This explainer is more than 90 days old. Some of the information might be out of date or no longer relevant. Browse our homepage for up to date content or request information about a specific topic from our team of scientists.
This article has been translated from its original language. Please reach out if you have any feedback on the translation.
Maaaring ligtas na mabakunahan laban sa COVID-19 ang mga taong may HIV. Natitiyak ng mga mananaliksik ang kaligtasan ng bakuna sa pamamagitan ng mga klinikal na pagsubok, na bahagi ng proseso ng awtorisasyon kung saan sumasailalim ang mga magagamit na bakuna bago gamitin ang mga ito para sa pagbabakuna sa publiko. May mga taong may impeksyong dulot ng HIV na kasama sa mga klinikal na pagsubok na isinagawa para masubukan ang kaligtasan ng mga awtorisadong bakuna para sa COVID-19, at napagpasyahang ligtas ang mga naturang bakuna.

Para sa mga taong na-diagnose na may HIV, puwedeng mapanatiling malakas ang immune system sa pamamagitan ng regular na panggagamot. Walang katibayan na nakakasagabal ang mga awtorisadong bakuna sa epekto ng panggagamot sa HIV. Inirerekomenda ang mga bakuna para sa lahat ng taong may HIV, anuman ang yugto ng kanilang sakit at lakas ng kanilang immune system.
Kasalukuyang walang katibayan na maaaring makatulong sa pag-iwas o paggamot sa COVID-19 ang panggagamot para sa HIV.
May ilang karagdagang hakbang na maaaring makatulong sa pag-iwas sa COVID-19 na mainam para sa mga taong mayroon at walang HIV:
- Magpabakuna kung kwalipikado ka - Magsuot ng mask na tumatakip sa iyong ilong at bibig - Magpanatili ng distansya sa kapwa (layo sa iba na anim na talampakan) - Umiwas sa mga lugar na matao at walang maayos na daloy ng hangin - Regular na maghugas ng mga kamay gamit ang sabon at tubig, at gumamit ng hand sanitizer kapag hindi makakapaghugas
Pinapayuhan din ng mga eksperto ang mga taong may HIV na:
- Regular at ligtas na magpatingin sa kanilang mga doktor sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang bilang pag-iingat sa COVID-19 sa klinika o pagpapatingin nang malayuan (Telemedicine) at paggamit ng mga serbisyo ng pagdedeliber ng gamot kung may ganito - Tiyaking mayroon silang supply ng gamot para sa HIV sa loob ng 30 araw hanggang 90 araw, at anupamang gamot na kinakailangan para mapanatili ang kanilang kalusugan - Tiyaking kumpleto sila ng iba pang bakuna gaya ng bakuna para sa trangkasong nakadepende sa panahon at pulmonyang dulot ng bakterya dahil mas malaki ang posibilidad ng mga taong may HIV na magkaroon ng mga impeksyong ito
Maaaring hindi ganap na maprotektahan ang mga taong may mahinang immune system na dahil sa malubha o hindi ginagamot na HIV, kahit na mabakunahan sila. Dapat nilang patuloy na protektahan ang kanilang sarili gaya ng ginagawa ng mga taong hindi bakunado, at dapat silang magpatingin sa kanilang doktor. Iminumungkahi ng US Centers for Disease Control na bigyan ng mga karagdagang dosis ng bakuna para sa COVID-19 na Pfizer-BioNTech o Moderna, na tatanggapin sa loob ng 28 araw pagkatapos ng ikalawang dosis, ang mga taong may malubha o hindi ginagamot na HIV. Walang ganitong rekomendasyon para sa bakuna para sa COVID-19 na Janssen ng Johnson & Johnson (J&J/Janssen) dahil walang sapat na siyentipikong katibayan na nagsasaad na nakakatulong ang karagdagang dosis.
Mainam para sa lahat ng taong may HIV na magpanatili ng malusog na diyeta, matulog nang kahit man lang 8 oras kada araw, magbawas ng stress hangga’t maaari, at regular na magpagamot para sa HIV. Mayroon din dapat silang emergency contact sakaling magkasakit sila.

Karaniwang mas mahina ang immune system ng mga taong may impeksyong dulot ng HIV na hindi nagpapagamot kumpara sa mga taong may HIV na regular na nagpapagamot at mga taong walang HIV. Dahil dito, mas malaki ang posibilidad nila na magkaroon ng ilang impeksyon, na puwedeng makaapekto sa kanila nang mas malala kumpara sa mga taong walang HIV. Ang mga ito kadalasan ang sanhi ng kamatayan ng mga pasyenteng may malubhang HIV. Gayunpaman, walang malinaw na katibayan na napapalaki ng pagkakaroon ng HIV ang posibilidad ng isang tao na mahawahan ng COVID-19 at/o magkaroon ng mga malubhang komplikasyon dahil sa sakit.
Minsan, may iba pang medikal na kondisyon ang mga taong may HIV maliban sa impeksyon, gaya ng altapresyon, sakit sa puso, at sakit sa baga. Napag-alaman na nagkakaroon ng mas malubhang impeksyong dulot ng COVID-19, nakakaranas ng mga komplikasyon, at mas malamang na maospital ang mga taong may mga ganitong kondisyon, mayroon man silang HIV o wala. Nagsisimula nang lumabas sa ilang pag-aaral na medyo lumalaki ang posibilidad ng mga taong may HIV na magkaroon ng mga komplikasyon, at bagama’t hindi pa napapatunayan ang mga pag-aaral na ito, binibigyang-diin nito ang kahalagahan ng pangangalaga para sa mga taong may HIV. Kasama rito ang pagtitiyak na makakakuha sila ng ligtas na pangangalaga, sapat na supply ng mga gamot (para sa HIV at iba pang kondisyon) at pagkain para makapagpanatili ng malusog at malakas na katawan.
Partikular na mahirap itong gawin para sa ilang grupo. Hindi pantay-pantay ang epekto ng pandemyang dulot ng HIV sa iba’t ibang grupo. Noong 2020, 55 porsyento ng mga kaso ng HIV sa buong mundo ang naiulat sa silangan at timog Africa. Anim na porsyento lang ang nasa Western at Central Europe at North America. Sa United States, ang mga Black at Hispanic, na bumubuo sa 31% ng bansa, ang bumubuo sa 64% ng kaso ng HIV.
Sa panahon ng pandemya, dumagdag sa mga balakid sa pagpapagamot ang mga lockdown, kamakailang kawalan ng trabaho, kawalan ng kita o medikal na insurance, at kawalan ng kaalaman tungkol sa mga programa ng tulong sa pasyente o ng paraan para makasali sa mga programang ito. Bukod pa rito, dahil sa COVID-19, naudlot ang ilang paraan kung paano nakakapagpagamot ang mga grupo na ito sa pamamagitan ng mga organisasyon sa komunidad at pangunahing pangangalaga.
Sa panahon ng pandemya, isang komplikadong isyu sa kalusugan ng publiko ang HIV na nangangailangan ng regular na pangangalaga, suporta sa komunidad, tulong, at pagbibigay-kaalaman para maprotektahan ang mga taong may HIV.