This explainer is more than 90 days old. Some of the information might be out of date or no longer relevant. Browse our homepage for up to date content or request information about a specific topic from our team of scientists.
This article has been translated from its original language. Please reach out if you have any feedback on the translation.
Walang nagsasaad na nakakasama sa ating katawan ang mga nakaumbok na protinang mula sa mga bakunang may mRNA. Dumaraan ang mga bakuna sa mga napakahigpit na alituntuning itinakda ng US FDA para matugunan ang mga pamantayan sa kaligtasan at bisa. Libo-libong tao ang sumailalim sa mga klinikal na pagsubok sa loob ng ilang buwan para maunawaan kung may anumang side effect o panganib na nauugnay sa mga bakuna. Binabantayan pa rin ang mga bakuna para sa anumang alalahanin sa kaligtasan o paulit-ulit na pangyayari na puwedeng makasama sa tao. Sa ngayon, walang siyentipikong katibayan na nagsasaad na mapaminsala o nakakasama sa mga organ sa ating katawan ang mga nakaumbok na protinang ginagawa sa ating katawan mula sa mga bakuna para sa COVID-19, gaya ng sinasabi sa ilang platform sa social media.

Itinuturing ng marami na ligtas ang mga nakaumbok na protinang ginagawa sa katawan mula sa mga bakuna para sa COVID-19, mula man sa mga bakunang may mRNA (hal., Moderna, Pfizer) o mga bakunang may viral vector (hal., AstraZeneca, Johnson & Johnson). May mahalagang papel ang mga nakaumbok na protinang ito mula sa mga bakuna para sa COVID-19 sa pagsasanay sa immune system na protektahan ang katawan laban sa COVID-19.
Kadalasang mali ang interpretasyon sa mga pag-aaral ng mga hindi totoong pahayag tungkol sa pagiging mapaminsala ng mga nakaumbok na protinang mula sa mga bakuna para sa COVID-19, at hindi naisasaalang-alang sa mga pahayag na ito kung paano naiiba ang pagkilos ng mga nakaumbok na protinang mula sa mga bakuna para sa COVID-19 kumpara sa mga nakaumbok na protinang mula sa natural na impeksyon ng COVID-19.
Dumaraan ang mga bakuna sa mga napakahigpit na alituntuning itinakda ng US FDA para matugunan ang mga pamantayan sa kaligtasan at bisa. Libo-libong tao ang sumailalim sa mga klinikal na pagsubok sa loob ng ilang buwan para maunawaan kung may anumang side effect o panganib na nauugnay sa mga bakuna. Binabantayan pa rin ang mga bakuna para sa anumang alalahanin sa kaligtasan o paulit-ulit na pangyayari na napapansin na puwedeng makasama sa tao.
Sa ngayon, walang siyentipikong katibayan na nagsasaad na mapaminsala o nakakasama sa ating mga organ ang mga nakaumbok na protinang ginagawa sa ating katawan mula sa mga bakuna para sa COVID-19. Bago pa lang ang mga bakuna para sa COVID-19 at hindi pa alam ang mga pangmatagalang side effect. Gayunpaman, natugunan ng mga bakuna ang mga alituntunin sa kaligtasan ng maraming pambansa at internasyonal na ahensya sa kaligtasan.
May ilang system na tumutulong sa ating bantayan ang kaligtasan ng mga bakuna. Sa United States, kasama sa mga ito ang Vaccine Adverse Event Reporting System (VAERS), Vaccine Safety Datalink (VSD), Post-License Rapid Immunization Safety Monitoring (PRISM), at Clinical Immunization Safety Assessment Project (CISA). Ginagamit ang mga system na ito ng mga siyentista para bantayan ang mga side effect at anupamang paulit-ulit na nakikitang panganib na dulot ng mga bakuna.
Nakapagbigay na ng bakuna para sa COVID-19 sa 135 milyong tao sa United States. Gaya ng inaasahan sa anumang bakuna, may ilang ganap nang nabakunahang tao na nagkasakit, naospital, at/o namatay pa rin. Napakaliit na porsyento lang ng mga nabakunahan (<0.001%) ang mga “breakthrough case” na ito at pinag-aaralan ang mga ito para matukoy ang anumang nauugnay na pattern.
Sa ngayon, walang siyentipikong katibayan na nagpapatibay sa mga pahayag na dumadaloy kasama ng dugo ang mga nakaumbok na protinang ginagawa mula sa mga bakuna. Ayon sa pananaliksik, nananatiling nakadikit ang mga nakaumbok na protina sa surface ng mga selulang malapit sa bahaging tinurukan ng bakuna. Walang nagsasaad na lumilipat ang mga ito sa ibang bahagi ng katawan.
May napakaliit na dosis ng bakuna na sumasama dugo (tinatayang 1%), pero ganap itong sinisira ng mga enzyme sa sandaling makarating ito sa atay. Ayon sa US CDC, “hindi nakakasama” ang nakaumbok na protinang mula sa bakuna.

Mahigpit ang mga proseso ng pagbuo, pag-apruba, at pagmamanupaktura ng bakuna, at una sa mga ito ang kaligtasan. Papahintulutan lang para sa paggamit ang bakuna kung itinuturing na ligtas at mabisa ito, at lamang ang mga benepisyo sa mga panganib. Pinag-aaralan ng ilang siyentista at eksperto sa mga pangkontrol na ahensya na tulad ng FDA ang datos ng bakuna, at nagpapasya sila pagkatapos isaalang-alang ang kaligtasan at bisa ng bakuna bago magdesisyon kung ligtas itong gamitin ng publiko.