This explainer is more than 90 days old. Some of the information might be out of date or no longer relevant. Browse our homepage for up to date content or request information about a specific topic from our team of scientists.
This article has been translated from its original language. Please reach out if you have any feedback on the translation.
Dumaan ang bakuna para sa COVID-19 ng Johnson & Johnson sa paunang pagsubok sa mga rhesus macaque at Syrian golden hamster bago ito isinailalim sa pagsubok sa tao.

Unang sinubukan ang bakuna para sa COVID-19 ng Johnson & Johnson (J&J) sa mga rhesus macaque, at pagkatapos ay sa mga Syrian golden hamster. Inilathala ang mga detalye ng parehong pag-aaral sa siyentipikong peryodiko na Nature.
Sa unang pagsubok, 32 unggoy ang nakatanggap ng isang dosis ng bakunang may viral vector at 20 unggoy ang nakatanggap ng placebo. Gumagamit ang mga bakunang may viral vector ng inayos na bersyon ng isang hindi nakakapinsalang virus para gisingin ang immune system at hudyatan ito na labanan ang nakakapinsalang virus, gaya ng COVID-19. Pagkalipas ng apat na linggo, nakitaan ng mga immune response ang lahat ng nabakunahang macaque. Pagkalipas ng 6 na linggo, noong na-expose sila sa orihinal na strain ng COVID-19 o B.1351 variant, 5 sa bawat 6 na nabakunahang unggoy ang ganap na naprotektahan laban sa parehong uri ng virus.
Napagpasyahan ng mga mananaliksik na mabisa ang isang dosis ng bakuna sa pagbibigay ng ganap o halos komprehensibong immunity sa mga rhesus macaque.
Sa ikalawang pagsubok, 50 hamster ang nakatanggap ng isang dosis ng bakuna at 10 hamster ang nakatanggap ng placebo. Pagkalipas ng 4 na linggo, na-expose ang mga hamster sa mataas na dosis ng COVID-19. Natuklasan ng mga mananaliksik na bawas ang pagbaba ng timbang ng mga nabakunahang hamster at mas kaunti ang virus sa kanilang baga at iba pang organ kumpara sa mga hamster na nakatanggap ng placebo. Walang namatay sa mga nabakunahang hamster, at namatay ang ilan sa mga hindi nabakunahang hamster. Nakita sa pag-aaral na ito na nakapagbigay ng proteksyon sa mga hamster ang isang dosis ng bakuna ng Johnson & Johnson laban sa malubhang sakit at kamatayan pagkatapos ma-expose sa mataas na dosis ng coronavirus.

Bago pahintulutang gamitin ang mga bakuna sa mga tao sa mga klinikal na pagsubok, inaatasan ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga mananaliksik na magsagawa ng mga paunang pagsubok sa mga hayop.
Bagama’t pinabilis ang mga pagsubok para sa bakuna at binawasan ang pagsubok sa mga hayop dala ng kagyat na pangangailangan para sa bakuna laban sa COVID-19, dumaan sa pagsubok sa hayop para sa kaligtasan at bisa ang lahat ng bakuna para sa COVID-19 na binigyan ng Pahintulot para sa Pang-emergency na Paggamit.
Sa isang post sa social media na nagsabi na hindi nagsagawa ng mga pagsubok sa hayop ang mga manufacturer ng bakuna para sa COVID-19 dahil namamatay ang lahat ng hayop, binanggit ang isang pagdinig sa Senado sa Estado ng Texas na nangyari noong Mayo 6, 2021. Isa sa mga paksang tinalakay ang Bill 1669, na naglalayong ipagbawal ang diskriminasyong may kinalaman sa katayuan sa pagpapabakuna. Mula 44:23–45:30 ng naka-record na pagdinig, sinabi ng Senador ng Estado ng Texas na si Bob Hall na hindi nagsagawa ng mga pagsubok sa hayop dahil namamatay ang mga hayop, at sumang-ayon ang pediatrician na si Dr. Angelina Farella.
Hindi totoo ang mga pahayag na ito. Nagsagawa ang lahat ng manufacturer ng bakuna para sa COVID-19 ng mga pagsubok sa hayop at walang nagresulta sa malubhang isyu sa kaligtasan. Bagama’t pinayagan ng FDA ang Moderna at Pfizer na pagsabayin ang mga pagsubok sa hayop at mga paunang pagsubok sa tao, hindi ito nangangahulugang iniklian o hindi isinagawa ang mga pagsubok sa hayop.