This explainer is more than 90 days old. Some of the information might be out of date or no longer relevant. Browse our homepage for up to date content or request information about a specific topic from our team of scientists.
This article has been translated from its original language. Please reach out if you have any feedback on the translation.
Maaaring epektibo ang mga nanoparticle mask sa pagpigil sa paglago ng mga mikroorganismo, pero iba-iba ang husay ng proteksyon ng bawat mask at posibleng hindi ligtas ang lahat. Dahil dito, mga mask lang na bibigyan ng sertipikasyon ng mga pambansa at internasyonal na organisasyong pangkalusugan ang dapat suotin pagkatapos maipakita sa mga naka-randomize na kinokontrol na pagsubok na ligtas at epektibo ang mga mask. Kung hindi, ang pagpapatong ng telang mask sa surgical mask pa rin ang pinakaligtas na paraan para mapigilan ang paglaganap ng COVID-19 sa pamamagitan ng pagsusuot ng mask para sa mga taong hindi nagtatrabaho sa industriyang pangkalusugan.

Ang mga nano mask ay mga face mask na gawa sa nanoparticle fabric, at nagsimulang sumikat ang mga ito noong nakalipas na taon. Sobrang liit ng mga nanoparticle. Maihahalintulad ang sukat ng mga ito sa laki ng SARS-CoV-2. May sukat ang mga particle na ito na mula 1 hanggang 100 nanometer, na tinatayang sampung libong beses na mas maliit kaysa sa lapad ng isang hibla ng buhok.
Pinag-aaralan at ginagamit ng mga siyentista ang mga nanoparticle sa ilang disenyo ng mask dahil sa potensyal ng mga ito na mapigilan o mapabagal ang paglaganap ng mga mikroorganismo. Kadalasang pinupuntirya ng mga produktong pangontra sa mikrobyo ang mga mikroorganismo na ito na kinabibilangan ng mga bakterya, virus, protozoa, at fungus, pati na rin ng virus na sanhi ng COVID-19.
Ilang taon nang ginagamit ng mga mananaliksik ang nanotechnology dahil sa mga natatanging katangian nito, kabilang na ang pagiging napakaliit nito, kakayahan nitong maiangkop, at kakayahan nitong magamit para sa maraming bagay. Gumamit na ng mga nanomaterial sa mga nagdaang taon para sa pagpigil, panggagamot, at pag-diagnose ng mga sakit. Ngayon, umaasa ang mga eksperto na makakatulong sa pagpigil sa paglaganap ng COVID-19 ang kombinasyon ng teknolohiya at mga mask na gawa sa nanoparticle.
Puwedeng magawa minsan ng mga face mask na yari sa mga nanoparticle fabric o may mga bahaging binubuo ng mga nanoparticle na pigilan ang pagpasok ng tubig, pahusayin ang pagsasala, at pigilan ang pagkakalanghap ng mga mikrobyo o paglago ng mga ito sa surface ng mask.
May ilan sa mga mask na ito na mayroong isang bilyong munting fiber na tinatawag na nanowhisker. Nakakatulong ang mga ito na maiwasang masipsip ng mga mask ang mga droplet. May ilan na mayroong balot na nanoparticle na materyales na nakakapigil sa pagpasok ng tubig. May ilan na mayroong mga nanoscale 3D na surface. Isang mahalagang layunin ng karamihan ng nanoparticle na face mask na masolusyunan ang maliliit na awang sa pagitan ng mga fiber para hindi makapasok ang mga particle na mas malaki sa 100 nanometer.
Sa isang estratehiya na ginamit ng maraming mananaliksik sa mga disenyo ng mask, pinagtutuunan ang surface ng mga mask, na may iba’t ibang nanoparticle at materyales:
- tanso - iodine - silver - gold - titanium - zinc - iba pang metal at metal oxide na materyales - polyamidoamine - polypropylene - polyvinylidene fluouride - nylon resin - selenium - iba’t ibang materyales na gawa sa carbon na panlaban sa virus - iba pang inorganic na nanoparticle na panlaban sa virus - N-halamine - chitosan - iba pang sunlight active nanofiber membrane at photodynamic na materyales na panlaban sa virus
Puwedeng ihabi sa mga fiber ang mga materyales na ito o ikabit sa mga hindi hinabing fabric ng pamproteksyong takip sa mukha. Natuklasan sa ilang pag-aaral ang potensyal ng mga ganitong uri ng mga mask na malumpo ang ilang virus at mahadlangan ang pagtagos sa mask ng mga pathogen, na nahahawig sa ginagawa ng pansala. Maaari ding mapuksa ng mga ito ang iba’t ibang pathogen na nadidikit sa mask, kaya lubhang mas maliit ang posibilidad na makontamina ang mga mask.
Kapag mas mahusay ang pagsasala at mas malakas ang mga katangiang panlaban sa virus ng mga mask na pangontra sa mikrobyo, maaaring maging mas mabisa ang mga ito sa pagpigil sa paglaganap ng COVID-19. Gayunpaman, yari ang bawat mask sa iba’t ibang materyal na may iba’t ibang katangian tulad ng tibay, katatagan, bumubuong elemento, at lakas ng pangontra sa mikrobyo.
Napakakaunti ng mga nanoparticle na mask na humingi ng pag-apruba sa mga pambansang lupon na kumokontrol sa mga medikal na produkto at iilan lang ang sumailalim sa mahihigpit na naka-randomize na kinokontrol na pagsubok para matukoy kung ligtas at epektibo ang mga ito. Sa katunayan, may potensyal na makapagdulot ng pinsala sa katawan ang ilan sa mga mask na ito, kabilang na ang mga mask na may mga compound na tulad ng nano-silver o graphene na puwedeng magsanhi ng labis na pagkaka-expose, pagkakalanghap, at pinsala sa maraming organ. Maaari ding makasama sa kapaligiran ang paggawa at pagtapon sa mga mask na ito bukod pa sa posibilidad nitong makasama sa kalusugan.
Sa pangkalahatan, nakakasabik ang potensyal ng paggamit ng mga nanoparticle sa mga pamproteksyong kasuotan tulad ng mga face mask, pero hindi pa nasisiguro ang kaligtasan at bisa ng mga ito sa pamamagitan ng regular na pagsusuri o pamamaraan sa karamihan ng mga bansa. Maaaring lubhang magkakaiba ang mga pamproteksyong salik at kaligtasan para sa may suot ng mga mask na ito—puwedeng mapanganib at pamugaran ng mga mikroorganismo ang ilan habang may epektibong paraan ng pagsasala at paglulumpo ng virus naman ang iba. Puwedeng iba-iba rin depende sa bansa ang mga alituntunin, materyal, agham, etika, at proseso ng bawat kompanyang gumagawa ng mask. Posibleng hindi makasunod sa mga pangkontrol na alituntunin at hindi mabantayan o masuri nang maigi ng mga ahensya sa pagkontrol ang paggawa o mga kakayahan ng mga ito. Para maiwasan ang anumang potensyal na side effect, dapat isaalang-alang ng mga tao sa pagbili ng mga face mask kung sertipikado ang mga ito ng pambansa o internasyonal na ahensya sa kalusugan at pagkontrol (tulad ng World Health Organization o kagawaran ng kalusugan), at sumailalim ang mga ito sa mahihigpit na pag-aaral na nasuri ng ibang siyentista para matukoy ang kaligtasan at bisa ng mga ito. Kung hindi, ang pagpapatong ng telang mask sa surgical mask pa rin ang pinakaligtas na paraan para mapigilan ang paglaganap ng COVID-19 sa pamamagitan ng pagsusuot ng mask para sa mga taong hindi nagtatrabaho sa industriyang pangkalusugan.

Nagpakilala kamakailan si Dr. Joseph Nderitu ng Kenya ng bagong magagamit muli na surgical mask na gawa sa tinatawag ng kompanya niya na "mga fabric na pangontra sa mikrobyo" na sinasabi nilang kayang makapatay ng mga virus kapag nadikitan. Ang Nano Mask ng Tiira Medical Services ang pinakabagong produkto sa mga bagong uri ng mask na naimbento ng mga siyentista, doktor, at engineer para pumatay o manlumpo ng mga virus, mikrobyo, at iba pang bakterya. Layunin ng mga mask na ito na paigtingin ang proteksyong naibibigay na ng mga mask para higit na mapigilan ang paglaganap ng iba’t ibang sakit.
Sinabi ni Dr. Nderitu sa pahayagang Nation na hindi nasasala maging ng mga surgical mask na may mga napakahusay na pansala ang lahat ng mikrobyo, na mga munting buhay na organismong naninirahan sa tubig, lupa, at hangin at puwedeng magbigay sa atin ng sakit, makatulong sa ating kalusugan, o walang epekto sa atin. Ang mga pinakakaraniwang uri ng mga mikrobyo ay ang mga bakterya, virus, at fungus.
Sumailalim ang Nano Mask ng Tiira sa dalawang pagsusuri at inaprubahan ito pagkatapos ng National Microbiology Reference Laboratory na nasa ilalim ng Ministry of Health. Gayunpaman, dapat tandaan na sinuri ang mask gamit ang mga antibiotic na may matitinding epekto sa limang karaniwang bakterya:
- staphylococcus aureus - klebsiella pneumoniae - pseudomonas aeruginosa - acinetobacter baumannii - escheria coli
Wala sa mga bakterya na ito ang sanhi ng SARS-CoV-2 o COVID-19.
Tinatawag na zone of inhibition test at inoculum absorption test ang dalawang pagsusuri kung saan isinailalim ang Tiira Nano Mask. Sa unang pagsusuri, inalam kung gaano kahusay na napipigilan ng fabric na pangontra sa mikrobyo ang paglago ng bakterya pagkatapos itong ilagay sa fabric sa isang agar plate sa laboratoryo sa loob ng 24 na oras, sa temperaturang makakabuhay sa bakterya.
Sa ikalawang pagsusuri, naglagay ng pansubok na bakterya sa dalawang swatch ng fabric at iniwan ito sa petri dish. Sinuri ang fabric makalipas ang isa, apat, at dalawampu’t apat na oras pagkatapos ibabad.
Nakita sa parehong pagsusuri na hindi lumago ang mga bakterya. Isinagawa ang mga pagsusuring ito ng isang laboratoryo na pinapangasiwaan ng Ministry of Health ng Kenya.
Napatunayang kaya ng mga mask na ito na pigilan ang paglago ng mga bakterya, pero hindi ito nangangahulugan na mapupuksa ng mga ito ang virus na sanhi ng COVID-19. Walang pahayagang sinuri ng ibang siyentista tungkol sa mga interaksyon sa SARS-CoV-2 ng nanoparticle na fabric na pangontra sa mikrobyo, at hindi rin nagkomento ang Tiira Health tungkol sa epekto ng mask sa COVID-19. Bagama’t maraming lumabas na artikulo tungkol sa partikular na mask na ito, wala itong napatunayang epekto sa COVID-19.