This explainer is more than 90 days old. Some of the information might be out of date or no longer relevant. Browse our homepage for up to date content or request information about a specific topic from our team of scientists.
This article has been translated from its original language. Please reach out if you have any feedback on the translation.
Sinasabi sa atin ng mga rate ng husay ng bakuna kung gaano kahusay ang mga bagong bakuna para sa COVID-19 sa pagpigil na mahawahan ang mga tao ng COVID-19 sa mga klinikal na pagsubok. Hindi sinasabi ng mga ito sa atin ang mga maaasahan mismong rate ng bisa ng bakuna kapag ginamit na ang mga bakuna para sa publiko.

Nagbabahagi ang mga pag-aaral sa bakuna ng mga resultang nagpapaalam sa mga eksperto sa kalusugan ng publiko, tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan, siyentista, at publiko kung gaano kabisa ang mga bakuna. Dalawang karaniwang termino na magkatunog ang husay ng bakuna at bisa ng bakuna. Sa pananaliksik, magkaiba ang kahulugan ng mga ito.
Husay ng Bakuna Ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention (US CDC), ginagamit ang husay ng bakuna para ilarawan kung gaano kahusay ang bakuna sa pagbibigay ng proteksyon sa mga kalahok ng klinikal na pagsubok para hindi sila magkasakit o maiwasan ang malubhang sakit. Tumutukoy ang husay ng bakuna sa mga resultang iniuulat mula sa mga klinikal na pagsubok sa pananaliksik.
Halimbawa, ayon sa mga pag-aaral sa bakuna ng Moderna at Pfizer/BioNTech, napipigilan ng mga bakuna ang impeksyon sa tinatayang 95% ng pagkakataon (dalawang linggo pagkatapos ng ikalawang dosis).
Sa estadistika, tinatawag ang value ng husay na ito na relative risk reduction (RRR). Ipinapaalam sa atin ng RRR kung gaano nababawasan (o napapaliit) ang posibilidad na maimpeksyon ng COVID-19 sa grupong nakatanggap ng pinag-aaralang bakuna, kumpara sa pangkontrol na grupo na hindi nakatanggap ng pinag-aaralang bakuna.
Sinasabi ng ilang eksperto na masyadong pinagtutuunan ang RRR at na dapat mas madalas na iulat sa publiko ang iba’t ibang sukatan, tulad ng absolute risk reduction (ARR) (o risk difference). Bagama’t makakatulong ang pagsasaalang-alang sa iba pang sukatan, puwedeng maging nakakalinlang o maipakahulugan sa maling paraan ang mga ito. Maging ang may-akda ng isang inilathala sa Lancet na nagmungkahi na dapat iulat ang ARR kasama ng datos ng husay ng bakuna ay tumugon sa isang kamakailang fact-check tungkol sa kanyang akda.
Mahalagang alamin ang ilang bagay tungkol sa absolute risk reduction (ARR) at mga pagsubok para sa bakuna: 1. Maaaring makaimpluwensya sa magreresultang absolute risk reduction kung gaano kumakalat ang virus, gayundin ang mga hakbang na ginagawa ng mga tao para maiwasang magkasakit (hal., pagsusuot ng mask, pagdistansya sa kapwa). 2. Karaniwang panandalian lang ang mga klinikal na pagsubok. Kapag gumamit ng ARR para sa datos ng pagsubok, maaaring magmukhang hindi gaanong mahusay ang bakuna kumpara sa magiging epekto ng bakuna sa posibilidad ng tao na magkasakit sa paglipas ng mas matagal na panahon. 3. Sinuri ng mga mananaliksik ang husay ng bakuna sa sandaling may nakumpirma nang partikular na bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa mga pagsubok para sa bakuna. Sa ganitong paraan, palaging lalabas na mababa ang ARR dahil direkta itong nauugnay sa bilang ng mga kasong nakumpirma sa pag-aaral. Halimbawa, nagtalaga ang pag-aaral ng 20,000 pasyente sa pangkontrol na grupo at 20,000 pasyente sa grupong makakatanggap ng bakuna. Sa pag-aaral na iyon, 200 tao sa pangkontrol na grupo ang nagkasakit at 0 tao sa grupong nakatanggap ng bakuna ang nagkasakit. Bagama’t magiging 100% ang husay ng bakuna, isasaad ng ARR na nababawasan lang ng mga bakuna nang 1% (200/20,000 = 1%) ang absolute risk. Para tumaas at maging 20% ang ARR sa aming halimbawang pag-aaral na may bakunang may 100% husay, 4,000 sa 20,000 tao sa pangkontrol na grupo ang kailangang magkasakit (4,000/20,000 = 20%). Kaugnay ng kalusugan ng publiko, hindi magandang hintaying dumami ang naimpeksyon sa pangkontrol na grupo at tumaas ang ARR bago ibahagi ang mga natuklasan sa pag-aaral.
Pinag-aaralan pa ng mga mananaliksik kung gaano kahusay ang mga bakuna para sa COVID-19 sa pagpigil sa paglaganap ng COVID-19.
Bisa ng Bakuna Ipinapaliwanag ng bisa ng bakuna kung gaano kabisa ang bakuna sa publiko sa labas ng laboratoryo. Patuloy ang pananaliksik tungkol sa bisa ng bakuna. Magkakaroon ng higit pang datos habang dumarami ang mga taong nababakunahan sa iba’t ibang panig ng mundo.
Herd Immunity Tumutukoy ang “herd immunity” sa porsyento ng mga taong kailangang magkaroon ng immunity o resistensya laban sa virus para maging ligtas ang komunidad (o herd). Puwedeng magkaroon ng immunity sa pamamagitan ng mga bakuna o pagkakahawa ng sakit. Mahalaga ang herd immunity para mapababa ang bilang ng mga taong nangangailangan ng pangangalagang pangkalusugan at maprotektahan ang mga indibidwal na hindi puwedeng bakunahan dahil sa mga isyu sa kalusugan.
Pinag-aaralan pa ng mga mananaliksik ang herd immunity para sa COVID-19. Iniisip ng maraming eksperto na maaaring kailanganing mabakunahan o gumaling sa impeksyon ang kahit man lang 60–70% ng populasyon para magkaroon ng herd immunity, pero hindi pa ito nakukumpirma. Pinag-aaralan pa rin ng mga mananaliksik kung paano makakaapekto sa herd immunity ang husay ng bakuna na iniuulat mula sa mga klinikal na pagsubok. Sa kasalukuyan, ipinapalagay na magiging mahalagang salik para magkaroon ng herd immunity ang porsyento ng mga taong pumapayag na magpabakuna.
Malaki ang papel ng pagbabakuna sa kalusugan ng isang tao pati na rin sa kalusugan ng publiko. Puwede nitong mapigilan ang pagkakasakit ng ilang tao, at maaari itong makapagbigay ng sapat na proteksyon para hindi maging malubha ang sakit ng mga tao o para hindi sila mamatay dahil sa sakit. Mariing hinihikayat na magpabakuna ang lahat ng taong puwedeng mabakunahan, para makatulong na maprotektahan sila at ang iba.

Maraming interesadong malaman kung gaano kahusay ang mga bakuna para sa COVID-19, at kung gaano makakatulong ang mga bakuna sa pagkamit ng herd immunity. Sa kasamaang-palad, nag-aalangan din sa pagpapabakuna ang ilang tao. Nakasalalay ang herd immunity sa pagtitiyak na handang magpabakuna ang mga taong puwedeng mabakunahan.