This explainer is more than 90 days old. Some of the information might be out of date or no longer relevant. Browse our homepage for up to date content or request information about a specific topic from our team of scientists.
This article has been translated from its original language. Please reach out if you have any feedback on the translation.
Walang siyentipikong katibayan na nagsasaad na puwedeng magsanhi ng mga komplikasyon ang paggamit ng diclofenac ayon sa payo ng doktor pagkatapos makatanggap ng bakuna para sa COVID-19. Ayon sa mga patnubay ng CDC para sa lahat ng kasalukuyang awtorisadong bakuna para sa COVID-19, maaaring uminom ng mga NSAID para sa mga sintomas pagkatapos magpabakuna. Kasama rito ang paggamit ng diclofenac, at hangga’t hindi hihigit sa inirerekomendang dami at naaayon ito sa payong medikal.

Walang siyentipikong katibayan na nagsasaad na puwedeng magsanhi ng mga komplikasyon ang paggamit ng diclofenac ayon sa payo ng doktor pagkatapos makatanggap ng bakuna para sa COVID-19.
Pangkaraniwang makaranas ang isang tao ng mga hindi malubha at pansamantalang side effect gaya ng lagnat, sakit ng ulo, atbp. pagkatapos magpabakuna. Normal na tugon ito sa bakuna. Isa itong palatandaan na nagigising ang immune system. Ayon sa datos ng mga nakatanggap ng bakunang Janssen, 50% ang nakaranas ng kahit man lang isang pansamantalang side effect (mula sa pagbibigay ng impormasyon ng FDA noong Pebrero 26, 2021). Para gamutin ang mga hindi malubhang side effect na ito, inirerekomenda ng mga awtoridad sa kalusugan ang paggamit ng mga nonsteroidal anti-inflammatory drug (NSAID) na tulad ng aspirin, ibuprofen, at diclofenac kapag kinakailangan.
Ayon sa mga patnubay ng CDC para sa lahat ng kasalukuyang awtorisadong bakuna para sa COVID-19, maaaring uminom ng mga NSAID para sa mga sintomas pagkatapos magpabakuna. Kasama rito ang paggamit ng diclofenac, at hangga’t hindi hihigit sa inirerekomendang dami at naaayon ito sa payong medikal.
Narito ang tatlong pangunahing pinagmulan ng kontrobersya tungkol sa paggamit ng mga NSAID pagkatapos mabakunahan para sa COVID-19:
1. Mga pagkabahalang puwedeng mapalala ng mga NSAID ang COVID-19 sa mga pasyente (Pubmed, Marso 2020). Gayunpaman, ayon sa mga natuklasan kamakailan sa ilang pag-aaral, hindi lumalaki ang posibilidad na magkaroon ng mga hindi magandang resulta sa paggamit ng NSAID sa mga pasyenteng may COVID-19. (Lancet, Mayo 7, 2021) 2. Napag-alaman sa isang pag-aaral na nababawasan ng mga NSAID ang produksyon ng mga antibody at iba pang immune response sa SARS-CoV-2 virus (Journal Of Virology, Marso 2021). Ipinarating nito na may posibilidad na puwede ring mapahina ng mga NSAID ang immune response sa mga bakuna para sa COVID-19. Isinasaad ng mga klinikal na pagsubok na hindi ito totoo. Sa mga pagsubok para sa Pfizer at Moderna, pinapayagan ang mga pasyente na gumamit ng mga NSAID kung kinakailangan (Healthline). 3. Mga mensaheng kumakalat sa social media tungkol sa mga NSAID at kinalalabasan ng COVID-19, na napatunayang hindi totoo (HSE Ireland, The News Minute).
Bilang buod, walang siyentipikong katibayan na nagsasaad na nagsasanhi ng mga komplikasyon at maging kamatayan ang paggamit ng diclofenac pagkatapos makatanggap ng bakuna para sa COVID-19. Dahil dito, batay sa kasalukuyang available na datos, hindi kinokontra ng WHO ang paggamit ng mga NSAID sa mga pasyenteng may COVID-19. Bukod pa rito, hindi ipinagbabawal ang paggamit ng mga NSAID na mabibili nang walang reseta, gaya ng ibuprofen, tylenol, aspirin, atbp. kung kinakailangan para maibsan ang mga pansamantalang side effect ng bakuna para sa COVID-19.

Gaya ng ginagawa sa anumang gamot, inirerekomenda ng mga awtoridad sa kalusugan na humingi ng payong medikal bago gumamit ng mga inireresetang NSAID na tulad ng diclofenac. Hindi rin kasalukuyang inirerekomenda ang regular na paggamit ng mga NSAID bago makatanggap ng bakuna para sa COVID-19 (para mapigilan ang paglabas ng mga sintomas pagkatapos magpabakuna).