ang:

- Pagho-hoard ng bakuna: Tatlumpu’t limang mayamang bansa ang paunang nag-order ng labis-labis na dosis ng mga bakuna para ganap na mabakunahan ang buong populasyon nila. Naging dahilan ito para hindi makakuha ang mga bansa sa East Africa ng mga supply na limitado sa buong mundo. Lalo pang nahadlangan ang pagkuha ng supply noong itinigil ng India ang pag-e-export ng mga bakuna sa programang COVAX.

- Mga problema sa lohistika: Nakatanggap ang ilang bansa sa East Africa ng mga dosis ng bakuna na malapit nang mag-expire at kinailangan nilang itapon ang mga bakuna, ibalik ang mga iyon sa COVAX, o i-donate ang mga iyon sa ibang bansa. Halimbawa, sinira ng Malawi ang 20,000 dosis at ibinalik ng South Sudan ang 72,000 dosis sa programang COVAX. Bagama’t mahirap maabot ang mga taong nasa malalayong lugar, sanhi ng malalaking balakid sa pagbabakuna para sa COVID-19 sa rehiyon ang kawalan ng katatagan at seguridad sa politika ng mga bansa. Dahilan din ang mga alalahanin kaugnay ng kaligtasan ng bakunang AstraZeneca.

- Pag-aalangan sa pagpapabakuna: Maraming salik na sanhi nito, kasama na ang mga haka-haka at maling impormasyon. Napapalala ito ng mga lider na gaya ng namayapang si John Magufuli na hindi naniniwala sa COVID-19. Nauugnay rin sa pag-aalangan sa pagpapabakuna ang kawalan ng tiwala ng publiko sa pagresponde ng pamahalaan sa COVID-19, pati na rin ang katiwalian.

Bagama’t aktibo ang East Africa sa COVAX at kumilos ang mga ahensya sa kalusugan ng mga bansa para makakuha ng mga bakuna para sa kanilang mga residente, marami pang bakuna ang kailangang makuha at maipamahagi sa rehiyon para mapigilan ang paglaganap ng COVID-19.

Context and background

Sa East Africa, mas mabagal at mas komplikado ang pagbabakuna para sa COVID-19 kumpara sa iba pang lugar sa mundo. May tatlong paraan ang rehiyon para makakuha ng mga bakuna para sa COVID-19: sa pamamagitan ng COVAX, African Vaccine Acquisition Task Team, at pagkakasundo sa pagitan ng mga pamahalaan.

Wala pang dalawang porsyento ng mga nakatira sa Africa ang ganap nang nabakunahan, at 1.6% lang ng kabuuang distribusyon ng bakuna para sa COVID-19 sa buong mundo ang 50 milyong dosis na naibigay na sa rehiyon.

Resources

  1. Ayon sa Burundi, hindi nito kailangan ng mga bakuna para sa COVID-19, sa ngayon (Associated Press)
  2. Pagsubaybay sa pagbabakuna para sa COVID-19 (World Health Organization)
  3. Makalipas ang isang taon ng hindi paniniwala sa COVID-19, nag-order ang Tanzania ng mga bakuna para sa COVID-19 (Wall Street Journal)
  4. Binili ng iilang mayamang bansa ang mahigit kalahati ng supply para sa hinaharap ng mga bakuna para sa COVID-19 (Oxfam)
  5. Sinira ng Malawi ang halos 20,000 dosis ng bakunang AstraZeneca (BBC News UK)
  6. Krimeng hindi napaparusahan: Bakit madaling magamit ang mga daungan ng Africa para sa mga pekeng bakuna para sa COVID-19 (Health Policy Watch)
  7. Ang sitwasyon sa pagbabakuna para sa COVID-19 sa Kenya (AlJazeera)
  8. 'Nagpuslit' sa Kenya ng bakuna mula sa Russia ang mga distributor at ibinebenta ito sa halagang Sh11,000 kada turok (Breaking Kenya News)
  9. Paano hinaharap ng mga embahada ang pagbabakuna para sa COVID-19 (Devex)
  10. Mga problema kaugnay ng pagbabakuna para sa COVID-19: Ang alam na natin sa ngayon at ang kailangan pang gawin (Science Direct)

Media briefing

Media Release

Expert Comments: 

No items found.

Q&A

No items found.