BACK

Ano ang nalalaman natin sa ngayon tungkol sa kakayahan ng mga taong walang sintomas na maipasa ang virus?

This article was published on
July 6, 2020

This explainer is more than 90 days old. Some of the information might be out of date or no longer relevant. Browse our homepage for up to date content or request information about a specific topic from our team of scientists.

This article has been translated from its original language. Please reach out if you have any feedback on the translation.

Puwedeng maipasa ang virus sa iba ng mga taong may COVID-19 na asymptomatic (o walang sintomas). Tinatantiya ng mga mananaliksik na 59% ng paglaganap ng COVID-19 ang dulot ng mga taong walang sintomas. Nangyayari ang 35% ng paglaganap bago makaranas ng sintomas ang isang tao (kapag siya ay pre-symptomatic o hindi kaagad nakikitaan ng sintomas). Nangyayari ang 24% ng paglaganap ng COVID-19 dahil sa mga taong hindi kailanman nagkaroon ng sintomas.

Publication

What our experts say

Ang mga taong may asymptomatic (o walang sintomas) na COVID-19 ay nahahawahan ng virus pero hindi nagpapakita ng anumang sintomas. Kasama sa mga karaniwang sintomas ang ubo, lagnat, o mga pagbabago sa pang-amoy o panlasa. Napag-alaman sa mga pag-aaral na halos magkasingdami ang virus ng mga taong walang sintomas at mga taong may sintomas. Isinasaad ng resultang ito na kayang maipasa ng mga taong walang sintomas ang virus.   Nagsasaad ang isang ulat ng US Centers for Disease Control and Prevention mula noong Marso 19, 2021 ng mga bagong tantiya para sa impeksyong walang sintomas. Ganito ang nakasaad sa ulat:

- 30% ng mga taong may COVID-19 ang nananatiling walang sintomas. Ayon sa naunang ulat ng CDC mula noong Setyembre 2020, 40% ng mga taong may COVID-19 ang nanatiling walang sintomas. - Hindi gaano nakakahawa ang mga taong walang sintomas kumpara sa mga taong may sintomas. Nasusukat ang pagiging nakakahawa ayon sa kakayahan ng isang taong walang sintomas na maikalat ang virus, kumpara sa isang taong may sintomas. Hindi nito sinusukat kung gaano karaming virus ang dala ng isang tao. Ayon sa tantiya ng ulat na ito, ang kakayahang makahawa ng mga taong walang sintomas ay 75% ng kakayahang makahawa ng mga taong may sintomas. - Nangyayari ang 50% ng paglaganap ng COVID-19 bago makaranas ng sintomas ang mga tao.   Sa isang pag-aaral na inilathala noong Enero 2021, tinantiya ng mga mananaliksik na 59% ng paglaganap ng COVID-19 ang dahil sa mga taong walang sintomas. Iniulat nila na nangyayari ang 35% ng paglaganap bago magkaroon ng sintomas ang isang tao, na tinatawag ding "hindi kaagad nakikitaan ng sintomas." Halos sangkapat ng mga kaso, o 24%, ang nangyayari dahil sa mga taong hindi kailanman nagkakaroon ng sintomas. Hindi nagbigay ang World Health Organization (WHO) ng mga opisyal na tantiya ng paglaganap dahil sa walang sintomas. Ayon sa mga eksperto sa WHO, iba-iba ang magiging tantiya sa iba’t ibang populasyon.   Maaaring hindi alam ng mga taong walang sintomas na may sakit sila, kaya posibleng hindi sila kumilos para maiwasan ang paglaganap ng virus. Kung nakikisalamuha sila sa komunidad o matagal silang nalalapit sa ibang tao, posibleng mas maipasa nila ang virus kumpara sa mga taong alam na mayroon silang sakit at nananatili sa bahay.   Dapat patuloy na sundin ng mga tao ang mga lokal na alituntunin para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.  Inirerekomenda ang mga hakbang tulad ng pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay sa loob ng 20 segundo, at pagpapanatili ng distansyang 6 na talampakan (2 metro) sa iba.

Napapaliit ng maraming bakuna para sa COVID-19 ang posibilidad na mahawahan ng taong may sintomas at walang sintomas. Inirerekomenda ang mga bakuna para sa COVID-19 para sa karamihan ng tao. Dapat makipag-usap ang mga tao sa kanilang doktor o tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa mga bakuna para sa COVID-19.

Context and background

Inaalala ng mga eksperto at tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan ang paglaganap ng COVID-19 dahil sa mga taong walang sintomas ng sakit. Dapat ibukod ng mga tao ang kanilang sarili kapag mayroon silang sakit. Gayunpaman, kung walang sintomas, hindi malalaman ng lahat kung o kapag may impeksyon sila. Puwede pa ring mahawahan ng mga taong walang sintomas ang iba.

Resources

  1. Follow-up ng mga pasyenteng may SARS-CoV-2 na walang sintomas (Clinical Microbiology and Infection)
  2. Pagtatantiya sa dami ng nagkaroon ng sakit na dulot ng coronavirus 2019 (COVID-19) na walang sintomas na sakay ng Diamond Princess cruise ship, Yokohama, Japan, 2020. (Eurosurveillance)
  3. COVID-19: pagsunod kay Ernest Shackleton (BMJ)
  4. Paghahawa-hawa ng SARS-CoV-2 sa Komunidad sa Pagsasagawa ng Shelter-in-Place sa San Francisco (medRxiv)
  5. Pagtatantiya sa posibleng maabot ng walang sintomas na COVID-19 at sa potensyal nito na maging sanhi ng pagkakahawa sa komunidad: sistematikong pagsusuri at meta-analysis (JAMMI)
  6. Paglaganap ng Impeksyong Dulot ng SARS-CoV-2 na Walang Sintomas (Annals of Internal Medicine)
  7. Sa mga Pagkakamali ng WHO kaugnay ng Coronavirus, May Napansing Pattern ang Ilang Siyentista (NYT)
  8. Binalaan ang Tagapayo sa White House tungkol sa Posibilidad ng Pagkakaroon ng Pandemya; Mali ang Sinasabi ni Trump tungkol sa Pagsusuri (New York Times)
  9. Mga Sitwasyon sa Pagpaplano kaugnay ng Pandemyang COVID-19 (U.S. CDC)
  10. Mga Naoobserbahan at Molecular Viral Shedding sa mga Pasyenteng May SARS-CoV-2 na Walang Sintomas at May Sintomas sa Isang Pagamutang Pangkomunidad sa Republic of Korea (JAMA)
  11. Puwede bang maipasa ng mga pasyenteng walang sintomas ang coronavirus? Narito ang natuklasan sa isang bagong pag-aaral (Advisory.com)
  12. Pagtitiyak na Husto ang mga Tela at Medikal na Mask para Mapabuti ang Paggampan sa Tungkulin at Mabawasan ang Pagkakahawa ng at Pagkaka-expose sa SARS-CoV-2, 2021 (U.S. CDC)
  13. Pagsusuri sa Pagkakahawa mula sa mga Pasyenteng Walang Sintomas at Hindi Kaagad Nakikitaan ng Sintomas sa Paglaganap ng SARS-CoV-2, Germany, 2020 (U.S. CDC)
  14. Potensyal na pagkakaroon at pagkakahawa ng impeksyong dulot ng SARS-CoV-2 na walang sintomas at hindi kaagad nakikitaan ng sintomas: Isang patuloy na ina-update na sistematikong pagsusuri at meta-analysis (Plos Medicine)
  15. Pagkakahawa ng SARS-CoV-2 mula sa mga Taong Walang Sintomas ng COVID-19 (JAMA Netw Open)
  16. Epekto ng Bakuna para sa COVID-19 sa Impeksyong Walang Sintomas sa mga Pasyenteng Sumasailalim sa Molecular Screening para sa COVID-19 Bago ang Panggagamot (Clinical Infectious Diseases)
  17. Q&A: Paano Naipapasa ang COVID-19? (WHO)
  18. Mga Sitwasyon sa Pagpaplano kaugnay ng Pandemyang COVID-19 (U.S. CDC)

Media briefing

Media Release

Expert Comments: 

No items found.

Q&A

No items found.