BACK

Ano ang booster shot, bakit ito kinakailangan, sino ang kwalipikado, at paano ito gumagana?

This article was published on
July 19, 2021

This explainer is more than 90 days old. Some of the information might be out of date or no longer relevant. Browse our homepage for up to date content or request information about a specific topic from our team of scientists.

This article has been translated from its original language. Please reach out if you have any feedback on the translation.

Ang booster shot ay karagdagang dosis ng bakuna na ibinibigay sa mga tao pagkatapos nilang ganap na mabakunahan.

Publication

What our experts say

Ang booster shot ay karagdagang dosis ng bakuna na ibinibigay sa mga tao pagkatapos nilang ganap na mabakunahan.

Sa pamamagitan ng mga booster shot, muling nae-expose ang ating katawan sa bahagi ng bakuna na pumoprotekta sa atin laban sa sakit. Pinapalakas ng mga ito ang resistensya sa virus o bakterya sa pamamagitan ng prosesong tinatawag na immunological memory. Immunological memory ang tawag sa kakayahan ng ating katawan na matukoy at makaresponde sa mga naharap nang foreign body tulad ng COVID-19. 

Halimbawa, inirerekomendang magpaturok ng booster shot para sa tetano ang mga adult sa United States kada sampung taon. Ayon sa pananaliksik, nagsisimulang makalimutan ng ating katawan kung paano labanan ang tetano makalipas ang sampung taon mula noong mabakunahan ito para sa tetano. Pinapaalalahanan ng booster shot ang ating immune system na atakihin ang virus o bakterya.

Puwedeng magreseta ang mga doktor ng mga booster shot para sa mga tao, anuman ang kanilang edad. Puwedeng maging higit na mahalaga minsan ang mga ito para sa mga taong may mga partikular na medikal na kondisyon, paraan ng pamumuhay, pattern sa pagbiyahe, o trabaho. Kasama sa mga sakit na may mga bakunang dinaragdagan ng booster para sa mga bata ang hepatitis A at B, tetano, dipterya, ubong-dalahit, Haemophilus influenza type B, bulutong, tigdas, beke, at tigdas-hangin. Bukod pa rito, kailangan ng mga teenager at adult ng mga booster ng bakuna para sa tetano, dipterya, ubong-dalahit, buni, bulutong, tigdas, beke, tigdas-hangin, at COVID-19. 

Context and background

Para sa maraming sakit na dulot ng virus at bakterya, pag-iwas ang pinakamabisa at pinakamagandang paraan ng panggagamot. Nabibigyan tayo ng mga bakuna ng proteksyon laban sa mga sakit. Gayunpaman, maaaring maisip natin na ligtas na tayo palagi sa sakit kapag nakatanggap na tayo ng bakuna para dito. Hindi ganoon ang nangyayari. Para sa ilang sakit, humihina ang proteksyon sa paglipas ng panahon. Sa ibang kaso, nagbabago o nagmu-mutate ang mga virus kaya humihina ang bisa ng bakuna laban sa bagong bersyon ng pathogen. Ito ang dahilan kung bakit kailangan natin ng mahigit isang dosis sa maraming pagbabakuna. 

Resources

  1. Pollard, A. J., at Bijker, E. M. (2021). Isang gabay sa vaccinology: mula sa mga saligang panuntunan hanggang sa mga bagong natutuklasan. Nature Reviews Immunology21(2), 83-100.
  2. Ang kahalagahan ng immunological memory sa pag-aayos ng umaangkop na immunity sa genome (Immunobiology, 5th edition)
  3. Inirerekomendang Iskedyul ng Pagbabakuna sa Adult para sa mga 19 na taong gulang pataas, United States, 2021 (U.S. CDC)
  4. Kirman, J. R., Quinn, K. M., at Seder, R. A. (2019). Immunological memory.

Media briefing

Media Release

Expert Comments: 

No items found.

Q&A

No items found.